Bakit nga ba?

801 12 0
                                    

"Ano ba?!" sigaw niya at tinulak ako

"Daniel, hindi ko nga boyfriend yun. hindi kita niloloko!" sabi ko

Tinignan niya ako ng masama, "Alam mo kath sawang-sawa na ako! Pagod na ako kath." sabi niya

Nagsimula namang tumulo yung mga luha ko, "Hindi ko nga kasi boyfriend yun. Wag ka nang magalit. Bestfriend ko yun sa dati kong school."

"So pag bestfriend kailangan hahalikan ka sa cheeks tapos aakbayan ka niya?!"

"Napaka immature mo! Ikaw nga tong boyfriend ko diba?! Ikaw yung mahal ko. Ano bang nakakagalit dun?!"

"Ano?! Tinatanong mo ko kung anong nakakagalit dun?! Lahat as in lahat nakakagalit dun."

"Hindi naman eh! Kapatid lang talaga yung turing niya sa akin. At kung meron mang nanloloko sa ating dalawa, ikaw yun!"

"Anong ako?! Wag mong ibahin yung usapan!"

"Nakita kita kahapon, kasama mo si Jane. Sabi mo may sakit ka pero nung sinundan ko kayo sa bar kayo nagpunta. Yun ba yung may sakit?! At saka kanina kayo ni Nicole! Yung ex mo, nakita ko kayo kanina nag date kayo nagpu--------"

"Pwede ba kath?! Ano naman kung dinedate ko sila. Nakakasawa ka kasi eh."

pagkasabi niya nun nag init ang dugo ko at hinampas hampas ko na siya.

"Edi sana sinabi mo agad, sana nagbreak na lang tayo. Kaysa mang babae ka habang tayo. Hindi ko nga alam kung bakit kita sinagot eh. Aish kainis kang lalaki ka! Kainis ka! Kung pagod ka na, mas pagod na ako. Kung sawa ka na mas sawa na ako. Pagod at sawa na akong mahalin ka. Ayoko na magpanggap na okay ako kahit hindi naman. Nakakainis ka, hirap na ako sayo eh."

"KATH ANO BA?!"

hinawakan niya yung dalawang kamay ko at tinulak ako.

"Kath ano ka ba?! Gusto mong makipagbreak?!"

"Oo nakakainis ka!"

"Kath pw-----------"

"Ayoko na. Pagod na ako. Break na tayo." pagkasabi ko nun tumakbo na ako palayo

Hindi ko alam kung bakit o kung pano ako nagkaroon ng lakas ng loob para sabihin yun. Ang alam ko lang masyado na akong nasaktan. Hindi naman kami ganito dati eh.

Tinagurian siyang cassanova pero nung niligawan niya ako tumigil na siya sa pang bababae. Pero nung sinagot ko siya umiral nanaman. Ilang beses na kaming nagbreak. Ako naman tong si tanga nagpapauto lagi, kahit alam kong ganun ulit ang gagawin niya nakikipagbalikan pa din ako sa kanya.

Nagmumukha akong ewan sa harap ng mga babae niya katulad nung sinundo ko siya sa isang bar last month nagpasundo kasi siya

*Flashback*

"Daniel lasing ka na tara na." sabi ko at sinusubukan siyang ilayo sa mga babae

"Excuse me ms. who are you?!" sabi nung isang naka mini as mini dress

"Girlfriend niya."

"Oh come on. Halatang di ka niya type." hindi ko na lang siya pinansin at nagpatuloy sa paghila kay daniel

"Daniel naman tara na." sabi ko

"Teka bit-a-wan mo ako. ANO BA KITA HAHAHAHAHAHAHAHA!!!" sabi ni daniel

"Girlfriend mo ko." sabi ko

"Lahat girlfriend ko so pang ilan ka sa kanila?!" sabi niya

One Shots: KathNielTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon