Goodbye (Dorm 143 part 4)

534 6 4
                                    

Nate's POV:

"Pero bat ka aalis? Di pa tapos yung project?" sabi ni camille habang nag aayos ako ng gamit

"I need to do it." Sabi ko

"But why? May sinabi ba sayo si dad?" Sabi niya

"This is for you, okay? Just leave this room. Wala kang alam." Sabi ko

"Eh bakit nga?" Sabi niya

"Eh bat ba curious ka?" Sabi ko

Napatigil siya, "because, i dont know. Pero feeling ko matagal na kitang kilala, parang importante ka. And the fact na parang kilala ka ng papa ko eh parang........... Ugh i cant explain it! Nakilala na ba kita dati? May pinagsamahan ba tayo? Sino ka ba talaga? Bat parang lahat sila ilang pagnakikita ka?" Sabi niya

Litong lito siya at umiiling, i need to stay away from her. "WHY ARE YOU LEAVING?!" sigaw niya

"Kasi ayoko nang bumalik sa nakaraan, ayoko nang masaktan, ayoko nang mawalan, pagod na pagod na ako okay?! Pagod na pagod na akong abutin ang mga pangarap ko na hindi naman magiging akin. Puro na lang failure! Wala na akong nagawang tama."

"May kinalaman ba to dun sa babae sa legend?" Sabi niya

Hindi ko namalayan na umiiyak na ako sa harap niya, umiiyak na din siya. "Yes." Sabi ko

"Kung igigive up mo yung mga pangarap mo nang para lang sa kanya, i'm telling you-----------"

"Hindi mo kasi naiintindihan, hindi mo kasi naiintindihan." Sabi ko

"Eh bat kasi ayaw mong ipaalam?! Ano ba talagang nangyayari?! Sinaktan ka ba ni dad kagabi?!" Sigaw niya

"Gusto mong malaman lahat?" Sabi ko, "IKAW YUNG BABAE SA LEGEND. IKAW YUN, IKAW YUNG NAWALA SA AKIN. YUNG AKSIDENTE SA NEW YORK? NAAKSIDENTE TAYO NUN. YUNG LALAKI SA PICTURE, AKO YUN HINDI SI MIGUEL! KAYA PINAG IINITAN NILA AKO DAHIL SINISISI NILA AKO SA NANGYARI SAYO. PERO DIBA DAPAT GALIT DIN AKO SA KANILA? KASI YUNG KAISA-ISANG BAGAY NA MERON AKO NAWALA SA AKIN NG ISANG IGLAP. ALAM MO BA KUNG GAANO KAHIRAP GUMISING NG WALA KA? PAGGISING KO NA LANG SINABI NILA NA WALA KA NA, HINDI MO ALAM KUNG ANONG DINANAS KO. AT NUNG NAKITA KITA, PINALAGPAS KO LAHAT NG SINABI NILA DAHIL MAHAL KITA. PERO ANG MASAKIT DUN HINDI MO NA PALA AKO NAAALALA, NI PUSO MO HINDI MAALALA ANG NARARAMDAMAN MO PARA SA AKIN. PAGKATAPOS KONG MAGHIRAP AT UMIYAK NG DAHIL SAYO, MALALAMAN KO NA MAY BOYFRIEND KA NA PALA?! OO, MATAGAL KO NANG KILALA SI MIGUEL, GALIT AKO SA KANYA DAHIL NOON PA LANG INAAGAW KA NA NIYA SA AKIN. GINAWA MO PA NGA SIYANG REBOUND DAHIL GUSTO MO AKONG KALIMUTAN. ANO MASAYA KA NA?" sigaw ko at lumabas ng kwarto

i left her, at alam kong gulong gulo siya. Sumakay agad ako sa kotse ko at nagdrive ng mabilis, buti na lang at wala dun si miguel kanina.

I was driving so fast, galit na galit ako sa mundo. Galit na galit ako sa lahat, galit na galit ako kay tadhana kung bat nagkita pa kaming dalawa. Ano bang gustong patunayan ni tadhana?! Na kahit anong gawin ko, hindi ko maaabot ang babaeng mahal ko?

Napansin ko na may kotse sa likod ko, at hindi ako pwedeng magkamali si camille yun. Napansin ko naman na may truck na papunta sa direction namin, kaya kong iwasan yung truck pero alam kong hindi kaya ni camille na iwasan yng truck. Anong gagawin ko?...
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
Before I knew it, basag na ang salamin ng kotse ko, umuusok na yung makina, nagkagulo ang mga tao sa paligid ko, nakasandal ang ulo ko sa manubela, sobrang labo ng paningin ko, naaamoy ko yung sarili kong dugo.

And she was screaming, "NATE! NAAALALA NA KITA! NATE IM SORRY, I'M REALLY SORRY!"

Buti na lang at naaalala niya ako, i looked at her and smiled. Buti na lang naligtas ko siya...

One Shots: KathNielTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon