12:51 (part 2)

475 6 2
                                    

DJ's POV:

pumasok ako sa school kahit na hindi ako masyadong nakatulog, nakasalubong ko agad yung katropa ko.

"Uy Dj, anong nangyare sayo? Bat ganyan mata mo?" tanong ni katsumi

"Ganito naman talaga mata ko eh." sabi ko

"Loko toh, di yung seryoso kasi. ano nga?" sabi niya

"Wala." sabi ko

Si katsumi siya yung bestfriend ko, siya yung may gusto kay kath.

"At saka nga pala bat naghalf day ka ha?"

tinignan ko lang siya, "kumain ka na ba?"

"alam mo daig mo pa mga naging ex ko dahil diyan sa kakulitan mo. bakla ka ba ha?" sabi ko at tumawa

"ako? bakla? sus alam mo ngang type ko si kath eh." sabi niya at tumawa

natahimik naman ako bigla parang gusto ko na siyang sapakin.

"tara gala." sabi niya

sumunod naman ako, nang makasalubong namin siya.

umasa akong papansinin niya ako, titingin siya sa akin pustahan.

Kath's POV:

alam kong makakasalubong ko siya, dapat ko ba siyang pansinin magkatapos nung sinabi ko?

kung papansinin ko siya baka isipin niya na pwede kaming magkabalikan, pero sinabi ko na din kasi na layuan niya ako baka maguluhan siya lalo pag pinansin ko siya.

"uy girl makakasalubong natin yung ex mo pati yung bago mong lover." bulong sa akin ni anica

"alam ko." sabi ko sa kanya at ngumiti

nilagpasan ko sila na parang walang nangyare, tama ba yung ginawa ko?

wag kang lilingon kath, wag kang lilingon.

nung medyo naramdaman kong malayo na kami bigla akong lumingon, umaasa na sana lumingon din siya. pero imbis na siya yung nakalingon, si katsumi yung nakatingin sa akin.

ngumiti siya at tumango, ngumiti na lang din ako at tumalikod.

ano ba tong ginagawa ko?

DJ's POV:

nilagpasan niya ako, uulitin ko nilagpasan niya ako.

"ang ganda ni kath noh?" sabi ni katsumi

di ko siya pinansin at lumingon, di lumilingon si kath.

"uy okay ka lang?"

lumingon ka kath pls

"uy DJ!" sabi ni katsumi

"Ano?" sabi ko

"Anong nangyare sayo? dahil ba sa puyat yan?"

"siguro." sabi ko at lumingon ulit para tignan kung nasan na si kath

medyo malayo layo na din siya kaya umiwas na lang ako ng tingin, napansin kong lumingon si katsumi at tumango.

"Uy kats anong ginagawa mo?" tanong ko

"Lumingon kasi si kath, tapos ngumiti. Sabi na eh, lilingon siya." sabi ni katsumi

Pano kung para sa akin pala yun kaso di ako nakatingin? Pano kung ako talaga yung gustong tignan ni kath? Pano kung-------

"Uy pare tulala ka nanaman!"

"T-tara." sabi ko at naglakad palayo

Kath's POV:

One Shots: KathNielTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon