"Pare pakopya please!"
i rolled my eyes at him, "Alam mo ikaw mag aral ka."
"Sus sige na."
"Tss. Oh eto na."
nung natapos yung quiz syempre parehas kami ng score, kumopya eh. pagkatapos nun bumalik siya sa upuan niya.
"Tignan mo pagkatapos kumopya babalik sa upuan. Si Dj talaga." sabi ni jane bestfriend ko
"Hayaan mo na. Last na yan." sabi ko
pagkatapos nun biglang bumalik siya tapos nakipagkwentuhan sa akin, aaminin ko i have this thing for daniel. Nothing serious pero pwede na, kaso mahirap mainlove sa mga taong touchy sa girls kasi di mo alam or mahihirapan kang ipredict yung actions nila kung isa ka lang ba sa 'friends' o 'dream girl' nila diba?
"Okay may quiz tayo ulit." sabi nung teacher namin
"Uy alam na chandria ha?" sabi niya
umirap ako, "malamang." sabi ko
"Hahaha naks talaga oh!"
laging ganito eksena namin sa classroom, kopyahan lagi. buti nga di kami nahahalata eh. pagkatapos nun nag lunch na kami, sumabay siya sa akin.
"Uy bernardo tara sama ka sa akin." sabi niya
"Saan?"
"Sa sunday. May bandang tutugtog eh. Ayos yun promise."
"Sigurado ka?"
"Oo promise. Ano sama ka?"
"Sige tara."
ngumiti siya tapos sabi niya una na daw siya, tumango ako tapos umalis na siya. i know, malay mo may gusto siya sa akin diba? kasi sa lahat ng babae sa classroom bat ako lang yung kokopyahan niya? bat ako lagi niyang kasama? bat ako yung lagi niyang kinukulit?
nag time na tapos tumabi siya sa akin, "uy pakopya." sabi niya
testingin ko nga toh, "ayoko nga, bakit ka ba laging nandito? bakit ba lagi mo kong kinukulit? wala ka bang ibang makopyahan? ako lagi ha? bat ba lagi kang tumatabi sa akin?!!!" sabi ko
sana isagot niya na mahal niya ako kaya gusto niya lagi niya akong kasama.
"k-kasi ano... di sige wag na. sa iba na lang sorry." sabi niya tapos umalis
i feel disappointed, nagkamali ba ako? pinagmasdan ko siya na kasama si liza, isa sa mga kaklase ko na maganda tapos matalino. napabuntong hininga ako, ganun din kaya siya kasaya sa tuwing kasama niya ako?
feeling ko maiiyak na ako eh, hindi naman kagwapuhan tong si daniel pero nainlove pa din ako. tapos lagi pa siyang nangongopya.
------
simula nung nangyari yun di ko na siya nakakasama, madalas kumakain kami ng streetfoods sa kanto pero ngayon di na. as in walang pansinan.
February 14 pa man din ngayon tapos ganun.
"Okay class let's start our quiz." sabi nung teacher namin
napalingon ako, "MAY QUIZ?!"
"Yes ms bernardo bakit di ka ba prepared?"
napalunok ako, "Ah kaya naman po sir." sabi ko
kakaisip ko kasi kay daniel nakalimutan ko na magreview tss ano ba yan.
nagulat ako paglingon ko sa tabi ko si daniel...
"Sasabihin ko yung mga famous quotes about love sabihin niyo kung sino nagsabi." sabi nung teacher namin
paksht naman oh! -,-
sinabi na yung una pero di ko alam, napalip bite na lang ako.
"Pst kopya na."
napalingon ako at nagulat sa sinabi niya, nakakahiya grabe.
"Kopya na kasi." sabi niya
napalunok ako tapos napatango, jusko nakakahiya palang mangopya feeling ko malulusaw ako. samantalang si daniel pag nangongopya tumatawatawa pa.
nakaabot ng 19 pinakopya pa din niya ako, hanggang sa 20 na.
"Number 20: Hi? Hello? First of all, I want you to know that you're so beautiful because i love you. Mahal na mahal na mahal kita, kulang pa ang salitang pinakamahal para idescribe yung nararamdaman ko para sayo. Sana maintindihan mo na, hindi ko yun ginawa para gamitin ka, nung panahong tinanong mo ko ng kung ano ano natakot ako na baka pag nalaman mo yung feelings ko eh layuan mo ko. Nung niyaya kita na sumama sa akin nung sunday yun na sana yung time na magtatapat ako sayo kaso hindi tayo nagpansinan kaya hindi natuloy. Yung totoo? Nung una i thought you were just another girl in the crowd, akala ko common ka lang but then i realized na ikaw pala yung reyna ko...."
napakunot yung ulo ko, yung mga classmates ko naman tumatango tapos humarap ako kay dj, "kilala mo?"
hindi siya sumagot pero nagsulat siya tapos di niya pinakita sa akin, ang daya naman.
"...Alam ko corny pero mahal na mahal kita. Sana bigyan mo pa ko ng isang chance, kasi ang totoo niyan I cant imagine my future without you. Kahit na bumagsak na ako sa lahat ng subjects, di maka graduate, mawalan ng pera, di magkaron ng trabaho, wag ka lang mawala sa buhay ko. I love you so much." sabi pa nung teacher
nagexchange na ng papers tapos nagcheck, iba yung nagcheck ng paper ni dj kaya di ko nakita sagot niya tapos wala ding sagot si jane.
nung number 20 na tinawag si daniel, "So what's the answer?" sabi nung teacher
"Daniel Padilla po."
bigla akong natawa, "Ang feeler mo po, ikaw nagsabi nun at saka para kanino mo naman sasabihin yun ha?" sabi ko
napansin kong napatingin silang lahat sa akin, "Okay class I think mali yung tanong sa 20, ibalik niyo papers sa may ari. And here's the question." sabi ni sir
sus nagkamali naman pala ng question eh, "Kathryn Chandria Bernardo, will you be my girlfriend?"
napalingon ako kay sir nakangiti siya, "Type ako nung prof?!"
"sira bhe tinatanong ka!" sabi ni jane
"Nino?!"
"Ni daniel!"
"NI DANIEL?!"
napalingon ako kay daniel, seryoso siya.
"Mr. Padilla mukhang shock si ms. bernardo, would you mind to repeat the question?"
"Ah--- Kathryn Chandria Bernardo, will you be my girlfriend, queen, wife, love, darling and princess?" sabi niya
napangiti ako, "seryoso?"
tumango siya, nagtilian naman yung mga kaklase ko, "So ms bernardo, papakopyahin kita. Yes yung tamang sagot at No yung hindi." sabi ni daniel
"Yes!" sabi ko tapos niyakap niya ako
"Grabe bernardo di ko inakala na kailangan ko pang gawing kasabwat yung prof natin pati classmates natin para lang mapasagot ka ng oo." biro niya
"Sira ka talaga."
"So ano? Wala nang iwanan ha?"
"Oo."
ngumiti siya ng nakakaloko, "Sir pwede ba? Perfect siya eh, prize lang niya." sabi ni daniel
ngumiti si sir at tumango, "Perfect saan-----"
bago ko pa matapos yung sasabihin ko hinalikan na niya ako, "Congrats perfect ka." sabi niya tapos namatay kakatawa
"Humanda ka sa akin!!!" sigaw ko tapos naghabulan kami
sino ba mag aakala na nakakainlove pala toh? hay juice colored salamat po! :)
BINABASA MO ANG
One Shots: KathNiel
Fiksi Penggemar-the way they look at eachother screams 'I love you'.