"Pwede ba wag niyo nga akong lokohin." inis kong sabi kay jed
"Hindi ka namin niloloko, totoo yun promise." sabi ni jasper
"tss, alis na nga."
"Ryn, may feelings pa nga para sayo si niel."
sumimangot ako, "Oh tapos?! Ano gagawin ko?!" inis kong sabi
"Tss ayaw kasi maniwala eh."
"Pano ko maniniwala eh pag sinabi kong 'talaga?' sasabihin niyo 'oo' tapos magpapakita ng mixed signals sa akin si niel tapos wala pala talaga siyang feelings. Paasa."
"Grabe toh, ikaw kaya paasa diyan."
umirap ako, "Wow naman ha nahiya naman ako sa inyo, ako pa yung naging paasa? Ako pa na totoo sa nararamdaman ko?!" sigaw ko
pinagtinginan kami, "totoo saan?"
halos di ako makagalaw nung narinig ko yung boses niya, "totoong gusto mo siya diba?" sabi ni jasper
umiling si niel, "ha?! sabi mo sa----"
"Sabi na eh, trip niyo nanaman ako. Mga paasa, walang kwenta! Bahala kayo sa buhay niyo!"
"So bahala na ko sayo?" sabi ni niel habang nakangisi
napalingon ako, "ANO?! what the fvck are you saying?!"
"Sabi ko ako na bahala sayo."
"and why?" sabi ko at tinaasan siya ng kilay
"Kasi ikaw ang buhay ko."
nagtilian sila tapos nagtawanan sila niel, okay aaminin ko kinilig ako pero as usual pinagt-tripan nanaman nila ako. umirap na lang ako tapos nagpatuloy sa paglalakad.
trip nanaman nila ako, nakita ko si janella tapos nagsmile siya sa akin.
"girl, omg nakita ko yung pick up sayo ni niel." sabi niya habang kinikilig
"naku trip lang ako nun wag ka maniwala dun."
"ano ka ba girl, malay mo dinedeny lang feelings niya. eh diba ganun din siya dati? tapos inamin niya bigla."
"tss, dati pa yun at saka ano ka ba diba gusto niya na yung si ate nadine."
"jusko teh, eh ex na nga niya yun diba? so bat pa niya magugustuhan ulit?"
"exactly! ex na niya ako so bat pa niya ako magugustuhan ulit?"
"tss, posible kaya!"
"edi posibleng gusto niya si ate nadine."
"edi posibleng gusto ka niya, eh teka gusto mo pa ba siya?"
napatigil ako, "ewan ko."
"kunwari ka pa! edi type mo pa nga!"
"shhh wag ka maingay baka marinig ka." sabi ko at umupo na kami sa isang table sa cafeteria
nilabas niya yung pagkain na binili niya, dalawang burger tig isa kami.
"what if-----"
"Hi Ryn!"
napalingon ako, "Oh ano nanaman?" sabi ko
"May sasabihin kami sayo." sabi ni jasper at umupo sa tabi ko
"What?!"
"May gusto pa nga sayo si niel, seryoso walang halong biro. Dinedeny niya lang feelings niya kaya ganun. Torpe kasi eh." sabi ni jasper
"Tama at saka alam mo ba na nagagandahan pa din sayo si niel! Ay grabe kiligin yun. Lakas manuntok." sabi ni jed
totoo kaya? Siguro nga. Malay mo diba?
BINABASA MO ANG
One Shots: KathNiel
Fanfiction-the way they look at eachother screams 'I love you'.