"GO EVAN! GO BEE! WOOO ISHOOT MO NA YAN WAG MO SILANG PANSININ!!!" sigaw ko habang tumatalon pa
"Girl dinaig mo pa yung nagkakagusto kay evan!" sabi ni thea
"JUSKO GIRL ANO K-----"
"EVAN FOR THREE!!!!! AND THE BUZZERS WON!!!" sabi nung announcer
"WAAAAAAAAAH!!!! THEA NANALO SILA BEE!!! NANALO SILA BEST WAAAAAAH!!!!" sigaw ko at agad na bumaba, grabe nga ginawa kong baba eh. tumalon talon lang ako hanggang sa makadating sa kanya.
syempre niyakap ko agad siya, "MGA BUZZER BEATER TALAGA KAYO WAAAAAH ANG GALING!!!" tili ko
"Haha bee teka aray, hahahaha grabe akala ko di ka nanood." sabi niya
kinurot ko siya sa pisngi, "waaah pwede ba yun?! nako bee, ako hindi makakapanuod sayo? kailan pa? eh kahit ata hindi ka nila pinaglalaro minsan eh nanonood pa din ako."
"kaya nga swerte ako sayo dahil bestfriend kita."
napangiti ako, "jusko bee tara na nga. magcelebrate tayo!"
"game! san tayo?"
"sf tayo!"
"sige wait kuhanin ko lang gamit ko."
"magshower ka muna."
"sus bee ang bango ko kaya oh." sabi niya tapos pinapaamoy yung kilikili niya
"yuck bee kadiri!!!" sabi ko habang tumatawa, pero seryoso ang bango nitong si bee
"hahahaha, sige kuhanin ko lang ah? dito ka lang." sabi niya
tumango ako, tapos hinintay ko siya. bigla kong nakita yung dati niyang nililigawan, si aira. maganda, maputi, magaling kumanta tapos matangkad pa. di katulad ko. lumapit siya sa akin, "Uy nasan si evan?"
pinigilan ko yung sarili ko na irapan siya, binusted niya na kaya si evan. pinaasa lang niya, tapos ngayon hahanapin niya? ano toh lokohan? porket sumikat lang si evan eh.
"di ko alam hinahanap ko nga eh." sabi ko
binigyan niya ako ng isang plastic na smile, "ah sige pakisabi na lang congrats tapos itext niya ako." sabi niya at umalis
biglang bumalik si evan tapos nagsimula na kaming maglakad, "bee si aira ba yun? ano sabi?"
"wala congrats daw."
"talaga?"
"oh wag mo sabihing type mo pa yun pagkatapos ka niyang paiyakin at saktan."
"bee alam mo namang------"
"oo alam ko." sabi ko
pagkatapos nun magsasalita pa sana siya kaso nauna na kong magpunta dun kay manong.
"Manong tatlo niyang dugo, 5 isaw tapos 20 pesos na fishball ay tapos 10 bituka tapos 10 kwekwek saka 4 na palamig na yan salamat." sabi ko
mamamatay kakatawa si evan sa likod ko, "di ka naman gutom niyan eh noh? hahaha."
"jusko iha di ka pa din nagbabago, oh sino ba taya ngayon?"
tumingin ako kay evan, "ako ho manong hahaha eto na ho bayad, keep the change." sabi ni evan
nagthank you naman si manong, pagkatapos kinuha namin mga binili namin tapos nagsimulang kumain sa may bench.
"ay bee ehem---ahlahm mho bah?!" sabi niya
"anobayan kadiri ka umayos ka nga."
natawa siya tapos kinain niya muna yung isaw.
"bee." sabi niya
BINABASA MO ANG
One Shots: KathNiel
Fanfiction-the way they look at eachother screams 'I love you'.