CHAPTER 16: Rescue Her

2.1K 71 0
                                    

TUESDAY

Nagpasya akong bumalik na lang ng kotse kesa bumalik sa party. Alam kong pambabastos ang gaagawin ko pero wala na talaga ako sa mood. Bukod sa mga pangmamaliit na narinig ko kay Elijah ay hindi ko rin mapigilang masaktan nang makita kong magkasama si Falcon at ang babaing papakasalan n'ya dapat. Si Donna.

Bagay na bagay nga silang dalawa. Donna is beautiful and sofisticated while me? Tsk. Bakit ko ba ikinukumpara ang sarili ko sa kanya? Wala nga ako sa kalingkingan n'ya. Oo na. I'm jealous. Nagseselos ako at hindi ako ipinanganak kahapon para hindi malamang may pagtingin na ako kay Falcon. Nagsimula 'yon noong makilala ko s'ya sa Red Hotel.

His kiss, his touch, his warmth and his voice, lahat 'yon tumatak sa akin at kahit kelan ay hindi na ako naka-move on sa kanya. Hindi ko man matandaan ang mukha n'ya paggising ko, kabaliktaran naman 'yon kapag nakapikit na ang mga mata ko.

My flashes memories of him never left me. I'm still young and naive that time, kahit nga ata hanggang ngayon pero ako hindi tumigil sa pagkahumaling sa kanya sa kabila ng kulang-kulang kong alaala kay Falcon sa mga lumipas na taon.

Napayakap ako sa sarili ko nang umiihip ang malamig na hangin. Malapit ang mansyon ni Elijah sa dagat kaya amoy ko ang malansa at maalat na amoy ng tubig, idagdag pa ang malalakas na paghampas ng alon sa di kalayuan.

Malapit na ako sa parking space ng may panyo ang bigla na lang nagtakip sa ilong at bibig ko. Naramdaman ko ang unti-unti kong panghihina hanggang sa tuluyan na akong mawalan ng malay.

NAGISING ako sa kwartong kulay itim ang paligid at wala man lang kahit isang gamit. Tumayo ako sa malamig na sahig na kinahihigaan ko sa kabila ng patuloy na pag-ikot ng paningin ko. Nasaan ako?

Kaagad akong lumapit sa pinto at sinubukan itong buksan. Kinalampag ko ito at sinipa hanggang sa masira ang higheels na suot ko pero wala pa ring silbi. Sigaw rin ako sigaw, nagbabakasakaling may taong makarinig at makatulong sa akin pero halos mamaos na ako ngunit wala pa ring saklolo na dumarating sa akin.

Muli akong napaupo dahil sa panghihina at pagod. Iniisip ko kung hinahanap na ba ako ngayon ni Falcon. Nangako s'ya sa akin na hindi n'ya ako papabayaan sa party na 'to at gusto ko 'yong panghawakan sa mga oras na 'to. I'm desperate.

Ayokong umiyak at panghinaan ng loob pero kilala ko ang sarili ko, iyakin ako lalo na kapag pumapasok sa isip ko ang mukha ng anak ko. Kapag iniisip kong hindi na ako makakabalik pa kay Sammy.

"Good, your awake."

Napaangat ako ng tingin sa babaing nagsalita. Si Inna.

"Inna, b-bakit ako nandito? Ano bang ginawa ko para gawin mo 'to sa akin?"

"Wala kang atraso sa akin pero sa nobyo ko meron. Kung hindi ka sana dapat nagpakita sa buhay ni Falcon edi sana wala ka rito ngayon. Edi sana hindi rin sasapitin ng anak mo ang mangyayari sa'yo rito."

"S-Si Elijah ba? Gawin n'yo na ang gusto n'yong gawin sa akin pero nakikiusap ako, 'wag n'yong idadamay dito ang anak ko." pagmamakaawa ko.

"That old man don't know anything. Actually, he likes you to be Falcon's wife. Sinasagad n'ya lang ang pasensya ng anak n'ya para sa huli ay pakasalan ka."

Nagulat ako dahil sa sinabi ni Inna. Kung hindi si Elijah ang may pakana nito ay sino?

"Naguguluhan ka ba? Ang sinasabi kong nobyo ko ay si Fabian." pag-amin ni Inna.

Nauto na naman ba ako? Katulad ng kung paano ko husgahan na mabuting tao sa paningin ko si kuya Richard ay ganun din ang iniisip ko patungkol kay Fabian. Uto-uto talaga ako kahit kelan.

"Ano bang naging atraso ko sa kanya? Sa pagkakatanda ko ay wala akong ginawang ikagagalit n'ya sa akin."

"Akala mo lang wala."

Mafia Lord's Sweet Mistake | COA #2Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon