Dorm 143

716 8 1
                                    

Nasan na ba yun?

12:30 na pano toh?

*knock knock*

Agad akong pumunta sa may pintuan at binuksan, naku lagot toh sa akin.

Pagbukas ko, "HOY LALAKE-------ayyyyyyy!!!!" tili ko pano biglang bumagsak sa balikat ko

"Ano ba, uy tumayo ka! Aray ko!" sigaw ko

Napansin ko naman na dumaan sila gail at anne, "oh ano yan?" sabi nila

"As usual, teka bat nasa labas kayo?" sabi ko

"Narinig ka naming tumili eh." sabi nila

"ah sige na ipapasok ko na toh, lasing na lasing eh." sabi ko at sinara yung pinto

Dinala ko siya sa kwarto namin, at pinahiga sa kama.

Dahan-dahan ko namang hinubad yung...

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

Sapatos niya, kasi mahal yun eh kaya natatakot ako na masira ko XD

"Hay naku, ikaw talaga pag nalaman ng mommy mo na ngayon ka lang dumating naku!" sabi ko habang kumukuha ng batsa at towel kasi pupunasan ko siya

"Ambaho mo!" Sabi ko at tinanggal yung polo niya, sht abs

Kahit 5 years ko na tong ginagawa dahil kadorm ko siya, ewan ko ba lagi akong pinapahirapan nitong lalaking toh eh.

"Pano ka na niyan bukas? May reporting tayo." sabi ko

"Edi absent!" sabi niya

"Tss, absent eh lagi ka namang absent."

"Tss, alam ko!"

"Alam mo dapat ikaw di ka pinag aaral ng magulang mo eh, lagi ka namang absent."

Napatingin siya sa akin tapos pinikit niya ulit mata niya, "sino ba kainuman mo kanina? Lasing na lasing ka ah."

"Importanteng kliyente! Basta, hindi ka ba tinuruan ng magulang mo na wag mangealam sa mga bagay bagay? Ah sht headache."

"grabe naman toh!" sabi ko, "ang bait nga ni tatay eh, at saka si nanay din! Naku pag nakilala mo sila sobrang matutuwa ka, kaya lang medyo strict sila."

"So kanino ka nagmana?" sabi niya at nag chuckle

"ano?"

"Ang sama kaya ng ugali mo! HAHAHAHAHAHA!!!"

"Alam mo ikaw, simula bukas ikaw na maglaba, maghugas, maglinis-------"

"Nyenyenye!" sabi niya at tumayo

"Uy san ka pupunta?" Bigla siyang pumunta sa may kama ko at kinuha yung KAISA-ISANG KUMOT KO

Tapos humiga ulit, "akin na yang kumot ko!" sabi ko

"Shhhhhhh!" sabi niya

Magsasalita sana ulit ako kaso biglang nag ring yung phone ko, "Sino yan?" sabi niya

Tinignan ko yung tumatawag, "ah wala tulog ka na." sabi ko at lumabas ng kwarto at umupo sa may sala

Si miguel, matagal ng nanliligaw sa akin. Sinagot ko yung tawag niya, "Hello?" sabi ko

One Shots: KathNielTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon