CHAPTER 28: Fill me

1.9K 53 0
                                    

THIS CHAPTER IS RATED SPG ⚠️⚠️⚠️

Dumapa ako sa kama at niyakap ang unan ko. Iyak, sigaw at hagulgol ang ginawa ko dahil sa sakit na nararamdaman ko. Ngayon lang ako magkakaroon ng alone time kaya gusto kong ilabas ang lungkot at sakit na nagpapabigat sa dibdib ko. Magpapaka-emo muna ako ngayon para mamaya ay may ngiti akong maihaharap sa anak ko.

I felt so bad after I yelled at her. Magso-sorry na lang ako sa kanya mamaya pagdating n'ya. Babawi ako at isu-surprise s'ya ng cake na ginawa ko para sa kanya. I'm sure she'll love it.

Kuya Tommy's calling...

"Hi to my favorite little sister." bati ni kuya sa akin. Pabiro akong napairap sa kanya dahil sa itinawag n'ya sa akin. Ako lang naman kasi ang kapatid n'ya. Baliw talaga. "Wait, are you crying? Anong nangyari?"

"Tears of joy. For the first time, kasama na ni Sammy ang ama sa birthday n'ya. Masaya lang ako para anak ko." sagot ko kay kuya.

Bukod sa pighati ay may bahid ng saya rin akong nararamdaman. Hangga't maaari ay ayokong maging selfish. Kailangan ko ring maging masaya para sa anak ko. Ipagdarasal ko na taon-taon n'ya makakasama si Falcon sa birthday n'ya kahit wala kaming relasyon ng ama n'ya.

"Wala d'yan si Sammy? Sayang naman. Babatiin ko sana s'ya." Dismayadong pahayag ni kuya Tommy.

"Tatawagan kita kapag nakauwi na sila ng papa n'ya kuya." paninigurado ko sa kanya.

"Teka, bakit hindi ka sumama sa pamamasyal nila?"  takang tanong ni kuya Tommy.

Wala s'yang kaalam-alam sa mga nangyari sa amin ni Falcon. Mabuti na lang pala at hindi ko sinabi kay kuya na magpapakasal dapat kami dahil kapag nakarating sa kanya na hindi na tuloy ang kasal ay siguradong magagalit s'ya or worst, maaaring ilayo n'ya kami at dalhin sa Canada ni Sammy.

Titiisin ko ang hirap sa pagmo-move on kay Falcon, 'wag lang mawalan ng ama ang anak ko.

"Aayusin ko kasi ang surprise ko para kay Sammy. I baked a birthday cake for her." sagot ko.

"Aba! Nakaka-proud naman talaga ang kapatid ko."

"Syempre naman po. Gagawin ko ang lahat para mapasaya ko lang ang anak ko." nakangiting sagot ko.

Kahit papaano ay naibsan ang lungkot ko dahil sa pakikipag-usap ko kay kuya Tommy. Isinali rin namin sa video call si ate Evie kaya mas tumagal at naging masaya ang usapan namin.

"Ate, kuya out na muna ako. Baka kasi dumating sina Sammy. Kailangan ko pang ihanda ang surprise ko." paalam ko sa kanila. I gave them flying and virtual kisses before ending the call.

Lumabas ako ng kwarto at inihanda ang simpling surpresa para kay Sammy. I decorated the living room with some Panda's stuff and cook for our evening meal. Hindi ako sigurado kung dito rin kakain si Falcon kaya naman dinagdagan ko na lang din ang  niluto ko.

Nagluto ako ng lasagna, buttered and garlic chicken wings tsaka vegetable salad. Kami lang naman kakain kaya kaunti lang ang inihanda ko.

Saktong kakatapos ko lang sa pagaayos ng hapagkainan nang may mag-doorbell sa labas. Ala-singko na kaya inaasahan kong sina Falcon at Sammy na iyon pero nawala ang abot tenga kong ngiti at lumiit iyon ng makita si Benedict.

"Hi,"

"H-Hi. Napadaan ka?"

"Iimbetahan ko sana kayo ni Sammy na mag-dinner kasama ko kung okay kang sa inyo."

"Sorry pero nagluto rin kasi ako ngayon dahil birthday ni Sammy. Siguro sa susunod na lang."

"O—kay. Sige, next time na lang."

Mafia Lord's Sweet Mistake | COA #2Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon