two; taking chances ii

252 8 1
                                    

two;

Take it or Leave it (Taking Chances II)

Awkward. Kanina pa sila nagtitinginan, wala pang nagsasalita. Naglakas lang ng loob si Daniel na lapitan si Chandria para mangamusta. Para itanong kung para sa kanya ba talaga yung libro. Kung bakit hindi sa kanya sinabi ni Chandria yung mga sinulat niya sa libro. Madaming katanungan ang naglalaro sa isip ni Daniel, mga katanungan na gusto niyang masagot ni Chandria. Gusto niya kay Chandria mismo manggaling.

"Sorry, akala ko fan kita," sabi ni Chandria just to break the ice.

"Fan mo naman talaga ako, ang totoo niyan binabasa ko yung works mo," sabi ni Daniel sabay turo sa upuan kaharap ni Chandria, "Can I?"

"Sure. Coffee you want? Nag-order ako."

"No, it's okay."

"Okay," sabi niya at umiwas ng tingin, nilapag niya yung shades niya sa table at hinarap yung upuan niya sa beach. Gustong gusto niyang nanonood ng sunset. Feeling niya kasi kasabay niyang naglalaho yung araw. Kinuha niya yung kape niya.

"So, how are you?" tanong ni Daniel, nakaharap na din yung upuan niya sa beach. Tumitingin tingin siya kay Chandria. Pero naka-focus si Chandria sa sunset.

"Doing good. Eto medyo busy at nap-pressure but kaya naman. Ikaw musta?"

"Doing good din."

She glanced at him and smiled then binalik niya yung tingin niya sa sunset, huminga siya ng malalim bago uminom ng kape. Habang si Daniel mamamatay na sa kaba, at tuwa.

Sino ba namang di makakalimot sa first? First love, first heartbreak.

"Siguro mas mabuti na panuodin muna natin yung sunset," sabi ng binata sa kanya.

"Oo nga," pagsasangayon naman ng dalaga.

Pero nagsinungaling si daniel, hindi naman kasi sunset yung tinititigan niya. Kundi si Chandria. Masyado niyang namiss si Chandria. Napangiti siya habang pinagmamasdan si chandria. Aminado siya na may nararamdaman pa siya. At natatawa siya sa sarili niya sa tuwing naaalala niyang sinubukan niyang takasan yung mga nararamdaman niya for her before. Up until now.





Dalawang buwan pagkatapos ng break up nila ni Chandria, hindi sila nagpapansinan. Akala ni Daniel na dun na matatapos ang lahat, pero mapagbiro nga si tadhana.

Alam niyo yung feeling na kapag seating arrangement pinagdadasal niyo na sana makatabi niyo yung taong gusto niyo? Or kaya na sana di siya matabi sa taong may gusto sa kanya o gusto niya? Hindi kinukulang si Daniel sa dasal tuwing seating arrangement. Pinagdadasal niya na sana si Chandria ang makatabi niya. Pero 3 years ang lumipas walang epekto.

"Okay class, isusulat ko sa board yung makakatabi niyo," sabi ng adviser nila, sign yun para tumayo na sila at pumunta sa gilid at pagnakita ang pangalan nila uupo sila sa kung saang parte ng classroom sila nakaassigned may numbers yung upuan.

Third year highschool. 4th quarter. Wala nang pake si Daniel sa kung sino makakatabi niya.

Ni hindi niya pinagdasal na makatabi niya si Cy, dahil ang totoo ginagamit lang niya si Cy para makapagmove on kay Chandria.

One Shots: KathNielTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon