Kuya (part 2 of parekoy)

282 1 0
                                    

"Alia." sabi ni hans habang kumakain kami

"Pupunta ka ba sa reunion?"

"Anong reunion?" sabi ko

"Highschool, punta tayo? Diba nandun yung crush mo dati? Ano nga pangalan nun? Si Pat ano?" sabi niya

Si kuya patrick.

"Basta." sabi ko at umiwas ng tingin, dun na lang ako sa tv nakatingin

"Sus ano nga? Nainlove ka na ba?" sabi niya

"Hindi nga."

"Ano nga?"

"Hindi nga eh."

"Weh. Bilis na arte pa kasi eh nai---"

"Oo na."

"Ikwento mo na." sabi niya at ngiting ngiti pa

bigla akong napatigil, nararamdaman ko nanaman yung sakit. yung mga nangyari dati.

*start of flashback*

Sinusundan ko siya ng tingin, ang gwapo talaga. Ngiti pa lang niya jusko talagang mamamatay ka sa kilig. Lalo na pag narinig mo na yung tawa niya.

Napakagat ako sa labi ko ugh ang gwapo talaga, nakita kong nagshoot siya tapos kinilig yung mga nakakita. syempre kinilig din ako.

Si Kuya Patrick Reyes, 17 years old, habang ako naman 15 years old. Kaibigan ko siya, bawat game niya nanonood ako. Syempre ultimate crush ko yan!

Lumapit siya sa akin at narinig ko nanaman yung tibok ng puso ko na sobrang bilis, "Hoy alia." bati niya habang ngiting ngiti

Shet nakakatunaw, "Hi kuya!" sabi ko at ngumiti, aba kailangan ko gumamit ng charm noh. Ang ganda ko kaya.

"Nanood ka?" sabi niya

tumango ako, "Hatid na kita mamaya, sabay na tayo." sabi niya

IHAHATID DAW NIYA AKO, "ah wag na okay lang." sabi niya, syempre pakipot muna

"Sige na hatid na kita. Kasabay mo naman si Sandra mamaya diba? Sabay-sabay na tayo." sabi niya

napakagat ako sa labi ko, "S-sige po! Sasabihin ko sa kanya." sabi ko at umalis

Agad ko namang nakasalubong si sandra, "Uy sabay daw tayo sabi ng kuya mo." sabi ko

"Naks kilig ka nanaman hahahaha!!" sabi niya

"Syempre naman!" sabi ko at ngumiti

Si Sandra Reyes, kapatid ni kuya patrick, may isa pa siyang kapatid si margo. Si Margo naman sa ibang school nag aaral kaklase niya yung pinsan ko si Rika. Agad kong kinuha yung gamit ko at dumiretso kami ni sandra sa gate. Agad kong nakita si kuya patrick na nakatayo na dun. Hinintay niya talaga ako.

"Uy ano tara na?" sabi niya at nakangiti

"Ah eh kuya susunduin ko sana si rika eh, sabay kasi kaming pupunta sa bahay ng lolo namin."

"Rika? Yung kaklase ni margo? Ah kaano-ano mo yun?"

"Pinsan ko po."

"Weh? Osige ba tara sunduin natin, isabay natin si margo." sabi niya at ngiting ngiti pa

Kinikilig ako, umakbay siya sa akin at kay sandra habang naglalakad. Nung nakadating na kami sa school nila rika agad ko siyang nakita.

"Rika!" napalingon sila sa amin ni margo halos magkakasing edad lang kami.

Nakangiti silang lumapit sa amin, "Tara?" sabi ni kuya pat

tumango kami at naglakad na, malapit lang kasi bahay ng lolo namin dito sa school kaya naglalakad lang kami. Bigla namang inakbayan ni kuya patrick si rika.

One Shots: KathNielTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon