"Si stacey lim oh." sabi nila sa akin
"Wait mga pare popormahan ko lang." sabi ko at lumapit kasama si kaizer
"Hi stacey." sabi ko, "Pogi ba?"
inirapan niya ako, at naglakad palayo. "Teka lang ha? Bat ba inis na inis ka sa akin?" sabi ko habang sumasabay sa kanya ng lakad
"Just stay away from me." sabi niya
"Bat di mo na lang kasi aminin na patay na patay ka pa din sa akin, na hindi ka pa makaget over sa naging relasyon natin."
"ang kapal talaga ng mukha mo."
"why? hindi ba totoo ang sinabi ko?" sabi ko at ngumiti ng mapang asar, for sure hahampasin nanaman niya ako hahahaha ganun yan pag naaasar eh. sobrang cute din niya tignan pag naasar.
yumuko siya, "totoo." sabi niya ng mahina, "totoong gusto pa kita, totoong di pa ko nakakaget over." sabi niya
See? Ang pogi ko talaga. "So are you confessing your feelings to me right now?" ngumiti ako ng mapang asar, "I didnt know na umeepekto pa pala charms ko sayo." sabi ko
"Pano ko makakagetover? You just shut me out." sabi niya pero nakayuko pa din siya
"Elsa at Anna lang?!" sabi ko na natatawa
tumingin siya sa akin, akala ko hahampasin niya ako pero hindi. umiiyak siya tapos sobrang diin niyang pinupunasan ang bawat luha na nanggagaling sa mata niya.
"Nung tinanong mo kung may tiwala pa ko sayo sobrang nasaktan ako kasi hindi mo manlang inintindi kung ano ba talagang nangyari." sabi niya
"Pero nawalan ka naman talaga ng tiwala sa akin!"
"Dahil lagi mo kong pinagseselos, bigla kang nagbago. Dati sweet tapos bigla kang naging cold. Nagpanggap ka pa na may gf ka tapos sinabi mo na nagagandahan ka sa ex mo." sabi niya
pinagkakaguluhan na kami ng mga tao, "Well tinetest ko lang naman yung pagmamahal mo sa akin---"
"Ikaw yung nawalan ng trust! Kasi mahal naman kita eh, kung naniniwala ka talaga hindi mo na ko kailangan itest!" sigaw niya
That's it, ako nanaman may kasalanan!
"Edi ako! Ako na may kasalanan! This is bullshit! Why cant you just move on?!" sigaw ko
napatigil ako nung nagbulungan na yung mga tao, oh shoot. sumobra ata ako.
"Stace----"
"No bryan. Okay na." sabi niya tapos tumalikod at naglakad palayo
"ANONG TINITINGIN-TINGIN NIYO?!" sigaw ko at umiwas sila
"Jerk ka pare." sabi ni kaizer
"Oh come on." sabi ko
"Seryoso, jerk ka." sabi niya
"What?!" sabi ko
sumeryoso yung mukha niya, "Hindi na tayo gradeschool o kinder bryan. 4th year highschool na tayo, you promised her na sabay kayong pupunta sa college. And bryan, nagpromise ka din na kayo magkasama." sabi niya
"And she just cant let go of that promise!" sigaw ko
"Bakit nakalet go ka na ba?"
napatigil ako, "O-oo naman." sabi ko
"Pare, inaasahan ka pa din niya hanggang ngayon."
"Well wala na siyang aasahan kasi pare hindi ako marunong maghabol. And besides di siya kagandahan!"
"Pare she's pretty. Di ka ba nagtataka kung bakit sobrang ganda niya kahit naka-glasses siya, wala sa uso kung magdamit, laging nakapony, and walang make up?"