"Falcon!" sigaw ko para muling makuha ang atensyon n'ya.
Narinig ko ang pag-iyak at pagmamakaawa ng tatlong babae. Sa kabila ng ginawa nila sa akin ay naaawa pa rin ako sa sitwasyon nila.
Naalala ko ang nangyari noon sa amin ng anak ko sa kamay ni Cheng. Takot na takot din ako sa buhay namin kaya ramdam ko ang nararamdaman nila ngayon.
Sinalubong ko ang matatalim na mga mata ni Falcon. Gusto kong umatras sa takot pero kailangan kong pigilan ang gusto n'yang mangyari.
BlackFang, sa tunog palang ng pangalan nito ay alam ko nang hindi malinis na organisasyon ang grupong hinahawakan ni Falcon. Hindi naman sa manghuhusga ako pero ramdam ko na noong una palang na sagipin nila kami sa kamay ni Cheng. Nagawa nilang sugurin ang kuta ni Cheng at makaalis ng buhay kaya naman alam ko nang malakas sila at makapangyarihan si Falcon.
"P-Please. H-Hayaan mo na sila."
"I can't allow that! Sinaktan ka nila at tinakot nila ang anak ko!"
"Sila ang may atraso sa akin kaya ako ang magbibigay ng kaparusahan sa kanila!"
Oh ghadd! Hindi n'ya naman siguro ako sasapakin diba? Ang sama kasi ng tingin n'ya sa akin.
"And what will you do then?"
"Ayokong makakita ng baril. Ipatago mo muna sa mga tauhan mo ang nga baril nila." Lakas loob na utos ko sa kanya.
Nang tapunan ni Falcon nang tingin ang tatlo ay kaagad namang itinago ng tauhan n'ya ang mga baril nila. Ang galing. Muntik na akong mapapalakpak.
Naglakad ako papalapit sa tatlo. Nagulat ako nang kumapit sila sa paa ko at hinalikan ito.
"Parang awa mo na, 'wag mo kaming ipapapatay.""Gagawin namin ang kahit anong gusto mo. Kahit ano!"
"Wahhhh. Hindi ako nambugbog sa'yo. Silang dalawa lang naman 'e. Hindi man halata pero virgin pa ako. Gusto ko muna ng daks bago bumagsak sa impyerno."
Napangiwi ako sa sinabi ng babaing look out kanina. Napabuga ako ng hangin. Ano bang magandang parusa sa kanila?
"Magkano ang perang dala n'yo ngayon?" tanong ko sa tatlo.
"Meron akong 5k."
"10k sa akin. Galing sa sugar daddy ko."
"T*ngina! Bakit ang yayaman n'yo? Huhuh 500 lang akin ma'am." Mangiyak-ngiyak na pahayag ni look out girl.
"Bali meron kayong total of 15,500. Maraming batang kalye ang naghahanap-buhay sa may simbahan. Ibili n'yo ang pera nang mga makakain nila. Kahit sa fastfood lang."Naranasan ko nang mangalakal at magtinda ng sampaguita sa may simbahan kaya gusto kong makakain ang mga bata 'yon nang masasarap na pagkain kahit ngayon lang.
"Huh?""Babantayan kayo ng tatlong bodyguard. Kapag hindi n'yo 'yon ginawa ay butas 'yang mga bungo n'yo." dagdag ko pa.
"Masusunod ma'am!"
"Follow them." utos ni Falcon sa tatlong bodyguard.
Nang makaalis ang tatlo ay nanatili lang akong nakatalikod kay Falcon. Ayokong humarap sa kanya dahil baka makita ko na naman ang galit n'yang mukha pero kaagad din akong napaharap sa kanya ang hilahin n'ya
ang braso ko.
"Ikaw na nga ang nasaktan pero nagawa mo pa silang patawarin."
"Kelan pa naging sagot sa problema ang dahas? Kahit mapatay mo sila ngayon ay may kasunod na problema ang darating. Paano kung ipakulong ka ng pamilya nila?"
"Tss. Hindi 'yon mangyayari."
Napaiktad ako nang mas lalo pang lumapit sa akin si Falcon. Magaan ang kamay n'ya na humaplos sa pisngi ko at pinakatitigang mabuti ang noo ko. Sigurado akong may malaking bukol na ako sa noo.
"Tara na," Kinuha n'ya nang kamay ko at hinila ako pabalik sa kotse.
"Boss, saan na po tayo?" tanong ni manong.
"To the nearest hospital."
"Sinong bibisitahin mo 'don?" tanong ko kay Falcon.
"Ipapagamot natin ang sugat mo." sagot n'ya nang hindi man lang ako nililingon.
"Bukol lang 'to. Hindi mo ako kailangang dalhin sa hospital."
Hindi n'ya ako inimik kaya naman napaayos ako ng upo. May magagawa pa ba ako? Simula ata nang umapak ako sa mansyon na pagmamay-ari n'ya ay s'ya na ang desisyon sa buhay ko, sa buhay naming mag-ina.***
"Family date ba talaga ang ginawa n'yo bossing? Bakit parang bugbog sarado si Tuesday?" puno ng pagtatakang tanong ni Austin. Bukod kasi sa bukol ko sa noo ay may ilang hiwa rin ako sa pisngi na kanila ko lang din nalaman sa hospital ng lagyan ng doktor ng band aid ang sugat ko.
Hindi pinansin ni Falcon si Austin. Dumiretso s'ya paakyat para dalhin si Sammy sa kwarto na tulog na tulog ngayon sa balikat n'ya.
Alas-syete na rin kami nakauwi. Sa kabila ng nangyari sa akin ay napalitan naman 'yon ng tuwa dahil nagawa kong pilitin si Falcon na ipagpatuloy ang pamamasyal naming tatlo. Gusto n'ya na sanang iuwi kami kaagad ni Sammy pero pareho kaming nagmatigas ng anak n'ya sa kanya.
Minsan na lang kami makalabas at makapasyal kaya naman sinulit na namin 'yon ng anak ko.
"Falcon," tawag ko sa kanya kaya napalingon s'ya sa akin bago pa man s'ya makalabas ng kwarto.
"N-Nag-enjoy ka ba kasama si Sammy?" tanong ko. "Sorry kung kinulit ka namin ng anak ko. Sinulit lang namin na makalabas ulit."
Kanina kasi ay parang badtrip sa amin si Falcon kaya naman nag-aalala akong galit s'ya sa akin. Haist. Siguradong galit talaga s'ya dahil sa pagpapatakas ko sa tatlong umatake sa akin sa restroom.
"I may not be expressive but I absolutely had fun for the first time." sagot n'ya na nagpangiti sa akin.
"Thank you sa lahat."
"Go get some rest." pahayag nito bago lumabas ng kwarto. Papasok na sana ako sa banyo ng may malakas na kamay ang humila sa akin dahilan para mapaharap ako sa kanya. Nagulat ako nang siilin ako ng halik ni Falcon. Naghihina ang mga binti ko na pakapit sa dibdib n'ya. Para bang sinisipsip n'ya ang lakas ko dahil sa ginagawa n'ya.
"Still the sweetest." bulong n'ya sa akin.
Naiwan akong nakaawang ang bibig habang wala sa sariling hawak ang ibabang labi ko na inangkin ng walang paalam ni Falcon. Bakit n'ya ako hinalikan?"DADDY tito!"
"Hi baby! I miss you!" pahayag ni kuya Tommy habang ka-video call kami ni Sammy. "Kamusta naman kayo sa poder ng ama ni Sammy?"
Nabanggit ko kasi sa kanya ang pagkikita ulit namin ni Falcon pero hindi ko sinabi ang tungkol sa kidnapping. Pasalamat ako na hindi tinawagan ni Aling Maribel si kuya ng ma-kidnap ang anak ko dahil kung hindi siguradong lilipad pabalik dito si kuya.
"Mabait s'ya sa amin ni Sammy kaya wala ka pong dapat na ikabahala kuya."
"Sabihin mo lang kaagad sa amin kung may gawing hindi maganda sa inyo ang lalaking 'yan dahil ako mismo ang bubugbog sa kanya.""Kuya naman."
"Ayoko lang na nasasaktan kayo Tuesday. Alam mo naman kayo na lang ang pamilyang meron ako kaya mahal na mahal ko kayo."
"Mahal na mahal ka rin namin kuya."
"Nakanguso ka na naman." Kaagad kong pinunasan ang gilid ng mata ko dahil sa pagtulo ng luha ko roon.
"May anak ka na pero napaka-iyakin mo pa rin." Napapailing na saad ni kuya Tommy. "Teka, anong nangyari d'yan sa noo mo at may band aid?" tanong n'ya kaya naman kinabahan ako.
"Ah eh, hahaha. Nadulas ako sa banyo kahapon kaya tumama ang noo ko pader. Ang malas nga 'e. Sige na po kuya, papaliguan ko muna si Sammy dahil gusto n'ya na naman mag-swimming sa bathtub. I love you."
Pinatay ko kaagad ang tawag dahil sigurado akong kukulitin n'ya na naman ako patungkol sa noo ko. Kabisadong-kabisado na ako ni kuya. Alam nun kapag nagsisinungaling ako.
"Mama tala na po. Swimming na tayo." Paghila sa akin ng anak ko kaya naman sumunod na ako sa kanya papunta sa banyo.
Hinintay ko munang matunaw ang bubble bomb bago buhatin sa Sammy paupo sa bathtub.
"Baby 'wag malikot. Baka madulas ka."
"Opo mama." Kinuha ni Sammy ang rubber ducks n'ya at nilaro 'yon sa tubig.
Habang abala s'ya sa paglalaro ay nagshower na rin ako at nagkuskos ng katawan ko. Hindi pa rin ako maka-get over sa halik ni Falcon kagabi. Sa tuwing pumapasok 'yon sa isip ko ay namamalayan ko na lang na nakahawak na ako sa labi ko.
Haist. Hindi ko alam ang dapat isipin sa ginawa n'ya. Ayoko namang mag-asume ng mga kung ano-anong bagay dahil siguradong aasa lang ako.
Pagkatapos kong maligo ay itinapis ko sa katawan ko ang twalya at binatayan na si Sammy sa paglalaro n'ya."BABY, baka sipunin ka na. Babanlawan na kita."
"Nooo. Swimming pa ako mama. Nooo." Ito talaga ang lagi naming pinagtatalunan ng anak ko simula ng tumira kami rito. Lagi n'yang gustong magbabad lagi sa bathtub, pinagbibigyan ko naman s'ya minsan pero kapag nasobrahan talaga ay pinipilit ko na talaga s'yang umalis kahit sumigaw at umiyak pa s'ya.
"My baby is not a badgirl. Halika na kay mama."
"Huhuhu. Nooooo!" tili n'ya.
"Sammy! Magagalit na si mama."
"Hmmp."
"I love you baby."
"Hmmp."
"You don't love me na?" Ngumuso ako at nagkunwaring iiyak na.
"Gusto ko swimming."
"Sammy!" sigaw ko saka ko hinawakan ang ulo n'yang muntik nang tumama sa gilid ng bathtub ng madulas s'ya sa pagtayo. Isang malakas na iyak ang pinakawalan ng anak ko dahil nagulat siguro ito sa pagsigaw ko.
Hindi ko sinasadyang sigawan s'ya. Ito ang unang beses na napagtaasan ko ng boses si Sammy kaya sigurado akong natakot din s'ya.
"S-Sorry baby," Binuhat ko s'ya sa harap ko at itinayo para punasan pero biglang bumukas ang pinto ng banyo at iniluwa nun si Falcon.
"What happened?" tanong n'ya. Lumuhod 'sya sa harap ni Sammy na wala pa ring tigil sa pag-iyak. "Baby, anong nangyari?" tanong muli ni Falcon sa anak. Kinuha n'ya ang hawak kong tuwalya at ipinalibot 'yon sa katawan ng anak n'ya bago ito buhatin palabas ng banyo.
Sumunod ako palabas at kumuha sa cabinet ng damit ng anak ko. "Muntik na s'yang madulas kanina sa bathtub. Nataranta ako kaya nasigawan ko s'ya."
Ibinaba ni Falcon si Sammy sa kama kaya naman kaagad kong binihisan ang bata. Nakasimangot pa rin ang anak ko at masama ang titig sa akin. Imbis na malungkot ako ay natuwa ako sa mukha n'ya. May pinagmanahan nga ang batang 'to.
Tumalon pababa ng kama si Sammy saka s'ya tumakbo palabas. Nakabukas ang pinto kaya mabilis s'yang nakatakas na parang tuta. Susunduan ko na sana s'ya ng pumulupot ang braso ni Falcon sa bewang ko.
"Falcon!"
"Magbibihis ka o ako ang magbibihis sa'yo?" seryoso n'yang tanong na nagpabilog ng mga mata ko. Hinook n'ya ang dalawa n'yang daliri sa bandang cleavage ko na mas lalo kung ikinagulat. Para akong sasabog sa kahihiyan. Bakit may nararamdaman akong kiliti sa loob ng sikmura ko? He's touching me. Mali 'to!
Akmang hihilahin n'ya na nasa ang tuwalya ko nang mabilis kong hawakan ang kamay n'ya.
"M-Magbibihis na. L-Lumabas ka muna please." utal kong pahayag. Nang bitawan n'ya ako ay kaagad ko s'yang itinulak palabas saka ko isinara at ini-lock ang pinto. Nanghihinang napasalampak ako sa sahig habang mahigpit ang hawak sa telang nagtatakip sa kahubaran ko.
Muntik ka na n'yang hubaran...at parang willing ka naman.
BINABASA MO ANG
Mafia Lord's Sweet Mistake | COA #2
Romance/F I N/ CITY OF ANGELS #2 Tuesday ✖️ Falcon 🥀 There's no other way but to sell her own body. 10 Million in exchange of her virginity. Hindi ang Mafia Lord ng BlackFang ang talagang kliyente ni Tuesday ng gabing iyon pero dahil sa panganib na kinaha...