"Woah. This factory is huge." komento ni Austin habang tinitingnan mula sa binocular n'ya ang hideout nang nagsanib na grupo na Sinner at Raven. "Pero kahit doblehin pa nila ang laki nito ay wala pa rin itong maibabatbat sa BlackFang." dagdag nito.
"This factory warehouse is owned by Cheng. Suhol n'ya siguro sa dal'wang grupo dahil sa pagkampi nito sa kanya. A**hole. Mga uto-uto ang p*ta." pahayag ni Charlize habang inihahanda ang paborito n'yang pistol.
The whole factory is surrounded by BlackFang. We will ambush them and make sure no one will get out alive, especially Cheng. Hindi matatapos ang gabing 'to nang hindi ko nahahawakan ang ulo n'ya.
Nangako ako kay Tuesday at Sammy na uuwi ako at 'yon ang sisiguraduhin ko.
"Boss!" tawag ng isa kong sniper mula sa communication device na suot ko. "Aaaaa!" sigaw nito bago tuluyang mawala sa kabilang linya. Narinig ko pa ang mga putok ng baril at pagbagsak ng mga sniper ko bago tuluyang mawala ang signal nila.
"They knew!" asik ni Charlize na kaagad na naghanda para sa pagsugod kasama ang iba pa naming tauhan.
Nabaling ang tingin ko sa factory nang biglang mamatay lahat ng mga ilaw na nakapalibot doon. Mukhang may nakahandang welcome party ang mga siraulo para sa amin.
"Oww. Sa tingin ba nila ay makakaligtas sila sa atin kung magtatago sila sa dilim. Hahaha. Utot nila!" pahayag ni Austin na halatang excited na sa mala-COD na gabing 'to.
Sumalakay ang BlackFang palibot sa malawak na factory. Rinig ko ang palitan ng mga bala at mga pagsabog sa iba't ibang parte ng lugar dahil sa sagupaang nangyayari. Masyado ko atang minaliit si Cheng but nevertheless, I'll get what I want tonight and that's the bastard head.
Wala pa akong nagagamit na bala habang naglalakad papalapit sa maaaring kinaroroonan ng target ko. Mga tauhan ko ang lumalaban at sumasalo ng bala para sa akin. I can fight a head to head battle with or without my men, pero buhay na buhay ang dugo ng mga tauhan ko ngayon habang makipagtagisan ng lakas sa mga kalaban. I just let them. Mamaya ay ako naman ang lalaban.
Kaagad kaming nakapasok sa building na maaaring pinagtataguan ni Cheng. Kasama ko si Charlize at lima ko pang tauhan samantalang naging abala si Austin sa pagpapatumba ng mga kalaban sa labas.
Isa-isang tumama ang bala ng baril ko sa noo ng anim na armadong kalalakihan. Sisiw. Tumikhim ako at sumenyas sa mga tauhan ko na mauna. Halatang natigilan ito sa ginawa ko dahil sa sunod-sunod kong pagpapatutok sa iba't ibang direksyon bago pa man nila makalabit ang gatilyo ng sarili nilang mga baril. Minsan lang nila ako makita sa aksyon kaya naman bilib na bilib ang mga ito.
"Clear." saad ng isa kong tauhan na s'yang kasama ko sa ground floor at chinecheck isa-isa ang mga kwarto na nandoon.
"The bastard is not here." ani naman ni Charlize na nasa pangalawang palapag.
"Wala rin dito boss." balita sa akin ng tauhan ko na nasa pangatlong palapag. Nag-igting ang panga ko dahil sa narinig kong balita mula sa ear piece ko. Sinusubukan talaga ni Cheng ang pasensya ko.
We have checked all the rooms and floor but no sign of him. Ito ang ibinigay ng impormate ko na opisina ni Cheng. Natunugan nila ang pagdating namin kaya maaaring nakatakas na ang siraulong iyon. Did my informant betrayed us?
Paano nalaman ni Cheng ang pagdating namin kung ganun? Traitors!
"Boss," Kaagad kong nilapitan ang dalawa kong tauhan na babala sa pagtitipa sa keyboard at monitor na kaharap nila. "Na-hacked na namin ang CCTV nila at ito ang nakita namin."
F*ck! F*ck! F*ck! Napamura ako sa likod ng isip ko nang makita ang malalaking crate na naglalaman ng mga bomba. We need to retreat! Isang malaking hukay ang pinasok ng BlackFang!
