CHAPTER 15: Missing

1.9K 59 0
                                    

"What the hell Charlize!" Hinawakan ko sa braso si Charlize at kinaladkad s'ya papuntang kusina. "Bakit ganung klaseng damit ang binili mo sa kanya?!"

"Ang sexy n'ya diba? Now I know why you was charmed by her. May itinatago nga  namang ka-sexy-han si Tuesday."

"Palitan mo ang damit n'ya. I don't want her to wear those piece of cloth. Lantad na lantad ang buong likuran n'ya pati na rin ang legs n'ya."

"Tanga! Isang dress lang ang binili ko sa kanya. Tsaka kung sinabi mo kaagad nung una edi hindi ko na sana sinunod ang fashion sense ko." Nagngingitngit ang mga ngipin ko habang ginigilitan na si Charlize sa isip ko. "Malalate na kayo. Umalis na kayo bago pa may sumugod dito na mga tauhan ng dad mo."

Iniwan ko sa kusina si Charlize at tinungo ang kinaroroonan ni Tuesday. Parang mas gusto ko na lang na ikulong s'ya sa kwarto kesa pagpyestahan s'ya ng mga kalalakihan sa party ni dad.

She's too gorgeous tonight.

Ang magagawa ko na lang ngayon ay bantayan s'yang mabuti sa buong gabing nasa mansyon kami ni dad. Umiiral na naman ang pagiging over-protective ko sa kanya. Akala ko ba anak ko lang ang prioridad ko, ano 'tong ginagawa ko ngayon?

HABANG nasa byahe ay ramdam ko ang tensyonadong katawan ni Tuesday sa tabi ko.

"Hey," untag ko sa kanya.

"H-Hey,"

"Scared?"

"O-Oo."

"There's nothing to be scared. Hindi ko na hahayaang pagsalitaan ka ulit ni dad ng masama." I sounded like her overprotective husband even though I'm not.

"And why would you do that?"

Bakit nga ba?

"Ikaw ang ina ng anak ko. Ayoko lang na ma-pressure ka at itakbo na lang palayo sa akin si Sammy dahil sa mga pagbabanta ni dad."

In short, I'm only doing this for the sake of my daughter.
"You'll kill me if I do that."

"Ganun ba ako kasama sa'yo para isipin mo na kahit ikaw ay kaya kong patayin?" I smiled bitterly. Naikuyom ko ang kamao ko dahil sa inis na nararamdaman ko.

"Ano ba dapat?"

"Nevermind. Isipin mo na ang gusto mong isipin sa akin. Wala na akong pakialam."

Hindi ko na namalayan ang halos isang oras na byahe. Pagmulat ko ay nakarating na kami sa mansyon nang ama ko.

"Lil bro, Tuesday!" tawag sa amin ni Fabian. "Stunning." dagdag nito habang nakangiti kay Tuesday. Kaagad kong ipinulupot sa bewang ni Tuesday ang braso ko habang masama ang tingin sa kapatid ko.

Walang pinapalampas na babae ang hunghang na 'to. May asawa man o wala. His a  manwhore at sa unang kita n'ya palang kay Tuesday ay alam ko nang attracted na s'ya physically sa ina ng anak ko. 

"Son."

"Dad,"

"Mabuti at nakarating kayo. Akala ko ay kailangan ko pang magpapunta ng tao sa mansyon mo para kaladkarin kayong dalawa rito." seryosong pahayag nito. Kasama n'ya ngayon ang girlfriend n'yang si Inna na nakalingkis sa braso n'ya. "Tuesday, right?"

"O-Opo."

"Muntik na kitang hindi makilala hija. You look stunning."

"S-Salamat po."

Kahit kaunti lang ang suot na kolorete si Tuesday ay nagawa pa rin ni Charlize na ilabas ang natural nitong ganda.

Hinapit ko papalapit sa akin si Tueday para na rin maalalayan s'ya sa paglalakad n'ya. Halatang hindi s'ya sanay na naka-highheels. Nang makarating kami sa grandhall ay doon ko na nakita ng mga pamilyar at hindi pamilyar na mga mukha ng mga bisita ng ama ko.

Mafia Lord's Sweet Mistake | COA #2Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon