FINALE

2.9K 70 5
                                    

"It's nice to see you again Tuesday and to you too baby Sammy. Akala ko hindi ko na kayo makikita."

"Ikaw rin. Kamusta? Pasensya na nga pala at hindi kami nakapagpaalam sa'yo ni Sammy nang umalis kami 2 weeks ago. Biglaan din kasi ang paglipat namin." Nakangiting pahayag ni Tuesday.

Nasa mall sila ni Sammy nang makabangga ang dati nilang kapitbahay na si Benedict. Niyaya sila nito na kumain kaya naman pinaunlakan n'ya ang binata. Naalala n'yang lagi n'ya itong tinatanggihan noon kaya naman pinagbigyan n'ya ito ngayon.

Sa maikling panahon n'yang pagkakakilala kay Benedict ay masasabi n'ya na talagang mabait at gentleman itong lalaki. Nahalata na n'ya ang intensyon nito sa kanya noong una palang pero hindi s'ya nito pinipilit kapag tinatanggihan n'ya ito.

"Saan na nga pala kayo ngayon nakatira?" tanong ni Benedict sa dalaga.

"Nasa poder kami ngayon ng ama ni Sammy."

"Nagkabalikan na kayo?"

Nagkabalikan? As in, in a relationship? Natawa sa likod ng kanyang isip si Tuesday.

2 weeks ago nang puntahan sila ni Falcon sa bahay ng ate Evie n'ya. Wala pang tatlong oras pero nahanap na kaagad sila ng binata. Ano pa ba ang ini-expect n'yang hindi magagawa ng isang mafia boss? Kung kailangan halughugin nito ang buong bansa ay baka nga ginawa na nito para lang mahanap silang mag-ina.

Napatunayan ni Tuesday na hindi marunong manuyo ng babae si Falcon. Nang magmatigas s'yang sumama rito nang araw din na umalis sila sa condo ay imbis na lambingin s'ya at suyuin ay pinagbantaan pa s'ya nito. Falcon can get anything what he wants...by hook or by crook. Mas lalo s'yang nainis sa inasal nang binata kaya naman wala s'yang nagawa kundi ang sumama pauwi sa mansyon nito.

Isa pang dahilan kung bakit s'ya napilitan ay dahil kay Sammy. Hindi humiwalay ang bata sa ama nito. Nagkampihan ang mag-ama kaya talagang dehado s'ya.

Ngayon ay dal'wang linggo na silang nasa poder ni Falcon. Sa pananatili n'ya sa mansyon nito ay pinaramdam n'ya talaga sa binata ang galit at pagtatampo n'ya rito. Kahit may mga sandali na gusto na n'yang bumalik sa bisig ni Falcon ay pinigilan n'ya ang sarili. Hindi n'ya pa kayang patawarin ang binata. Hindi n'ya pa kayang ipagkatiwalang muli kay Falcon ang puso n'ya.

Hindi na n'ya magagawang maikama ako hangga't magkaaway kami. Magdusa s'ya! Pero paano kung makahanap s'ya ng babaing magpapainit sa katawan n'ya? Urrghh! Kung gagawin n'ya 'yon ay pinatunayan n'ya lang sa akin na hindi n'ya ako mahal.

"Tuesday, ayos ka lang ba?" untag ni Benedict sa kaharap na dalaga.

"O-Oo. Sorry, may iniisip lang ako."

"Halata nga. You're spacing out and your face is twitching in irritation. You can open up with me. I don't judge."

"Paano ko malalaman kung seryoso sa akin ang isang lalaki o pinaglalaruan n'ya lang ako? From your perspective as a man. Gusto kong marinig ang honest side ninyo. You see, I have trust issue. Mahal ko s'ya pero dahil sa panlolokong ginawa n'ya ay doon na ako tuluyang dumistasya sa kanya pero may instances na gusto ko pa ring bumalik sa kanya."

"Nambabae ba?"

"Hindi. May iba s'yang ginawa na sobrang ikina-disappoint ko."

"Are you referring to Sammy's father?"

Tumango si Tuesday.

"In my opinion, seryoso ang isang lalaki kapag walang sugarcoating na lumalabas sa bibig nito. A man who's in love never fool woman by their sweet talk. Kapag nakita ko na hindi bagay sa'yo ang suot mo ay sasabihin ko ng diretso. We take girls seriously. As much as possible we want to be open and honest with our feelings but it doesn't mean that our feelings are entirely perfect. Minsan nagiging marahas kami sa mga salitang binibitawan namin at pinagpipilitan ang gusto namin dahil sa sobrang pagmamahal."

Mafia Lord's Sweet Mistake | COA #2Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon