CHAPTER 5: Mafia's Daughter

2.5K 78 1
                                    

"BlackFang, evacuate the place now." utos ko.

"Paano si Cheng? Still no sign of him." pahayag ni Hiro.

"Just goddamn leave this place. Gusto n'yo bang dito sa lugar na 'to matusta?! Austin, Charlize, I have civilian here with me. Abangan n'yo kami sa westside."

"Copy bossing."

Muling kong ibinalik sa mag-ina ang atensyon ko kaya naman nahuli ko ang babae na nakatingin sa akin.

"Your wounded. Let me carry her."

"K-Kaya ko naman." Pagmamatigas n'ya kahit halatang sa mukha n'ya ang iniinda n'yang sakit sa katawan.

"Hindi ko ilalayo sa'yo ang anak mo." Paninigurado ko sa kanya pero umiling s'ya. Matigas talaga ang ulo.

"Tsk. Follow me." Lumabas kami sa kwarto at hinarap ang ilang pang mga tauhan ni Cheng. Hindi naman sila ganun ka-skilled kaya nagawa ko silang patumbahin ng hindi pinagpapawisan. Papalapit na kami sa terrance na kaninang dinaanan ko  ng may humarang sa harap naming duguang babae.

"You b*tch! Look what you did to my beautiful face!" asik ng babae habang galit na galit na nakatitig sa kasama ko. Kaagad kong itinago ang dalawa sa likuran ko nang itapat ng babae ang baril n'ya sa direksyon namin.

Damn it! Bakit ko ba prinoprotektahan ang dalawang 'to? Hindi ko naman sila responsibilidad. For the second time, I risk the mission because of this girl again. Malala na 'to!

Bago pa man makalabit ng babae ang gatilyo ay inunahan ko na s'ya. Bumaon iyon sa noo n'ya na mabilis n'yang ikinamatay. Nang lingunin ko ang dalawa sa likuran ko ay nakita kong nakahandusay na ang babae at hinang-hina na. It's because she's losing so much blood.

"Yakapin mo nang mahigpit ang bata." utos ko sa kanya bago s'ya buhatin kasama si Sammy. Nang makarating sa terrace ay nakita kong nakaabang na sa ibaba sina Austin at Charlize. Sinenyasan ko si Austin na umakyat kaya dali-dali n'ya namang sinunod ang utos ko.

"We only have 3 minutes boss."

"Ingatan mo ang bata kundi ako papatay sa'yo." pagbabanta ko kay Austin na ikinangiwi n'ya. Itinali ko sa katawan n'ya si Sammy at pinauna silang pinababa.

"Hey. Our turn."

"P-Pagod na ako. H-Hindi ko na m-maramdaman ang katawan ko." I wiped her tears before caring her in my arms. She's very weak. We need to get out of here asap.

"Sammy is waiting for you. Don't give up now woman!" Mahigpit ko s'yang pinakapit leeg ko. Habang pababa kaming dalawa ay ramdam ko ang pagluwag ng kamay n'ya sa leeg ko. "Hey. 'Wag mo akong tulugan."

"S-S-Sammy." usal n'ya.

"Yes, and she's waiting for you."

Pagbaba namin ay nakita kong nakaabang na ang kotsing minamaneho ni Prime. Wala pang isang minutong pagdadrive n'ya palayo sa mansyon ay sunod-sunod na pagsabog na ang narinig namin sa mansyon ni Cheng.

Muling umiyak si Sammy dahil siguro sa takot ng sunod-sunod na pagsabog kaya naman kinuha ko s'ya may Charlize. Tinakpan ko ang magkabila n'yang tenga gamit ang kamay ko habang yakap s'ya.

She's too young to experience all of this.

"Bossing, tatay na tatay ka na." saad ni Austin kaya naman sinamaan ko s'ya ng tingin.

"That girl. S'ya ang babaing ikinama mo 4 years ako." Hindi makapaniwalang pahayag ni Charlize.

***

"You told me to drug her so I did." pahayag ni Charlize habang nilalaro sa hita n'ya si Sammy.

It's been a week since we failed the mission but until now, Sammy's mother is still in her deep slumber. Hindi lang pala sa balikat ang tama n'ya ng baril kundi pati na rin sa tagiliran. Hindi s'ya ni-rape pero may mga pasa at galos s'ya sa katawan na patunay na binugbog ito.

Naghanap kami nang kapamilya n'ya na maaaring pag-iwanan kay Sammy pero sa kasamaang palad ay nasa Canada pala ang kuya n'ya kaya wala akong choice kundi ang dalhin ang bata sa puder ko.

"Akala ko ba nakakalimutan n'ya ang mukha ko sa drugang pinainom mo sa kanya pero bakit parang kilala n'ya pa rin ako?"

"Hmm. Nakapagtataka naman na sa kanya lang hindi gumana ang gamot na ginawa ko para sa mga babae mo. Ibig sabihin lang n'yan si destiny na ang may gawa para pagtagpuin ulit kayo."

Destiny? I don't believe in that. Uto-uto lang ang naniniwala sa ganun.

"Falcon, she really looked like you. Hindi kaya nabuntis mo ang babaing 'yon?"

"That can't be."

"Are you sure? Look at her, look at Sammy. Hindi maipagkakailang anak mo ang batang 'to." Nagsalubong ang mga kilay ko dahil sa sinabi ni Charlize. Nang tingnan ko ang batang nakakalong sa kanya ay nakita ko ang sarili ko rito.

No! Hindi ko anak ang batang 'yan! Hindi pa ako handa para maging ama. Pagkagising na pagkagising ng babaing 'yon ay iuuwi ko na sila kung saan man sila nakatira.

Pumasok si Austin at Hiro sa mansyon bitbit ang pinamili nilang gatas, baby diaper at iba pang kakailanganin ni Sammy.

"Baby Sammy, come to tito gwapo!" Austin said playfully. Kinuha n'ya si Sammy at iniangat ito sa ere. Tuwang-tuwa naman ang bata dahil sa ginawa n'ya.

"Nasaan si Prime?" tanong ko kay Hiro.

"Umuwi ng isla n'ya. Alam mo namang binabahay n'ya doon si Elly." sagot nito. "Boss, magkamukhang-magkamukha kayo ni Sammy. Walang dudang anak mo nga s'ya."

"Shut up Hiro. Wala akong anak. Nagkataon lang na pareho kami ng kulay ng mata."

"Stop lying to yourself Falcon. You saw her pregnancy information and Sammy birthdate. Base from my calculation, I'm 100% sure that you impregnate her years ago."

I glared at her but it didn't stop her from throwing verbal punch at me. Wala talagang kinatatakutan ang babaing 'to.

"Ganito na lang, kung ayaw mong panindigan ang pagiging ama mo kay Sammy patayin na lang natin silang mag-ina. I can make painless drug to kill them bot—"

Mabilis kong hinablot ang leeg ni Charlize at iniangat s'ya. I can break her bone in just a snap at kapag hindi ko nagustuhan ang sunod n'yang mga sasabihin ay hindi ako magaalinlangang patayin s'ya kahit pinsan ko pa s'ya.

"M-Mas malala a-at masakit ang dadanasin nila sa k-kamay ng mga k-kaaway mo. Kahit ibalik mo sila sa dati nilang buhay ay sila ang hahabulin ng mga kalaban m-mo Falcon. They will torture or instantly kill them just to get back to you!"

Nakipagsukatan pa sa akin ng tingin si Charlize dahil alam n'yang tama ang mga sinasabi n'ya. Narinig ko ang pag-iyak ni Sammy kaya naman kaagad kong binitiwan si Charlize.

"You saw what happened to her Falcon, at mas malala pa ang sasapitin ng mag-ina mo kapag hindi mo inako ang responsibilidad mo. They are your weakness now. You either take them or kill them." aniya nito bago tuluyang umalis sa harap ko.

Nang tingnan ko si Sammy ay pilit n'ya akong inaabot gamit ang maliliit n'yang kamay. Imbis na kunin s'ya mula kay Austin ay tinalikuran ko ang bata saka nagtungo sa opisina ko. Parang sinasaksak ng sandamakmak na punyal ang puso ko ng marinig kong mas lalong lumakas ang pagiyak nito.

Hindi pa ako handa. Wala sa plano ko ang magkaroon ng anak. Kahit pa sa edad na 33 ay hindi ko pa iniisip na magkaroon ng sariling pamilya. Ang BlackFang ang prioridad ko at hindi pweding ma-distruct ako dahil lang sa mag-inang 'yon.

Marahas akong napahilamos ng mukha bago isandal ang likuran ko sa backrest ng upuan ko.

Should I just kill them? T*ngina mo Falcon! You don't kill innocent, lalo na bata.

Binuksan ko ang folder na naglalaman ng impormasyon patungkol kay Tuesday at sa anak n'yang si Sammy. Tama si Charlize, kahit i-deny ko pa nang i-deny ay walang magbabago sa katotohanang anak ko talaga ang batang 'yon.

"Come in." saad ko nang may kumatok sa pinto ng opisina ko.

"Napagod kakaiyak si Sammy kaya ayon, nakatulog na." Austin said. "Boss, baka ma-trauma ang bata, 'wag na lang natin dalhin dito ang init ng mga ulo natin lalo na sa harap ni Sammy. Anyway, aalis na kami boss."

Hindi na ako umimik hanggang sa makaalis ang tauhan ko. Inabala ko na lang ang sarili ko sa pagpirma at pagbabasa ng mga papeles na nakatambak sa mesa ko. Ngayong nakatakas na naman si Cheng ay mukhang kailangan naming paghandaan ang susunod naming plano lalo na ang posibilidad na mag-backfire ng ginagawa naming  kapalpakan.

NAGISING ako dahil sa ilang maliliit na ingay na narinig ko. Matalas ang pandinig ko kaya naman mabilis akong maging alerto kapag may kahina-hinala akong naririnig. Kinuha ko sa drawer ang baril ko saka lumabas ng opisina. Una kong tinungo ang kwarto ni Sammy na katabi lang nang kwarto ko pero bago pa man ako makapasok sa loob ay bumukas na ang pintong nasa harapan ko.

Napasigaw sa gulat si Tuesday ng makita ako. Buhat-buhat n'ya ngayon ang anak n'ya na naalimpungatan na rin.

"Mama, I yab you." Bulol na saad ni Sammy.

"Hayaan mo na kaming umalis. P-Pangako, hindi na kami magpapakita sa'yo. Lalayo kami ni Sammy. P-Please. Huwag mo lang kaming ipapatay." Pagmamakaawa ng babae. Mukhang narinig n'ya ang mga sinabi ni Charlize kanina.

"M-Mama, huuuuu."

"Sshhh. Ayos lang si mama. 'Wag ng umiiyak." Pag-aalo nito sa anak n'ya...sa anak ko.

"Papayagan ko kayong umalis pero hindi sa ganyang kondisyon mo. Hindi mo mapoprotektahan ang anak mo kung gan'yan naman kahina ang katawan mo." seryosong pahayag ko.

"P-Pero,"

"No buts! Ang ayoko sa lahat ay ang sinusuway ako. You can stay with her but if you try to run away, I will not hesitate to kill you both." pagbabanta ko.

Dahan-dahan tumango sa akin ang babae bago umatras at bumalik sa kama. Sandali ko silang pinanood habang nilalambing at isa't isa. Wala sa sariling napangiti ako. Sh*t! What's happening to me?!

Mafia Lord's Sweet Mistake | COA #2Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon