"i'm miguel, camille's BOYFRIEND."tinignan ko lang siya ng masama.
at syempre ganun din ang ginawa niya.
"I'm nate, engineer." sabi ko
Ngumiti naman si camille kay miguel at sa akin, "Babe i have a surprise for you." sabi ni miguel
"Awwww happy aniverssary nga pala babe! wala akong regalo." sabi ni camille
hinalikan naman siya ni miguel sa lips, "sapat na yung kiss." sabi niya
"ikaw talaga! patingin nga ng gift ko!" sabi ni camille at kinuha yung regalo ni miguel
"Babe ang mahal nito diba?" sabi ni camille nung nakita yung heels
"Just for you babe." sabi ni miguel
"Thanks babe!" sabi niya
Nagyakapan pa sila sa harap ko, like seriously?! Kung hindi sana kami naaksidente, kung hindi sana nagka-amnesia si camille edi sana kaming dalawa ngayon ang magkasama.
"Ah by the way babe, bukas pupuntahan natin yung site banda dun sa likod. Di pa nila nadedevelop pero sabi kailangan na nga kaya icheck natin." sabi ni camille habang inaayos yung iluluto niya
"ganun ba? naka-assign ako dun sa may harap eh kaya baka hindi kita masamahan." sabi ni miguel
"Ah okay lang si nate naman kasama ko, dun din naman siya ata naka-assign diba nate?" sabi ni camille at tumingin sa akin, sinamaan naman ako ng tingin ni miguel
"Ah oo." binigyan naman ako ni miguel ng tingin na parang papatay, "p-pero kung gusto mo, magpapalit na lang kami ni miguel." sabi ko, boyfriend na niya si miguel dapat hindi na ako manghimasok pa.
Napataas naman yung kilay ni camille, "Ayaw mo ba ako kasama?" sabi niya sa akin
"H-hindi naman sa ganun. Pero syempre para makapagbonding kayo lalo diba?" sabi ko
"babe, diba sabi nung boss natin na dun ka niya gusto i-assign sa harap? baka magalit yun." sabi niya kay miguel
"babe, okay lang." sabi ni miguel, aba tong mokong na toh ah. okay lang daw -.- para ano? maglandian sila -,-
"babe, may tiwala ako kay nate. Okay lang talaga kami bukas dun sa site sa likod. Besides kailangan mo na ayusin yung sa harap diba?" sabi ni camille
"Sige na nga babe, pero suotin mo yung regalo ko sayo ah? Yung heels dapat suot mo para lagi mo akong maisip. Okay?" sabi ni miguel
"Oo naman, sige aakyat muna ako. Papalit lang ako ng damit tapos mag aayos din ng mga plano sunod na lang kayo." sabi ni camille at umakyat
naiwan kaming dalawa ni miguel na nakaupo dun sa sofa,
"Anong ginagawa mo dito?" sabi niya
"trabaho." sabi ko
"nananadya ka ba?" sabi niya
sinamaan ko siya ng tingin, "ano?" sabi ko
"i mean, masaya na kami ni camille. bat kailangan mong magpunta dito? di ka ba nakuntento sa new york? madaming mas maganda dun kaysa kay camille! bat hindi sila yung guluhin mo." sabi niya
"hindi ko alam na nandito siya, nagulat na lang ako. camille na pala yung pinalit niyo sa pangalan niya. and besides alam naman nating dalawa diba na iba siya. at hindi naman kasi ganda ang habol ko sa isang babae."
BINABASA MO ANG
One Shots: KathNiel
Fiksi Penggemar-the way they look at eachother screams 'I love you'.