Chandria's POV:
"Pst! Chandria! Chandria! Chandria!" sigaw niya habang hinahabol ako
"Ewan ko sayo siraulo! get lost! wag mo na kong kausapin! kainis ka!"
pero hinila niya ako paharap sa kanya, sinimangutan ko siya, "chandria mahal kita, seryoso na ko."
biglang nawala yung galit sa mukha ko, "Joke lang hehe!" sabi niya sabay takbo
"Napakawalangya mo talaga Ford! Madapa ka sana!" sigaw ko tss abnormal
narinig ko na nagtawanan silang mga magkakabarkada pagtalikod ko, tss siraulo kaines.
lagi namang ganyan si ford eh, sasabihin na mahal niya ako pero biglang babawiin tapos sasabihin na joke lang.
nakakainis na nga eh, may gusto kasi ako sa kanya. tss, paasa pa eh noh? alam na nga niyang gusto ko siya tapos ganun?
biglang may umakbay sa akin, "oh bat ka nakasimangot?" napalingon ako, tapos siniko ko siya sa tagiliran.
"Aray! Brutal mo talaga!"
"Gago naman kayo! Itatanong mo kung bat ako nakasimangot eh kita mo naman yung ginawa ng bestfriend mong paasa!"
"Hoy Chandria hindi paasa si ford, at saka malay mo totoo sinasabi niya diba?"
umirap ako, "alam mo kayo, wala kasi kayong pake sa nararamdaman ng mga nagkakagusto sainyo! puro lang kayo basketball at joke, walang kwenta! magsama kayo!" sabi ko at binilisan yung lakad
"Anong wala ha?! meron kaya! problema lang kasi madaming umaasa eh. Alam mo ba yun ha? daming nag aassume na gusto namin sila, eh friendly lang naman kami."
"Alam mo iba yung friendly sa malandi."
"Bitter ka lang chandria kasi hanggang ngayon umaasa ka pa din na magtino yang si ford, umaasa ka pa din na sana sa susunod na sabihin niyang mahal ka niya eh hindi na joke, at umaasa ka na magkagusto siya sayo."
umirap ako, "edi iiwasan ko na! anong akala mo sa akin?! isa sa mga fangirl niyo ni ford na patay na patay sa inyo? hoy ibahin mo ko sa kanila."
"anong ipinagkaiba mo sa kanila? eh patay na patay ka nga kay ford diba?"
"basta! alam mo quen, malalaman mo lang yun kapag nakilala mo na ko ng mabuti!"
"eh ano bang ginagawa ko ngayon? diba kinikilala na kita?" sabi niya sabay akbay
tinapakan ko yung paa niya tapos hinampas siya ng bag, pero tumawa pa siya.
"Siraulo! Di mo kasi magets!" sigaw ko tapos tumalikod
sanay na sanay na ko sa ganitong eksena, tss araw araw na ganito eh.
umupo ako dun sa isang bench tapos yumuko kabanas, "pwede ka bang makausap?"
napatingin ako tapos nakita ko si ford, "alam mo kung joke lang ya---------"
"hindi na toh joke promise."
"sige."
"nagseselos ako sa tuwing magkasama kayo ni quen kahit bestfriend ko siya, at saka mahal na mahal kita kath. pero eto yung pinakamalupet na sekreto ko." sabi niya tapos nilapit yung mukha niya sa akin
napalunok ako, "a-ano?"
"JOKE LANG LAHAT NG SINABI KO."
tapos nagtawanan na silang lahat, anong nakakatawa? ako ba?
ilang beses na nilang ginagawa sa akin toh, lagi na lang ganito. umalis ako tapos umuwi ng bahay, badtrip.
after 2 weeks
BINABASA MO ANG
One Shots: KathNiel
Fanfiction-the way they look at eachother screams 'I love you'.