CHAPTER 19: Hunting

2.3K 61 0
                                    

FALCON

Isang linggo na rin ang nakakalipas nang umalis ako sa mansyon para pumuntang Europe. I lied to Tuesday. Hindi patungkol sa negosyo ko ang inaasikaso ko kundi ang problema kay Cheng. The motherf*cker have the guts to threatened me. Alam na nito na may anak ako kay Tuesday kaya malakas ang loob n'yang pagbantaan ako.

Dalawang linggo na rin ang nakakalipas simula ng padalhan n'ya ako ng mga death threats. Ginagamit n'ya ang mag-ina ko para takutin ako kaya naman sosolusyunan ko na ang problemang 'to bago pa tuluyang lumaki.

Hindi ako natatakot para sa sarili ko, natatakot ako sa maaaring gawin ng tarantadong 'yon sa mag-ina ko.

"Bossing, nandito ang mga taga-Torpedo." anunsyo ni Austin.

"Let them in." saad ko.

Pumasok sa conference room si Donna kasama ang tatlo n'yang underlings na mga babae. Kaalyado ng BlackFang ang Torpedo na pinamumunuan ni Donna. Sila ang nagsusupply sa amin ng mga armas at iba pang mga teknolohiya na magagamit namin sa mga illegal na operasyon.

Bukod 'don, magagaling mangalap ng impormasyon ang grupo ni Donna. Mahuhusay na spy at hacker ang mga tauhan n'ya kaya nagagamit ng BlackFang ang serbisyo nila.

"Yow, Falcon." bati sa akin ni Donna. Tinanggal n'ya ang suot n'yang sunglasses at ipinatong ang isang itim na attache case sa mahabang mesa. Naupo s'ya sa swivel chair at pinag-cross ang hita n'ya bago itulak papunta sa akin ang case na dala n'ya.  "That sum of information I gave you will be worth 50 million my friend."

"20 million lang usapan natin."

"I changed my mind. Bahala ka, baka sabihin ko kay Tuesday na nagsinungaling ka sa kanya. Textmate pa naman kami." banta ni Donna na nagpatiim ng bagang ko.

Witch! Bakit ba hindi ako nadadala sa babaing 'to? Dapat pala ay nagpagawa ako ng written agreement para hindi n'ya ako napipiga ng pera kung kelan n'ya gusto.

"Fine!" Labas sa ilong na anas ko. Nakakainis. Akala n'ya siguro ay tumatae ako ng pera. "Mag-report ka na nang makaalis ka na."

"Oo na." May ibinigay sa kanyang laptop ang tauhan n'ya na kaagad n'ya namang iniharap sa akin.

"So heto na nga, katulad nang nalaman mo sa mga impormante mo ay tuluyan na ngang nagkasundo ang grupo ni Cheng, Sinner at Raven. Si Cheng ang supplier ng mga s*x slave ng dalawang grupo kaya naman kaagad nilang pinagbigyan si Cheng na tulungan ito lalo na nang malaman nilang ikaw ang kalaban ng chino na 'yon."

"Iniisip siguro nila na matatalo nila ako. Kahit magsanib pwersa pa silang tatlo ay wala silang binatbat sa BlackFang."

"I know that, pero kapag nahawakan nila ang mag-ina mo ay doon ka na talo."

"Hindi nila maggagalaw ang pamilya ko. My mansion is heavily guarded with advance security measures. Walang makakapasok 'don ng basta-basta ng hindi ko nalalaman."

"Alam ko, 'wag kang mayabang pero kung galing na sa loob ang kalaban ay 'yon ang mahirap. Katulad na lang ng ginawa ng kapatid mo."

"Sinigurado kong hindi na mauulit ulit ang nangyari noon."

"Good. So anyway, here's the most shocking part. Huminga ka muna nang malalim at baka himatayin ka." Nagsalubong ang makakapal kong kilay dahil sa sinabi ni Donna. Walang duda, magkapatid nga sila ni Charlize, pareho silang sakit sa ulo.

"Spill it!"

"While torturing your beloved cousin-slash-brother to death—"

"You killed him?" pagputol na tanong ko kay Donna.

Mafia Lord's Sweet Mistake | COA #2Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon