Nakita ko na siya, nasa mismong harap ko lang siya. Nakaramdam nanaman ako ng kaba at pangamba. Gusto ko siyang titigan, kausapin, at kamustahin. Kaso natatakot ako.
Natatakot ako na magkaroon nanaman ako ng pake at feelings para sa kanya. Pinagmasdan ko siya, I can already feel butterflies. Unti-unting bumabagal ang oras. Napahigpit ang hawak ko sa bag ko. Nakaluhod siya at Nagdadasal.
Tabihan mo na siya kathryn, sabi ko sa sarili ko.
Isa, dalawa, tatlo... Tumigil ako nung may babaeng lumapit sa kanya, pinagmasdan ko siya, di si daniel kundi yung babaeng nakatingin sa kay daniel.
We have something in common. Yung nararamdaman ko dati, nararamdaman niya ngayon.. Inlove siya kay daniel, umatras ako.. Naglakad ako palayo sa kanila pero bago pa ko tuluyang makalabas ng simbahan lumingon ulit ako.
Umasa ako. Umasa na baka makita niya ako o baka kausapin niya ulit ako. Pero nakita ko sila nung babaeng kasama niya na may kausap silang pari. Nakaakbay pa si daniel dun sa babae at sobrang saya pa nila.
Ganun din ba ako kasaya dati? Napayuko ako, ganun din ba kami dati? Muli ko silang tinignan tapos tuluyan na kong lumabas ng simbahan at umuwi sa bahay.
Pagkauwi ko sa bahay agad akong sinalubong ni papa, "Oh bat ang lungkot mo? Bagsak ka pa sa grades mo? Kamusta ojt?"
pang 10th year ko na kasi sa course ko, 27 na ako. pangarap ko kasi talagang magdoctor. naisip ko bigla si daniel, dati kasi sinabi ko na kaya ko gusto magdoctor para maalagaan ko siya.
"Hindi po pa, mataas po grades ko. Pagod lang po." sabi ko at umakyat sa kwarto
Humiga ako sa kama ko at pinagmasdan yung box na nasa gilid ng aparador ko na may nakasulat "Memories". Nilapitan ko yun tapos nilagay sa kama ko, binuksan ko tapos nakita ko na sobrang alikabok na pala.
Tama ba tong ginagawa ko? Tama bang balikan ko ang nakaraan? Tama ba na alalahanin ko ulit siya? Tama ba tong nararamdaman ko?
Pero wala na siyang pake sa akin diba? May iba na siya.
Kinuha ko yung bracelet na binigay niya sa akin dati, naalala ko sabi pa niya itabi ko daw yun kasi isusuot ko daw yun sa mismong araw ng kasal namin. Sobrang dami kong nakita na galing kay daniel, yung hoodie niya, cap, pictures namin, at iba pa. Lalo na yung mga letters.
Yung pinakapaborito ko? yung 5 years from now na letter niya.
*flashback*
"Kathryn!"
lumingon ako at nakita ko siyang tumatakbo habang may hawak hawak na roses, chocolates, teddy bear, balloons at kung ano ano pa.
Napangiti ako, grabe ang gwapo talaga niya. "Happy 8th year!" sigaw niya kaya pinagtinginan kami ng mga school mate ko, 5th year ko na sa college, nung 2nd year highschool ko siya sinagot
"Grabe ka nakakahiya daming tao." bulong ko, di kasi kami parehas ng school gusto niya kasi engineering. Bilis nga pumasa niyan eh, nakagraduate na last year tapos nagtatrabaho na siya ngayon.
"Aba bat naman kita ikakahiya, eh ikaw magiging asawa ko." sabi niya
"Grabe ka." sabi ko, "Happy 8th!" sigaw ko din, inabot niya sa akin yung mga dinala niya
"Oh nalunod ka nanaman sa pagmamahal ko!" sabi niya sabay tawa, kinuha niya yung balloons mula sa akin kaya hawak ko yung teddy bear, roses at chocolates tapos umakbay siya sa akin.
Naglakad kami papunta sa isang bakanteng lote malapit sa school namin nung highschool. Para nga siyang park eh, kasi nakakarelax parang open area lang. Umupo kami dun tapos sumandal ako sa kanya. Pinagmasdan namin yung mga batang naglalaro.