4 YEARS LATER
"Kuya! Kamusta ka na? Kumakain ka ba sa tamang oras d'yan? Baby Sammy! Look, si Daddy tito." Inakay ko papalapit sa akin si Sammy at itinapat sa mukha n'ya ang phone ko para makita n'ya si kuya Tommy.
"Eto, sinasanay ko pa rin ang sarili ko sa malamig na klima rito. Baby Sammy! I miss, daddy tito love you soooooo much!"
"Soooooo macha!" saad ni Sammy saka n'ya ginagaya ang ginawang pag-flying kiss ni kuya Tommy sa screen.
"We miss you kuya. Dalawang taon pa ang hihintayin namin bago ka makauwi rito." Nakasimangot na pahayag ko. Nasa Canada ngayon si kuya Tommy dahil may makuha s'ya roon na trabaho bilang bartender. Sa ngayon ay limang buwan palang s'ya 'ron at matagal-tagal pa ang hihintayin namin ni Sammy para mayakap ulit s'ya.
"Iniiyakan mo na naman ako. Malayo lang ako pero hindi pa ako patay kapatid."
"Hindi ko lang mapigilan." Umiiyak na saad ko. "Hindi ako sanay na malayo ka sa amin. Bukod sa walang maglalaba ng mga damit ni Sammy ay wala rin kaming clown dito."
"Hindi ko alam ko kung mata-touch ako o mabubwisit." natatawang pahayag ni kuya Tommy. Pareho kaming natawa ni Sammy nang itapat ni kuya ang camera sa loob ng ilong n'ya.
Balahura talaga. Mas lalo ko tuloy s'yang na mi-miss.
"Mabilis lang ang dal'wang taon Tuesday. Mamamalayan na lang natin na dumaan na 'yon kaya kunting tiis lang kapatid. Magkikita din kaagad tayo."
Tumango ako habang pinupunasan naman ni Sammy ang mukha ko. Ang cute talaga ng anak ko."Mag-iingat kayo d'yan Tuesday, wala kayong kasamang lalaki kaya 'wag mong kakalimutan na mag-lock lagi ng pinto." No. 1 paalala ni kuya.
"I know the drill kuya."
"Sige na, maghahanda na ako para sa pagpasok ko sa trabaho."
"Ingat kuya. I love you. We love you." Kinuha ko ang kamay ni Sammy at winagayway ito sa harap ng camera.
"Mahal ko rin kayo. Babye." paalam ni kuya bago n'ya putulin ang tawag.
Binuhat ko ang tatlong taon gulang kong anak saka ko s'ya iniupo sa baby chair n'ya. Kinuha ko ang nakahanda n'yang pagkain sa mesa at sinimulan s'ya subuan. Nakakatuwa talaga ang mga mata nang anak ko. Sigurado ako na sa ama n'ya namana ang mga mata n'ya dahil iyon lang ang malinaw sa mga alaala ko.
Matapos kung magising kinaumagahan sa pulang kwarto nung araw na ibenta ko ang sarili ko 4 years ago ay wala na ang lalaking nakasiping ko. Nagising akong hilong-hilo at wala nang matandaan patungkol sa lalaking 'yon pero my flash memory ako sa kulay berde n'yang mga mata.
"Mama!" Inabot ni Sammy ang kutsarang hawak ko kaya naman ibinigay ko 'yon sa kanya at inilapag sa harap n'ya ang plato.
"Ang galing-galing naman ng baby Sammy ko."
"Baby mo ako mama diba?"
"Opo, ikaw ang baby ko."
Hindi ko mapigilang mapangiti habang pinapanood ang anak kong kumain nang mag-isa. Sobra ang pasasalamat ko na dumating s'ya sa buhay ko. Kung wala s'ya ay baka down na down ako pero dahil kay Sammy ay may tumutulak sa akin na magpursige pa sa buhay.
S'ya ang nagsilbing liwanag ko at kapag nawala s'ya sa akin ay hindi ko alam kung saan ako pupulutin.
"Tuesday," tawag sa akin ni Aling Maribel na kakapasok lang sa bahay. S'ya ang nagbabantay kay Sammy tuwing pumapasok ako sa trabaho bilang sales lady sa isang fashion boutique.
BINABASA MO ANG
Mafia Lord's Sweet Mistake | COA #2
Romance/F I N/ CITY OF ANGELS #2 Tuesday ✖️ Falcon 🥀 There's no other way but to sell her own body. 10 Million in exchange of her virginity. Hindi ang Mafia Lord ng BlackFang ang talagang kliyente ni Tuesday ng gabing iyon pero dahil sa panganib na kinaha...