One last call (part II)

695 9 0
                                    

DJO's Pov:

Alam kong si CJO yung tumawag sa akin kanina, oo nakita ko na si CJO sa picture.

Pinagmamasdan ko yung bigay niya sa akin, parang puro sulat yung envelope. Binuksan ko yung loob at may nakita akong maliit na papel.

Nakasulat dun yung buong pangalan niya at number niya. Gusto niya bang tawagan ko siya kahit nasa canada na ako? Nagulat ako nung agawin ni ate yung envelope at pinagmasdan.

"Luma naman ng style nito." sabi niya

di ko siya pinansin dahil nakatingin pa din ako dun sa number na nakasulat sa papel.

"Psh. Baby bro, basahin mo mukhang madrama yan eh." sabi niya at inabot sa akin yung papel

"Ano toh?" sabi ko

"Yan yung envelope kanina, tinupi yan para hindi halatang sulat." sabi niya

Pinagmasdan ko naman yun at binasa....

"Dear djo, alam ko aalis ka na. eh ano nga ba ang magagawa ko? alanganamang pigilan ko yung eroplano sa paglipad diba? siguro pag nabasa mo toh nasa canada ka na o baka patay na ako. hahahaha!!! ah eh masaya ako para sayo, mahal kita. natatakot akong umamin dahil natatakot ako na mainlove ka sa isang tulad ko. you don't deserve me. ah basta mahal kita, di ko alam bakit o pano naramdaman ko na lang eh. yun lang ano ba toh andrama ko. sige na bye! Love, CJO!"

Sobrang guilty pa din ako sa nangyari kanina, wala manlang akong nagawa para pigilan siya kung alam ko lang na mahal niya ako edi sana umamin na ako diba?! oo tama kayo ng hinala mahal ko si cjo. Mahal na mahal, ayaw ko siyang iwanan. Siguro pag naoperahan na si ate babalikan ko na siya agad. pero di ko magets yung part na 'o baka patay na ako.' di kaya pinagt-tripan lang ako ni CJO?! baka nga aish. pero nangingilid na yung luha ko ng biglang.......

"Daniel!" ASDFGHJKALAHAHQKAA!!!!! NAG EEMOTE PA YUNG TAO EH!

paglingon ko nakita kong tumatakbo si mich, "Mi-ch?!" sabi ko

hingal na hingal siya, "Daniel may kailangan kang malaman."

"Alam ko na mich, alam kong nagpunta si cjo dito." sabi ko

"Hindi yun! Si Cjo! S-si Chan-d-ria...." hingal na hingal pa din niyang sabi

"Ano meron kay CJO?" sabi ko

"M-mahal ka na n-i-ya!" sabi ni mich

oo alam ko wag mo nang ipaalala, baka di ako makaalis nito eh

"Wag mo nga akong lokohin, aalis na kami oh last 30 minutes na lang. Pinalagay ko na yung gamit ko sa erop-------" pagmamaang maangan ko

"To-too mahal ka niya!"

"Kung ganun bat hindi niya sinabi sa akin? Bat ayaw niyang ipaalam sa akin?!"

"Kasi akala niya di mo siya mahal at natatakot siya na baka masaktan ka."

"Ano? Dapat siya ang masaktan dahil ako ang mang iiwan diba?"

"Hindi, daniel alam kong mahal mo siya. Pero natatakot kasi talaga siya na masaktan ka."

"Masaktan?! Ako?! Ano bang sinasabi mo?!"

"Daniel, natatakot siyang mainlove ka sa kanya dahil m-may sakit siya. May brain cancer siya.... sabi ng doktor may 1 year na lang siya para mabuhay, kaya nga hindi siya tumutol sa pag-alis mo at nagpunta dito para makita ka. Dahil natatakot siya na baka mamatay siya ng hindi ka nakikita! May brain cancer siya!"

One Shots: KathNielTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon