Kath
Tears were running down my face, "Nung nagpunta kang singapore nang walang pasabi kay daniel, I swear kath nabaliw siya sa kakaiyak." seth said, "Pero as soon as you called him tuwang tuwa siya kulang na lang magpamisa ng malaman niyang magbabakasyon ka lang pala dun." we were 3rd year highschool that time, sikat na ako nun. Nililigawan na din ako ni Ryan, tapos dun umamin si daniel pag balik ko.
"Pero nung binasted mo siya kath, ibang usapan na." sabi ni seth at tumingin sa akin ng diretso. "Sinabi mo sa kanya na papansinin mo pa din siya at ipagpapatuloy mo yung friendship niyo. Hindi mo ba alam na kaya niya binabagsak yung grades niya para magvaledictorian ka? Kasi kayong dalawa lang naman ang matalino eh. Sumali siya sa basketball team kath para mapansin mo siya. Binalewala niya yung mga nagkakagusto sa kanya para sayo. Kasi maniwala ka man o sa hindi, hanggang ngayon mahal ka niya. Hanggang ngayon hinihintay niyang pansinin mo siya. Hinihintay niyang bumalik yung dating kath. Yung kath na nagbibigay sa kanya ng lakas ng loob, Yung kath na hindi siya kinakahiya, Yung kath na sobrang opposite ng kath na kaharap ko ngayon." seryoso na siyang nakatingin
"But seth, I love ryan..." sabi ko
"Ayoko sanang makiealam kath, pero may reason kung bakit ayaw namin kay ryan." sabi niya at nilabas yung phone, "Eto." sabi niya
Nagulat ako kasi yun yung phone ni Ryan na nawala niya, I mean nawala ko. Nagpractice kasi si Ryan so pinahawak niya gamit niya sa akin, eh bumili ako ng water niya sa labas ng school tapos naiwan ko yung phone sa tindahan. Naalala ko na sinabi niya importante daw yung phone na yun nainis siya sa akin, nag away kami nun pero pinalagpas niya. Dahan dahan ko kinuha yung phone, "Ikaw yung nakapulot? This is ryan's phone. Nawala to last month." I asked
"Si daniel nakapulot, sinabi niya na dapat daw ibabalik niya yung phone kaso may tumawag. Yung name daw ng caller 'babe'. Akala niya ikaw kaya sinagot niya. Kasi sasabihin niya na naiwan mo yung phone, inutusan kasi namin si Dj na bumili nun, patawid daw siya saktong pag alis mo." sabi niya
"Pero di ko tinawagan agad yung phone, pag uwi na namin nung hapon namin nalaman na nawala." i said
"May babae sa kabilang linya, hinahanap si Ryan. Tinanong ni DJ kung ikaw ba pero hindi, Crystal daw yung pangalan. Sinabi na siya daw yung girlfriend." sabi ni seth
Pero ang alam ko kababata niya si Crystal, panong girlfriend? Nakasalubong ko si DJ nun bat hindi niya binigay? Bat di niya sinabi?
"So he decided na ipatabi sa akin yung phone, now Im giving it to you kath. Siguro panahon na para malaman mo yung totoo." he said at umalis
Anong totoo? Wala nang password yung phone tapos binuksan ko yung messages, at mas naiyak ako. So all this time niloloko ako ni Ryan? Yung kababata niya talaga yung mahal niya? Last text niya, last week.
From: Crystal
Hi Babe, nasa philippines na ako. Bat di ka nagrereply, anyway baka busy ka lang. Pupunta ako sa house niyo sa friday. Sa championship niyo, I love you.
Di na ko nagdalawang isip at agad na nagdrive papunta kayla Ryan. Nagpark ako sa tapat ng bahay nila, binuksan ko yung photos at wala manlang kaming picture. Dinelete ba niya lahat? Iyak na ako ng iyak, puro pictures nila nung Crystal. Kinuha ko yung phone ko at hinanap yung number ni Daniel, pero baka luma na to hindi ko siya matatawagan.
Pinahidan ko yung luha ko saka nagretouch. Saktong lumabas si Ryan, tapos may kasama siyang babae si Crystal. Nakita kong hinalikan niya si Crystal sa lips. At dun ako nagdesisyon na bumaba, inabante ko yung kotse ko saka bumusina. Nagulat sila kaya napatabi yung babae.