Bago ko pa man mabalaan ang mga tauhan ko na umatras ay sunod-sunod na pagsabog ang yumanig sa buong plantation.
Nahihibang na ba si Cheng? Hindi lang ang BlackFang ang papatayin n'ya kundi pati na rin ang mga tauhan n'ya. G*go ang p*ta!
"Pull back! This is an order! Pull back!" sigaw ko sa communication device ko.
"Boss, look."
Pinakita sa akin ng tauhan ko ang video kung saan humarurot paalis ng factory ang tatlong magagarang sasakyan. Isang oras bago kami dumating nang umalis naman ang mga sasakyan nila.
"Where are they going?" tanong ko.
"Sa isang farm house, 1 kilometer from here."
"Okay. Pack up. Evacuate with the others." utos ko sa dalawa kong kasama. Bumaba naman sina Charlize kasama ang tatlo pa.
Saktong paglabas namin nang building ay s'ya ring pagsabog nito. Tumilapon ang katawan ko ilang metro ang layo bago ako bumagsak sa lupa. Napadaing ako dahil sa sakit na idinulot ng nangyari. Hindi naman ako masyadong nagbanat ng buto pero bugbog na kaagad ang katawan ko sa sakit. Tsk. I'm also bleeding.
Mabilis na nilamon ng apoy at mga pagsabog ang paligid. Parang alam ko na ang totoong itsura ng impyerno dahil sa nasasaksihan ko ngayon. The whole factory is burning to the ground.
"Hey," untag sa akin ni Charlize na duguan ang noo. "We need to go."
"I know." Inalalayan n'ya akong tumayo hanggang sa makarating kami sa kotse. "How's our men?" tanong ko. Binunot ko ang bumaon na debri sa balikat ko na kaagad namang tinalian ng panyo ni Charlize para pigilan ang pagsirit ng dugo mula sa sugat.
"Estimate, only 60% of our men survive." sagot nito sa akin. Humarap ako sa manibela at isinara ang katabi kong pinto. "Hoy! Saan ka pupunta? Don't tell me susugod ka mag-isa. 'Wag kan—"
"I need to finish this now, if not, lots of my men will die." Pagputol ko kay Charlize. "Bumalik na kayo sa hideout at gamutin ang mga sugatan." I commanded.
"Per–"
"That's an order Charlize!" asik ko bago ipaharurot ang minamaneho kong sasakyan. Nasa full speed ito dahil ayokong magsayang ng oras. Kating-kati na ang kamay kong pugutan ng ulo ang lalaking 'yon.
Kung mas hinabaan ko pa sana ang pasensya ko at pinagplanuhang mabuti ang lahat ay hindi sana hahatong sa kapalpakan ang gabing 'to. Lot's of my men had died at kapag hindi ko 'to tinapos ngayon ay pamilya ko naman ang isusunod n'ya.
I can't let that happen. I can't.
Mabilis akong napa-preno nang may humarang na dal'wang kotse sa harap ko. Lumabas ang walong lalaki at pinaulanan ako ng bala. My car is bullet proof so I didn't give a f*ck. Inapakan ko ang gas ng kotse ko at sinimulan silang araruhin pero bago pa man ako makalagpas palayo sa kanila ay may malaking truck ang bumangga sa kaliwang gilid ko.
Sa sobrang lakas ng impact ng pagbangga ng truck ay nagpasirko-sirko ang sasakyan ko hanggang sa bumaliktad at mahulog ito sa sakahan na parang tuping lata. Ramdam ko ang sakit ang buo kong katawan at matinding pagkahilo sa nangyari. Para bang may bumibiak sa bunggo ko dahil sa sakit ng ulo ko. I saw lots of blood dripping from my head. I can't even move a muscle.
Gusto kong panatiling bukas ang mga mata ko pero dahil sa matinding panghihina ay tuluyan nang nilamon ng kadiliman ang ulirat ko. I want to keep my promise and return home safe to my Sammy and Tuesday, but looks like I can't keep those words anymore.
For the first time in my life, I feel so weak and useless.
BINABASA MO ANG
Mafia Lord's Sweet Mistake | COA #2
Romance/F I N/ CITY OF ANGELS #2 Tuesday ✖️ Falcon 🥀 There's no other way but to sell her own body. 10 Million in exchange of her virginity. Hindi ang Mafia Lord ng BlackFang ang talagang kliyente ni Tuesday ng gabing iyon pero dahil sa panganib na kinaha...