"Dj...." sabi niya, sana hindi matapos tong usapan namin
"Bakit?" sabi ko
"Bye....."
"Bye." binabaan niya na ako ng phone pagkatapos
I miss her so much, sana hindi ko na lang siya pinakawalan. Sana hindi ganito yung sitwasyon namin ngayon. Kung hindi ko lang hinayaan na manguna ang galit di sana mangyayari toh.
Napatingin ako sa orasan, 12:51. Napabuntong hininga na lang ako. Baka malate ako bukas neto.
Pero hindi ako makatulog, nakakamiss lang siya ng sobra.
Pano kaya kung balikan ko na siya? Kaso di ganun kadali yun, lalo na ngayon at may gusto sa kanya yung bestfriend ko.
"Kath ano bang nangyare sa atin?"
bumaba ako daladala yung susi ng kotse ko, nilock ko yung bahay at dinala yung extra key ko. Binuksan ko yung gate namin ng dahan dahan baka magising sila. Pinaandar ko yung kotse tapos nilabas, nilock ko yung gate tapos sumakay ulit sa kotse.
Araw Araw ko tong ginagawa, nagsimula akong magdrive papunta sa kanila. Hanggang sa makadating ako sa tapat ng bahay niya.
Bumaba ako ng kotse tapos tinignan ko yung kwarto niya, alam ko kase kung saan. Heto nanaman ako. Umaasa na lumabas siya ng bahay o sumilip manlang.
Kath's POV:
hinawakan ko yung phone ko, tawagan ko ba ulit?
wag na baka isipin niya na patay na patay pa din ako sa kanya.
itext ko kaya ng goodnight?
wag na din baka isipin niya na pinagtutulakan ko sarili ko sa kanya. diba? baka di rin siya magreply.
nakarinig ako ng tunog ng kotse, nandiyan nanaman siya.
oo tama kayo alam kong nagpupunta siya lagi sa amin tuwing madaling araw. pero di ako lumalabas.
nung sumilip ako nakita kong nakayuko siya, namimiss ko na siya. sana di ko na lang ginawa yun, sana nagtiwala na lang ako sa kanya. sana di ako nagpadala sa selos.
nung napansin kong titingin ulit siya sa kwarto ko umatras ako.
kung lalabas ako may mangyayari ba? kung lalabas ako babalikan ba niya ako? nagpupunta ba siya dito lagi dahil gusto niya kong balikan? gusto niyang magkaayos kami? namimiss din ba niya ako?
napatingin ulit ako sa cellphone ko, nagtext siya. agad kong binuksan.
From: My Happiness
Gising ka pa? :)
magrereply ba ako? wag na lang kaya?
Dj's POV:
tinext ko siya pero di pa siya nagrereply, tulog na kaya siya?
aalis na lang ako. nung bubuksan ko na sana yung kotse biglang bumukas yung pintuan nila kath.
ngumiti siya, naka hoodie siya tapos pajama.
lumabas siya ng gate, "gising pa ko." sabi niya tapos ngumiti
di ako makapagsalita dahil sa gulat ko, "bat ka nandito?" tanong niya
kasi namimiss na kita, gusto kong magkaayos ulit tayo. mahal na mahal kita kath.
"ah eh di ako makatulog eh, tara pasyal tayo?" sabi ko
tumango siya tapos sumakay kami sa kotse, "san tayo?" sabi niya
"tara overlooking?"
tumango siya, nagsimula akong magdrive. awkward silence.
i want to hold her hand kaso di ko magawa.
nung makadating kami bumaba kami agad ng kotse tapos umupo dun sa bench. kami lang yung tao dito.
Kath's POV:
umupo kami, ang lakas ng hangin.
"Ganda noh?" sabi ko
tumango siya, "Kasing ganda nino?"
"Ha?"
"Sabi ko kasing ganda nino?"
"Ewan ko."
"Nino nga?"
"Di ko nga alam." sabi ko at tinignan siya, tumingin naman siya dun sa view
"Kasing ganda mo." bulong niya pero rinig ko
umiwas ako ng tingin sa kanya at inenjoy yung view.
"musta?" sabi niya
eto yung matagal ko nang inaasahang itanong niya, eto yung tanong na nakakainis din minsan.
"okay lang, ikaw?"
"okay lang din."
"baka malaman ni mama na tumakas ako."
"edi iuuwi na kita."
natahimik ako, di naman yun yung ibig kong sabihin.
"sige ikaw bahala."
tumayo siya tapos biglang umupo
"wag na pala, mamaya na."
"ha?"
"wag na, hayaan mo na. gusto pa kitang makasama."
gusto pa kitang makasama
gusto pa kitang makasama
gusto pa kitang makasama
gusto pa kitang makasama
gusto pa kitang makasama
"Dj...."
"oh?"
"Ano bang nangyare?"
di siya sumagot pero ang alam kong sumunod na nangyare umiyak na siya.
DJ's POV:
"Ano bang nangyare?" pagkasabi niya nun tumulo na lang bigla yung luha ko
"Dj pwede bang sabihin mo na lang sa akin yung totoo? Nang hindi ako nalilito sayo. Kasi para na kong tanga. Di ko alam kung gusto mo pa ba ako o hindi na. Di ko alam kung magmomove on na ba ko o hindi pa. The way you act is confusing me."
Hindi pa din ako makatingin sa kanya, "Kasi sabi mo sa akin di mo na ako gusto, sinabi mo na wag na kong umasa. Tapos bigla ka na lang magpaparamdam. Tatawag ka lagi, magt-text ka. Pumupunta ka sa bahay namin lagi. Tapos ngayon umiiyak ka. Kung sayo okay lang lahat toh sa akin hindi na. Ni hindi ko alam kung saan ako lulugar eh."
Nung tumingin ako sa kanya napansin kong umiiyak na din siya, "Mabuti pa layuan mo na ako." sabi niya at tumayo tapos tumalikod
pero hinawakan ko yung kamay niya, "Kath. Wag."
tumayo ako tapos niyakap ko siya, "Di ko kayang mawala ka. Di ko kaya kath. Sorry sa lahat."
"Mahal kita kath, gusto kong magkaayos tayo. Promise di na kita pagseselosin, Di na kita sasaktan. Bumalik ka lang sa akin. Kath sorry."
akala ko magkakaayos na kami, akala ko dahil sa pag amin ko na mahal ko pa siya aamin na din siya. pero nagkamali ako. lalo lang lumala.
"inlove sa akin yung bestfriend mo." sabi niya
"wala kong pake kath, mahal kita. mas nauna ako sayo."
"pero iniwan mo ko."
"pero mahal pa din kita."
"pero siya yung nandiyan nung mga panahong sobrang lungkot ko dahil sayo, siya yung nandiyan nung mga panahong iniwan mo ko. ayoko siyang saktan DJ."
"Kath please...."
Di siya sumagot at naglakad siya palayo, ako na ata yung pinakatangang lalaki sa buong mundo. Pinakawalan ko nanaman siya.
---------------
hahahaha di pa tapos yan mga gerls and beys lels XD may part 2 yan lol feel ko magsenti eh bakit ba? XD
BINABASA MO ANG
One Shots: KathNiel
Fanfiction-the way they look at eachother screams 'I love you'.