Parekoy

356 3 0
                                    

"Tangina parekoy panalo na yan oh!" sigaw niya

"Ilipat mo na kasi dali, talo na tayo sa pustahan natin nila bryan." sabi ko

"Di pa yan promise----OH DIBA NATRES WALANGHIYA PANALO TAYOOOOO!!!!" tili niya tapos binack hug ako

"Yes champion! May 20k tayo hahahaha ang galing!!!" sigaw ko

"Oo nga teka kukuhanin ko lang yung ice cream!!!" sigaw niya tapos tumakbo papunta sa ref

Pagkatapos umupo siya sa tabi ko at nagsimula na kaming kumain, dinurog niya yung grahams at cone at binudbod sa ice cream para daw masarap.

"Oh parekoy, yung promise natin ha? After 5 years dapat nasa condo na tayo tapos kahit na may anak ka na o asawa dapat magkita pa din tayo."

ngumiti ako sa sinabi niya, "pano pagselosa asawa ko?" sabi ko

"edi magkalimutan na tayo." sabi niya

"tampo agad." sabi ko tapos tumawa

"ewan ko sayo." sabi niya

"Uy, joke lang eh. Hahaha oo na, kahit na magkapamilya ako, promise ikaw lang ang nagiisang parekoy ko. Ikaw lang promise." sabi ko

binatukan ako, "Ang drama mo!!!"

"Sus, hahahahaha. basta parekoy pag nagkashota ka ha? Ipaalam mo sa akin!"

"As if naman, ang panget ko tapos magkakabf ako?!"

"Alam mo parekoy maganda ka, magpakababae ka lang okay na." sabi ko

"Tss." sabi niya

"Seryoso! Alam mo kung di lang kita bestfriend, baka pinatulan na kita." sabi ko

"Pinatulan talaga ha? Grabe ka." sabi niya

"Oo nga basta ipromise mo sa akin ha?"

tumango siya, "basta ba ayoko nang nakikita kang nagpapakabaliw diyan kay loureen!"

napatahimik ako bigla at tumango, si loureen yu. ang kaisa-isang babaeng minahal ko pero sinaktan lang niya ko. buti na lang si alia nandito, si parekoy. actually alia dominique enriquez ang pangalan niya. medyo boyish pero diyosa toh syempre.

"At saka parekoy, nakipagpustahan nga pala ako ulit. 10,000." sabi niya

tumango ako, biglang tumunog yung phone niya.

"Sino yan?" sabi ko

"Si kent lang." sabi niya habang nagt-type

"Ansabe?"

"Wala."

"Ano nga patingin?"

"Ayaw."

"Isa."

"No."

"Dalawa parekoy."

"Nope."

"Tatlo" sabi ko at kiniliti siya, tumawa naman siya

"Eto na nga oh." sabi niya tapos pinabasa sa akin yung text

"Alia, tara libre kita? :)"

napailing ako, "bf mo?"

"hindi noh, hahaha."

"ikaw ha."

"hindi nga."

tinitigan ko siya, kumakain lang siya ng ice cream parang walang pake sa mundo.

"Parekoy, natulala ka na diyan." sabi niya

"Ang panget mo kasi." sabi ko

"Ah ganon." sabi niya tapos pinahidan ako ng ice cream

One Shots: KathNielTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon