CHAPTER 21: Visitor

1.7K 54 0
                                    

TUESDAY

Kaagad kong niyakap si Sammy para hindi n'ya makita ang tensyon na namamagitan sa dal'wang grupo. Plano sana namin maglakad-lakad sa garden ng anak ko pero nang buksan ko ang pinto ay bumungad sa amin si Prime at Hiro na may hawak na baril. Ganun din si ate Evie at kuya Kade na nakikipagtutukan din sa dalawa. Parang mahuhulog ang puso ko sa kaba at takot dahil sa matinding tensyon na nakapalibot sa kanila.

"Wala rito si Elly." tiim-bagang na saad ni Prime.

Elly?

"Hindi si Elly ang tinutukoy kong kapatid kundi si Tuesday! Anong ginawa n'yo sa kanya at kay Sammy?!" asik ni ate Evie na halatang galit na galit dahil sa paglabas ng litid sa leeg n'ya.

Nakakatakot ang mga mata n'ya. Ngayon ko lang s'ya nakita na gan'to kagalit at parang papatay ng tao.

"Don't you dare point a gun to my wife!" Kuya Kade growled.

"You're not welcome here! Umalis na kayo dahil kung hindi, bubulagta ang bangkay n'yo sa mismong kinatatayuan n'yo." pagbabanta ni Hiro.

"Guys," I interrupted them. Hindi ko alam kung anong kwento ng galit nila sa isa't isa para umabot sila sa gan'to pero hindi ako makapapayag na sa harap nang anak ko sila magpapatayan.

"Tuesday! Oh my ghadd! Sammy." Mangiyak-ngiyak na pagtawag sa amin ni ate Evie. Kaagad n'ya kaming niyakap at hinalikan sa noo. Para bang nakahinga na s'ya nang maluwag ng makita kami ni Sammy.

"Ate, paano mo nalaman na nandito kami?" puno nang pagtatakang tanong ko sa kanya.

"Nabanggit sa akin ni Charm na kasama mo si Lord sa isang party kaya naman gumawa ako ng paraan para mahanap kung saan ka itinatago ng lalaking 'yon."

"Halika kayo sa loob. Masaya akong nakadalaw kayo sa amin."

"Tuesday, be honest with me. Hindi ka naman sinasaktan at ikinukulong dito ng BlackFang diba? Sabihin mo lang dahil ako mismo ang magpapasabog sa lugar na 'to para maitakas kita."

Hinalikan ko sa pisngi si ate Evie at matamis na ngumiti sa kanya. "We love it here ate."

"T-Talaga? Walang pilitan o takutan na naganap?" puno nang pagtatakang tanong n'ya kaya umiling ako bilang sagot.

"Luh, anong akala mo kay Falcon? Walang puso at awa sa mag-ina n'ya?!"  pagsingit ni Hiro sa amin.

"S-Si Falcon ang ama ni Sammy?" Namimilog ang mga matang tanong ni ate Evie. "S-S'ya ang bumili sa'yo ng sampung million?"

"Oo at mahal ko s'ya."

"Yon oh! Ano ka ngayon assassin?" pang-aasar ni Hiro kaya sinamaan naman s'ya ng tingin ni ate Evie.

Assassin?

Bakit ang dami kong naririnig na salitang gusto kong mabigyan ng sagot?

"Shut up kung ayaw mong butasin ko yang ngalangala mo!" Ate Evie yelled.

"Aba't!"

Matagal kaming nag-usap ni ate Evie at kuya Kade patungkol sa buhay naming ni Sammy sa poder ni Falcon. Wala akong naitagong sekreto sa kanila. Para akong nasa interrogation room, ako ang kriminal at sila ang detective dahil sa walang katapusan nilang tanong.

"Wala na ang mga tauhan ni Lord. Ipupuslit namin kayo paalis sa lugar na—."

"Ate naman. Kakasabi ko lang, masaya kami rito ni Sammy. Masaya kaming kasama si Falcon at ang BlackFang. May mga panganib man na dumaan hindi naman kami pinabayaan ni Falcon. He loves me, he loves Sammy. He's a good man ate."

"Per—"

"Evie baby, hayaan mo na si Tuesday. Malaki na s'ya para mag-desisyon para sa kanila ng anak n'ya." saad ni kuya Kade. "Basta kapag may ginawa sa'yong kalokohan o sinaktan ka ng lalaking 'yon ay magsumbong ka lang sa amin, Tuesday. We will help you."

"May tiwala ako sa kanya kuya. Hindi n'ya kami pagbubuhatan ng kamay ng anak ko."

"Huh! Aba dapat lang dahil kung hindi, lagot s'ya sa akin." ani Ate Evie.
"Alam na ba ni Tommy ang patungkol kay Falcon?"

"Nasabi ko na sa kanyang dito kami nakatira ni Sammy pero wala s'yang alam patungkol sa pagiging mafia boss ni Falcon. Kakausapin ko na lang s'ya kapag nakauwi s'ya rito." sagot ko. "Ate, bakit nabanggit ni Prime ang pangalan ng nawawala mong kapatid? Tsaka bakit tinawag kang assassin ni Hiro?"

"Long story and matagal na rin 'yon nangyari so don't stress yourself with that issue."

"Also, what's with you and the BlackFang? Bakit kilala n'yo ang isa't isa?" sunod kong tanong.

"Loooong story." sagot ni kuya Kade saka n'ya inakbayan si ate Evie. Ang sweet talaga nila pero 'yong mga tanong ko wala pa ring sagot.

Since past is past, hindi ko na sila kinulit pa. Hindi naman sa hindi ako interesad na malaman ang totoo. Nakita ko kasi ang halo-halong emosyon sa mga mata ni ate Evie nang magtanong ako. Secretive si ate mula pa noon at alam kong marami s'yang pinagdaan nang humiwalay s'ya sa amin ni kuya Tommy. Ayokong ungkatin 'yon para lang mapunan ang kuryusidad ko.

"Sino nga pala ang nagbabatay kay Evan?" paglilihis ko. Si Evan ang 2 years old nilang anak ni kuya Kade. Na-miss ko tuloy ang baby na 'yon.

"Si Valey ang babysitter n'ya ngayon." sagot ni Ate Evie. Tumayo s'ya at inilibot ang tingin sa loob ng mansyon.

Mafia Lord's Sweet Mistake | COA #2Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon