CHAPTER 14: Invitation

2.2K 52 0
                                    

FALCON

"G-Gusto ko s'yang makausap." humihikbing saad ni Tuesday habang nakatitig pa rin sa monitor kung saan n'ya malinaw na nakikita ang kalunos-lunos na sitwasyon ni kuya Richard.

"No. Umuwi ka na." madiing pahayag ko. Hinuli ko ang pulso n'ya at kinaladkad s'ya palabas ng kwarto. Pinagbigyan ko na s'yang makapasok sa hideout namin, hindi n'ya na ulit ako mapipilit kahit nagmatigas pa s'ya at umiyak sa harap ko.

Nagpupumiglas s'ya sa pagkakahawak ko pero hindi ako nagpatinag sa kanya. I can't believe that this girl right here is giving me a headache. Trabaho ko lang ang nakakagawa nun sa akin at hindi ang isang katulad n'ya.

"Bitawan mo ako! Ano ba!" sigaw n'ya. 

Hanggang sa makalabas kami ng building ay hindi ko pa rin s'ya binibitawan. Maybe she's right, I'm a demon for killing and torturing people senselessly. I don't need her approval for this. This is me, this is how I protect my family.

"Gusto ko lang naman malaman kong bakit n'ya ako gustong patayin. Sa maikling panahon na nakilala ko si kuya Richard ay puros kabutihan lang ang ipinapakita n'ya sa akin kaya b-bakit nagawa n'ya ang bagay na 'yon?"

"Don't be blinded by anyone's kindness. Even your closest family or friends can betray you. Don't be foolish and naive."

"T-Tama ka... kahit ikaw na ama ng anak ko ay hindi ko rin pweding pagkatiwalaan." She gritted her teeth. Marahas n'yang tinaggal ang kamay ko sa pulso n'ya saka s'ya nagmartsa palayo sa akin.

Right...I'm not an exemption.

***
It's been days. Gusto kong hawakan ang anak ko pero hindi naman ako hinahayaan ni Tuesday na kunin sa kanya si Sammy. Lagi lang silang nasa loob ng kwarto and this situation irritates me. Pwede ko namang pwersahan na kunin sa kanya ang anak ko pero hindi ko magawa. I don't want to hurt her or push her to the edge. S'ya pa rin ang ina ng anak ko and I respect her.

F*ck! At kelan ka pa natutong rumespeto ng babae Falcon? Demonyo ka nga raw diba?

Dinampot ko ang cellphone ko sa mesa nang makitang tumatawag ang ama ko.

"What is it dad?"

"Son, hindi mo naman siguro nakakalimutan na birthday ng mama bukas, diba?"

"Are you planning to throw a birthday party to a dead person?"

"Yes, I'm giving your dead mom a birthday party. I expect you to bring that woman with you tomorrow night."

"At bakit ko naman gagawin 'yon?" kunot-noo kong tanong habang hinihilot ang sintido ko.

"Bring her here or else, tauhan ko ang kakaladkad sa kanya papunta rito." pagbabanta ni dad bago patayin ang tawag. That old man!

I'm sure that he's the culprit who hired Richard to kill Tuesday. I don't why but I think he don't want me to end up with her.

Tuesday was the mother of my child and I don't plan in marrying her just because we I made a mistake. Papanindigan ko ang resposibilidad ko bilang ama ni Sammy at hanggang 'don lang 'yon.

I dialed Charlize number while reading some documents.

"What?!" galit na bungad n'ya sa akin. Araw-araw bang may monthly menstration ang babaing 'to? Bakit ba lagi s'yang highblood?

"Bilhan mo ng dress si Tuesday."

"Bakit? Pang peace offering?"

"Hell no. Dad invited her to the party tomorrow."

"That sounds scary. Is he up to something again?"

"I don't know. Iyon ang aalamin ko bukas."

"So you're using Tuesday as a bait to feed your curiosity? F*ck you Falcon!"

Mafia Lord's Sweet Mistake | COA #2Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon