So before I start! Hi guys! Antagal na bago ako nakapagsulat dito, like so tagal hahahahaha! So anyway, ito na yung one shot. :)
Stacey Bernardo - KATHRYN
Tyler Buenaventura - DANIEL-Author's Note - 04/06/16
///////
Excited na tumakbo si Stacey papunta sa isang lugar malapit sa condo niya, 4 months ago nung huli silang nagkita at ang hirap ng communication. Pero tiniis niya kasi mahal niya. Mahal niya si Tyler Buenaventura. High school sila pareho nung magkakilala sila, nung mga panahong yun nag sisimula pa lang si Tyler sa pagsali sa mga auditions at commercials.
Bata pa lang siya pangarap na niya maging magaling na actor, pero si Stacey ang gusto lang niya simpleng buhay. Naging sila nung 3rd year highschool sila, pareho silang 16 nun at ngayon 24 na sila. Nakapagtapos sila pareho sa kursong engineering.
Nakita niya ang kotse ni Tyler at agad siyang lumapit doon. Pagkabukas ng pinto, sumakay agad siya.
Pero agad na nawala ang excitement niya ng mapansin niyang wala sa kotse ang binata.
"Si Tyler po?" Tanong niya sa manager ni Tyler.
"Nagkaproblema kasi sa shooting, nalate kasi yung ka-love team niya kaya pinasundo ka na lang niya sa akin." Mataray nitong sagot. "Eh baka mamaya pa yun matapos, kaya sabi niya pakainin na lang daw kita."
"Busog pa po ako. Punta na lang po tayo sa shoot."
"Alam mong di pwede. Kasi may mga fans na nanonood diba?"
Tumahimik si Stacey at napahinga ng malalim, "Edi sa van lang po ako, titignan ko lang po siya. Please po."
Tinignan siya ng masama nung manager at inutusan ang driver na pumunta sa shoot. "Dun ka sa pinakalikod ng van umupo para di ka makita."
Sumunod agad siya, 2:45 a.m. na at nakakaramdam na siya ng konting antok. Pero para kay Tyler, lahat titiisin niya. Naging sikat na kasi si Tyler, pero nangako ito sa dalaga na magbabakasyon sila.
Dumating sila sa venue ng shoot at agad niyang sinilip si Tyler. "Wag kang bababa." Mariin na sabi ng manager bago ito lumabas ng van at pumasok sa isa sa mga tent.
Umaarte si Tyler kasama yung Love team niyang si Irene. Sa scene na yun, nagd-date sila sa park. Alam ni Stacey na eksena lang yun pero hindi niya maiwasang masaktan.
Madalas siyang pinagbabawalan ni Tyler manood dahil alam niyang masasaktan lang siya pero madalas pa rin niya itong ginagawa. Natapos ang eksena at nagulat siya ng akbayan ni Tyler ang ka-love team niya at magkilitian sila.
"Fuck." Inis na sabi ni Stacey. Hindi niya napigilan ang sarili niya at bumaba ng van tapos dumaan siya sa likod. At pumunta sa area ng fans ni Tyler.
"Bagay talaga sila."
"Mas bagay kami ni fafa Tyler!"
"Nakakainis swerte ni Irene."
Nasaktan siya sa sinabi ng fans na nanonood rin, mas malapit kasi yung view kay Tyler.
"Hindi naman sila bagay. Ang panget kaya ni Irene."
Napalingon siya sa nagsabi nun at nagulat siya sa lalaking nakatayo sa tabi niya. Mukhang familiar pero di niya matandaan kung sino iyon.
"Hi Stacey." Bulong nito at napatingin ulit siya.
"Sino ka?"
"Ako si Matt. Yung sa Journalism nung college? Nagkasama tayo sa isang seminar."
BINABASA MO ANG
One Shots: KathNiel
Fiksi Penggemar-the way they look at eachother screams 'I love you'.