Ayan ka nanaman (Parekoy part 3)

268 2 0
                                    

Alia's POV:

"Uy kayo pa din magkasama?! Aba ayos kayo ah." sabi nila sa amin ni hans

Nasa reunion kami, nagtatawanan kami ng biglang dumating si sandra.

"Hi sandra!" bati namin sa kanya

Pero napansin ko yung lalaking nasa likod niya at tumigil ang oras maging ang pagtibok ng puso ko. Halos di ako makagalaw sa kinauupuan ko.

Nagulat ako nung nginitian niya ako, "Parekoy?" sabi ni hans at hinawakan yung kamay ko

Nakatingin pa din ako sa lalaking nasa harap ko, panaginip ba toh?

Unti-unti siyang naglakad papunta sa akin, after 3 years nakita ko ulit siya. Pinipigilan kong wag maiyak. Nararamdaman ko nanaman lahat ng sakit, naaalala ko nanaman yung mga nangyari.

"Hi Alia." sabi niya at ginulo yung buhok ko

"K-kuya Patrick." sabi ko at ngumiti siya

"Kain muna kayo, uy kuya patrick! Long time no see!" sabi ni allen, kaklase ko dati na kateam ni kuya patrick sa basketball

Nakatingin pa din ako sa kanya habang nakangiti siya kay allen at nag uusap sila.

"Parekoy, teka lang ha? Kakausapin daw ako ni loureen." sabi ni hans at umalis

Biglang may tumabi sa akin, napalingon ako. Si sandra.

Ngumiti siya, "Kamusta?"

"O-okay lang. Sandra sorr----"

"Okay lang." sabi niya, "Alam ko naman yung dahilan. Di naman ako galit sayo alia, nag usap na din kami ni kuya. Akala ko nga ikaw galit sa akin eh, kasi iniwasan mo na ako." sabi niya

"Sandra kasi...."

"Alia."

napatingin kami pareho dun sa tumawag, "Usap tayo." sabi ni kuya patrick

Ngumiti si sandra sa akin at tumango, tumayo ako tapos sinundan si kuya patrick. Hanggang sa makadating kami sa garden.

Umupo kami dun tapos nakayuko lang ako, "Alia.. Alia.. Alia.. Hay." sabi niya

naramdaman kong nag init yung mata ko at unti-unting pumapatak yung luha ko.

"Sorry Kuya patrick, sorry talaga." sabi ko habang umiiyak paulit ulit ko yung sinabi pero nakayuko lang siya

"Hindi ka dapat mag sorry, naiintindihan kita." sabi niya at ngumiti, "Kasi pag mahal mo ang isang tao. Magagawa mong magsinungaling, magagawa mong saktan yung mga taong minamahal niya para lang mapalapit sa kanya."

tinitignan ko lang siya habang nagsasalita, "at magagawa mo ding gamitin ang taong malapit sa kanya para makalimutan siya. katulad ng nangyari dati alia." sabi niya

so ginamit niya ako para kalimutan si rika? ganun ba talaga yung nangyari?

"Ginamit ko si rika, para kalimutan ka." sabi niya

napatigil ako sa kanya, "Nung panahong nakita mong sinabihan ko si rika ng i like you, yun yung panahong sumuko na ako sayo. Actually di naman talaga ako nagalit nun dahil ginamit mo si sandra eh, matagal ko nang alam yun. Ginamit ko lang yung excuse para iwasan ka, dahil alam ko namang di kita kayang pasayahin."

What the?! Ako di niya kayang pasayahin?! Eh siya nga yung rason kaya sobrang saya ko lagi dati eh.

"...At saka isa pa, 17 ako nun at 15 ka pa lang. Puppy love kumbaga." sabi niya at tumawa

"Sorry Alia kung napahirapan kita. Sorry talaga, hindi ko toh sinasabi para maging tayo o kung ano man. Sinasabi ko toh dahil gusto kong maayos natin toh. Oo minahal kita nun, kaso nung nakita kitang umiyak natakot ako ng sobra. Natakot ako na baka pag dating ng panahon, masaktan kita ng sobra at di ko kayanin." sabi niya habang nakangiti

One Shots: KathNielTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon