CHAPTER 25: Play Pretend

1.8K 55 0
                                    

"Falcon..."

"Tue...day." usal ko nang makita ang magandang mukha nito sa harap ko. Ito na ba ang huling beses na makikita ko s'ya? Kahit nanghihina ang mga kamay ko ay pinilit kong abutin ang mukha n'ya. God! I miss her. Is there a chance that I can hold and kiss her again?

"Are you having a racy dreams now Falcon?" Mabilis akong napamulat nang marinig ang baritonong boses ng lalaki. Parang nabasag sa paningin ko ang imahe ng magandang mukha ni Tuesday dahil sa kasama ko ngayon. T*ngina! Anong ginagawa ng lintik na 'to rito? His stoic and annoying voice irritates me. Parang mas lalong sumakit ang ulo ko dahil sa kanya.

Si King.

Hindi ko na kailangang alamin kung nasaan ako dahil obvious naman na nasa hospital ako. Wala akong matandaan kung paano ako nakarating dito pero sigurado akong dahil 'yon sa tulong ng mga kaibigan at tauhan ko.

How long have I been sleeping?

Para bang inilubog ang buo kong katawan sa nagyeyelong lawa dahil sa paninigas ang buo kong katawan. I can't feel my body. Pucha! Paralisado na ba ako?

"You've been out for 2 years."

2 years?!

"May asawa na si Tuesday at masusundan na rin si Sammy." Dagdag ni King na unti-unting nagpatubig ng mga mata ko. Kung ganun ay hindi na pala ako nahintay ni Tuesday. 

Sinubukan kong iangat ang kamay ko at hinila ang laylayan ng suot na jacket ni King. Ang dami kong gustong itanong at sabihin pero ramdam ko ang panunuyo ng lalamunan ko. Gusto kong malaman kung anong klaseng lalaki ang napangasawa ni Tuesday. Siguro ay legal ang trabaho at pamumuhay na ibinigay nito sa kanya kaya nagawa n'ya na iwan ako at magmahal ng iba.

Natawa ako sa likod ng isip ko. Sa simula pa lang ay alam ko nang hindi kami para sa isa't isa pero ipinagpilitan ko pa rin. I shouldn't be mad or sad at her, tama lang na iwanan n'ya ako dahil hindi ko maibibigay sa kanya ang tahimik na buhay na deserve nila ng anak ko.

Hindi lang ito ang huling beses na malalagay sa alanganin ang buhay ko kaya mas makakabuti nang s'ya na mismo ang lumayo sa akin para hindi na sila madamay pa ni Sammy.

"King babe!" tawag ng babae kay King na kakapasok lang ng kwarto. "Hala gising na s'ya! Ohemgee!" tili nito.

"Oo." Walang emosyong usal ng tarantado.

"Dapat you call kaagad the doctor! Ano ka ba!" Pipindutin na sana ng babae ang call button na nasa kwarto nang hapitin ni King ang bewang n'ya at siilin s'ya ng halik. Narinig kong malanding napaungol ang babae saka kumapit sa batok ni King.

At sa harap ko pa talaga sila naglaplapan. Mga tarantado!

"King naman. Mamaya na tayo mag-make out." suway ng babae saka n'ya muling inabot ang call button at pinindot ito.

"I'm bullsh*ting you. Dal'wang buwan ka lang walang malay. Nagsinungaling din ako na may asawa na si Tuesday. Nagbabakasakali akong ang badnews ko ang ikamatay mo." pahayag ni King habang may mapang-asar na ngisi sa labi.

Makabangon lang talaga ako rito at pagugulungin ko sa sahig ang ulo n'ya.

Nalaman ko mula sa doctor na dalawang buwan akong comatose at sa ngayon ay kailangan kong mag-undergo ng rehabilitaion para bumalik sa dati ang lakas ng katawan ko. Sinabi rin sa akin ng doctor na himala ang nangyari sa akin kaya naman kailangan kong alagaang mabuti ang pangalawa kong buhay.

Himala nga ba o sadyang masamang damo lang talaga ako na ayaw pang tanggapin sa impyerno?

"Falcon!" Napalingon ako sa pinto ng marinig ang boses na iyon ng babaing gustong-gustong kong yakapin at hagkan. Tumakbo s'ya papalapit sa akin at mangiyak-ngiyak akong tinitigan.

Mafia Lord's Sweet Mistake | COA #2Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon