Heto nanaman ako (parekoy part 4)

251 3 1
                                    

Patrick's POV:

"Kuya cr lang ako." sabi ni margo

tumango ako, nasa park kasi kami ngayon kakagaling ko lang sa IC & pizza parlor. bumili kasi kami nila margo dun.

Kumakain ako ng ice cream nang may bumangga sa akin kaya nahulog, "Hey ms----"

"Sorry po. Sor---"

"Alia?"

hindi siya sumagot umiiyak lang siya, may kasama siyang lalaki.

"Sino ka?! Anong ginawa mo sa kanya?!" sigaw ko

"Kuya wala siyang ginawa." sabi ni alia, "Sige na renz mauna ka na."

"Pero alia..."

"Sige na please." tumango yung lalaki tapos umalis na

"Alia anong nangyari sayo? Bat ka umiiyak?" sabi ko

"Si parekoy... Si hans..." sabi niya habang nauutal

"Anong ginawa niya sayo?!" sabi ko

grabe kasi talaga pag iyak niya, "Kuya kasi nasasaktan na ako. Lagi na lang si loureen yung inuuna niya kahit na ako yung bestfriend niya." sabi niya

nagulat si margo nung nakita niya kami, pero sumenyas siya na okay lang daw at mauuna na siya.

"Panong inuna?" sabi ko

"Kuya, may girlfriend na siya si loureen. I mean ginagamit lang siya ni loureen para pagselosin yung bf niya si renz, yung lalaking kasama ko kanina." sabi niya

Kwinento ni alia sa akin lahat, sobrang pag iyak niya basang basa na ko dahil yakap yakap ko siya habang umiiyak siya.

"Alia." sabi ko

Pero tuloy pa din siya sa pag iyak, "Alia please tahan na, i'll call sandra na sunduin ka at samahan ka pauwi wait for her."

"Kuya okay na ko."

"No. Wait for her, i need to talk to someone."

"Kanino?"

"Sa isang lalaki na hindi marunong tumupad sa pangako, teka bakla ata yun eh. Duwag kasi."

mukhang naguluhan siya, "Sige alia una na ako." sabi ko at naglakad palayo

Parekoy Hans' POV:

"Sige loureen ingat." sabi ko

hinalikan naman niya ako sa cheeks tapos pumasok na siya sa bahay nila, bigla kong naalala si alia. di kasi nagrereply eh, baka nagtatampo o galit na yun. dun na lang ako sa treehouse namin tutuloy.

naglalakad ako papunta sa bilihan ng streetfoods malapit sa subdivision namin dahil bibilhan ko si alia paborito niya kasi yung isaw.

nagulat ako nung may humablot sa akin at sinuntok ako, "Gago ka!" sigaw niya

napansin kong nagdugo yung lips ko, "Kuya Patrick?!" sabi ko, "Anong problema mo? Bat mo ko sinuntok?!" sigaw ko

"Ikaw ang problema ko! Nangako ka pero di mo tinupad! Siraulo ka!" sigaw niya

"Nangako?" sabi ko at tumayo, sht.

*flashback*

"Layuan mo na si alia." sabi ko

"Ano?!" sabi ni kuya patrick

"Layuan mo na siya."

"Bat ko naman siya lalayuan?!"

"Dahil nagugustuhan ko na siya."

"Gusto mo siya?" sabi niya at nagsmirk, "Di ko pwedeng gawin ang sinasabi mo dahil mahal ko si alia." sabi niya

gusto ko na siyang sapakin nung mga oras na yun, "ako ang bestfriend niya kaya mas map-protektahan ko siya kaysa sayo. MAS MAGIGING MASAYA SIYA SA AKIN." sabi ko

napatigil siya, "sige, sa isang kondisyon." sabi niya

"Ano?"

"Ingatan mo siya, sa oras na saktan mo siya humanda ka sa akin. Dahil hinding hindi ko na siya bibitawan." sabi niya at iniwan ako dun

*end of flashback*

"Kung alam ko lang talaga na gagaguhin mo lang si alia, hindi ko na siya nilayuan." sigaw niya sa akin

"Ano bang sinasabi mo?!" sigaw ko

"Ano ba talagang gusto mo?! Ginagamit mo lang naman si alia para makuha mo si loureen diba? Ginagawa mo siyang tulay para sa inyo ni loureen. Hans naman di siya tulay, tao siya. Nasasaktan siya hans." sabi niya

"Nasasaktan? Bakit? Dahil ba mas inuuna ko yung gf ko kaysa sa kanya? Eh mas importante naman talaga ang love----"

"Hindi yun gago!" sigaw niya at sinuntok ako ulit, "Ang ibig kong sabihin nasasaktan siya dahil sa kagaguhan mo."

this time napikon na ako at sinuntok din siya pero tinulak niya ako kaya napaupo ako, "Babawi naman ako sa kanya eh, bibilhan ko siya ng isaw."

"Sa tingin mo makukuha mong tanggalin lahat ng sakit na nararamdaman niya gamit ang isaw?! Bobo ka ba ha?!" galit na sabi niya

"Ano ka ba niya?! Bakit ka ba nangengealam sa amin?!"

"Ako? Isa ako sa mga nagmamahal sa kanya ng totoo. Isa ako sa mga lalaking nagpapakabaliw para sa kanya. Isa ako sa mga lalaking handang makipagpatayan para sa kanya. Mahal ka niya hans. Akalain mo yun? Ikaw na walang pake sa kanya yung minahal niya. Samantalang kami hirap na hirap na makuha siya. Eh ikaw? Sino ka ba? Ano ka ba sa buhay niya?" sabi niya tapos ngumisi siya, "Ay oo nga pala, ikaw nga pala yung walang kwentang PAREKOY niya. Yung laging nagpapaiyak sa kanya." sabi niya at umalis

Gusto ko siyang sapakin, Gusto ko siyang saktan. Pero wala akong magawa kasi lahat ng sinabi niya sa akin totoo. Lahat ng yon.

Dahil ako si Hans na parekoy ni alia na laging nagpapaiyak sa kanya, Ako na nga ata yung pinakaswerte sa mundo dahil mayroon akong alia. Kaso ngayon mukhang malabo nang swertihin pa ko dahil  sa tingin ko, iiwan niya na ako.

One Shots: KathNielTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon