Yumi's POV:
2:30 p.m
tumuloy pa ba ako? wag na lang kaya? tumayo ako tapos lumabas ng kfc. pero teka sayang naman pag absent ko ngayong araw.
kaya bumalik ako at umupo dun, tinitigan ko yung iphone ni jyrus. ang tagal naman niya. mayamaya pa biglang bumukas ang pintuan at may nakita akong grupo ng mga babae galing sa ibang school. nagulat ako nung lumapit sila sa akin,
"Hey bitch layuan mo si jyrus."
"Yeah ang landi mo sobra."
"Di kayo bagay!"
napanganga lang ako sa sinabi nila sa akin, "What?" sabi ko
"Kunwari ka pa eh inaagaw mo naman talaga si jyrus mula sa amin." sabi nila
"Sa inyo ba siya? I didnt know na may owner pala siya." sabi ko at umirap
"Teka nga iphone yan ni jyrus ah!" sabi nung isa
Magsasalita na sana ako, "Leave her alone, It's her phone. Eto yung akin." pagsisinungaling ni jyrus
nagulat yung tatlong babae at agad silang umalis, "Buti naman dumating ka na." i said pero syempre with sarcasm plus fake smile
"Miss me?" sabi niya at nagsmirk
"Miss your face!" sabi ko at nilapag yung iphone niya sa mesa, "Nasan na yung akin?!"
"Chillax." sabi niya at nagsmirk, nakadekwatro pa ang loko. "Ano gusto mong order?"
"Change topic dude. Nasan na kasi?" sabi ko
"How about krushers?" sabi niya
"What the--- Hindi mo ba talaga ibibigay?! Ano ba!" sabi ko
tumawa siya saglit tapos tumingin sa akin at ngumiti, "Read this." sabi niya tapos inabot yung iphone ko sa akin
Fake Relationship
Rule 1: No strings attached
Rule 2: Bawal magkaron ng ibang relasyon sa ibang tao.
Rule 3: Make every date MEMORABLE.
Rule 4: wag lagyan ng password ang phone.
Rule 5: Pag nag away dapat intindihin ang isa't isa.
Rule 6: Pag may nabreak na rule, tatapusin na tong deal na toh.Benefits of Yumi Bernardo from this fake relationship:
- gwapong boyfriend at macho pa
- ipagtatanggol kita mula sa fangirls ko
- ako gagastos sa lahat ng mga fake na date natin.Tinignan ko siya na natatawa, "Seryoso?" sabi ko
"Ayaw mo? Edi wag." sabi niya sabay hablot sa iphone ko at lumabas
"H-hoy akin yan! Eto yung sayo!" sigaw ko habang tumatakbo palabas
Pero nasa may kanto na siya hala anong gagawin ko?! Ah alam ko na!
"Hala jyrus yung iphone mo nanakaw!!!! Tulong!!!!" tili ko
Agad siyang napalingon sa akin at tumakbo papalapit, "Okay ka lang?! Nasan iphone ko?! May magnanakaw ba----"
"Joke Lang! Ikaw kasi, nagkapalit nanaman tayo ng iphone. Oh eto----" pero iniwas niya yung iphone ko mula sa akin
"Seryoso ako sa fake relationship." sabi niya
"Sineseryoso mo yung fake?" sabi ko pero mukhang di siya tumawa kaya tumahimik ako
"Ikaw din, kung ayaw mo edi goodluck basta ako di ko itatanggi na gf kita. Kasi atleast lulubayan ako ng ibang chix ko at medyo matatahimik buhay ko." sabi niya at ngumisi sa akin, "Pano kaya buhay mo? For sure ikaw guguluhin ng mga yun."
BINABASA MO ANG
One Shots: KathNiel
Fanfiction-the way they look at eachother screams 'I love you'.