Meant to be

368 3 0
                                    

Mahal ko pa siya. Mahal na mahal.

Sana nandun ako nung mga panahong yun, sana naipagtanggol ko siya.

Para kong pinapatay sa sobrang sakit ng nararamdaman ko, sana inamin ko na lang agad sa kanya nung gabing yun.

Sana sinabi ko na lang sa kanya na mahal na mahal ko pa siya.

"Raven, si Kathy. Napahamak kagabi. Nabangga siya raven."

Di ko mapigilang umiyak sa tuwing naaalala ko yung mga salitang yun, "....raven, wala na siya... patay na si kathy."

napakagat ako sa labi ko, sana pala nung araw na yun ako na lang yung napahamak at hindi siya.

Sa tuwing naaalala ko kasi yung nangyari, feeling ko mamamatay na ko. Feeling ko ako yung may kasalanan.

-flashback-

"Raven, aminin mo nga sa amin. May feelings ka pa para kay kathy eh." sabi ni jun

"Wala noh, diba nga pare tapos na kami niyan. Wala na nga tiwala sa akin yan eh." sabi ko

"Ikaw kasi pare, ginago mo. Alam mo pre, ang mga babae gusto nila sila lang ang maganda para sayo. Sinabi mo kasi na nagagandahan ka pa sa ex mo yan tuloy napala mo." sabi ni Van

"Tumahimik nga kayo, maganda naman talaga yung ex ko eh." sabi ko

"Pero mas maganda yang si kathy, tignan mo." sabi ni andrew

tinignan ko si kathy, napahinga ako ng malalim. oo nga, mas maganda si kathy. kaso pano ko siya maibabalik? kaya pa ba? eh may iba na yang gusto sabi nila.

"Kaso pre may bago na atang crush yan eh, yung kaklase niya? Si John?" sabi ni van

"Sus mas pogi pa ko dun." sabi ko

"Mas pogi nga eh gusto ka ba ng babaeng mahal mo?" sabi ni Jun

sinamaan ko siya ng tingin, "Hi raven, namiss kita." Biglang sabi ni kylie

"Ayan na ang patay na patay sayo." bulong ni andrew

napansin kong tumingin si kathy sa amin, kaso agad ding nawala yung tingin niya dahil hinila na siya ni john palayo.

umalis na din si kylie kasi may pupuntahan pa daw siya, "Pare alam mo, tawagan mo yang si kathy." sabi ni andrew

"Eh ayoko." sabi ko

"Dali na. Arte mo!" sabi niya

napatingin ako dun sa phone, "Baka di sagutin. Busy kay john."

"Uyyyy selos." sabi nilang tatlo

"Gago." sabi ko

"Sige nga kung di ka selos, tawagan mo." sabi ni andrew

syempre dahil mapride akong tao, tatawagan ko talaga.

"Hello." -kathy

halos di ako makapagsalita sa narinig ko, kinikilig ako. May epekto pa rin talaga siya sa akin.

"Hi---kathy." sabi ko

"Sino toh? Andrew? Bat iba boses mo?"

"Si--raven toh."

"Ah, bat ka tumawag?"

"Wala wrong number lang. sorry."

"Ah ganun ba, sige tawagan mo na yung tatawagan mo."

One Shots: KathNielTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon