TUESDAY
"Thank you Benedict."
"You're always welcome, Tue. Do you want me to help you with this stuff inside?"
"No need. Kaya ko naman." pagtanggi ko sa lalaking tumulong sa akin sa pagbubuhat ng mga groceries namin ni Sammy. Kinuha ko sa kanya ang dalawang ecobag at itinabi ito sa gilid ng pinto.
Kapitbahay ko si Benedict sa condominium unit na ibinigay sa amin ni Falcon. Nakilala namin s'ya ni Sammy noong unang lipat namin dito. He seems nice but I know myself, I have a bad judgement. Ayokong pagkatiwalaan s'ya lalo pa't kaming dalawa lang ni Sammy ang magkasama sa bahay.
"You sure?" tanong ni Benedict.
"Yes." tipid kong sagot bago isara ang pinto ng unit.
Lumapit ako kay Sammy at nakitang tulog na tulog s'ya sa stroller n'ya. Mabuti na lang walking distance lang ang grocery store rito at accessible din sa iba pang bilihan kaya hindi na namin kailangang mag-commute kapag may kailangan kami dalawa.
"Huuuu, mama, gusto ko papa." Iyak ng anak ko nang maalimpungatan s'ya dahil sa pagbuhat ko sa kanya. Kinagat ko ang ibaba kong labi para pigilan ang luhang gustong kumawala sa mga mata ko.
She really loves her daddy. Walang araw na hindi n'ya sa akin tinatanong ang papa n'ya kaya naman parang mababasag ang puso ko sa tuwing nagsisinungaling ako sa kanya.
I miss him too. God knows how much I been longing to see him again. Nagawa ko namang maka-survive ng apat na taon na wala s'ya pero bakit ngayon ay parang hirap na hirap ako sa ilang araw na hindi ko s'ya kasama? Tuwing gabi ay hindi ko pa rin mapigilan ang sarili kong umiyak lalo na kapag naaalala ko ang huling pinagtalunan naming dalawa.
Iniisip ko na lang na dala ng injury n'ya ang dahilan kaya nasabi n'yang pagkakamali lang namin si Sammy. Alam kong mahal n'ya ang anak ko at hindi n'ya ito sasaktan sa mga salita n'ya.
"Oww. Akala ko ba mama's girl ka?" paglalambing ko sa anak ko habang nakapatong ang ulo n'ya sa balikat ko. "So my baby is a papa's girl pala.""Papa girl ako mama." she mumble. Mahina akong napatawa. Ang cute talaga ng baby ko. Hinintay ko munang makatulog s'ya sa balikat ko bago s'ya ibaba sa kama.
Paglabas ko sa kwarto ay inayos ko na ang mga pinamili naming mga ingredients and baking materials. Plano ko sanang bumalik bilang saleslady sa mall kaya lang naisip ko ang anak ko. Walang magbabantay sa kanya kaya naman napagdesisyonan kong mag-business na lang at maging stay-homed mom.
Gusto kong i-push ang pagbi-bake ng mga pastries at ibenta 'yon through online. Alam ko namang susustentuhan ni Falcon si Sammy pero ayokong umasa lang sa pera n'ya.
Inihanda ko sa island counter ang mga ingredients para sa gagawin kong birthday cake ni Sammy bukas. Kung magawa ko man ng maayos ang cake ay iyon na ang first bake birthday cake ko.
Alam kaya ni Falcon na bukas na ang birthday ng anak n'ya? I'm sure hindi dahil sa amnesia n'ya. Haist. Kung ganun ay ito ang ika-apat na taon na wala sa birthday celebration ni Sammy si Falcon. Bata pa ang anak ko kaya alam kong hindi magiging bigdeal sa kanya ang hindi pagpapakita ng ama n'ya bukas. Sana nga.ALA SYETE na ng gabi ng matapos ako sa pagdi-decorate ng birthday cake ni Sammy. Halos tatlong oras din ang ginugol ko sa two-tier cake n'ya na may theme na panda. Mabuti na lang at hindi nagising si Sammy kaya dire-diretso ang paggawa ko.
Ibinagsak ko ang katawan ko sa sofa at doon nagpahinga. Nangangalay ang mga balikat at braso ko dahil sa ginawa ko kaya naman ipinikit ko na muna ang mga mata ko para umidlip sandali.
Akala ko ay idlip lang ang aabutin ng pagpikit ko pero inumaga na ako ng gising. Kung hindi pa umiyak si Sammy ng madaling araw ay hindi ako magigising.
"Mama, saan tayo punta?" tanong ng anak ko habang binibihisan ko s'ya. Alas-otso na nang umaga at balak kong ipasyal ang anak ko sa special day n'ya.
"It's your birthday baby. Pupunta tayo sa amusement park at mamasyal tayo."
"Talaga? Punta tayo disneyland?"
"Hahaha. Opo. Pupunta tayo sa low badget disneyland dahil birthday ng baby ko."
"Yehey! Sama si papa ko?" tanong n'ya na nagpabagsak ng mga balikat ko.
"Hindi makakasama si papa dahil may work s'ya."
"Oww." Ngumuso ang anak ko kaya naman binuhat ko s'ya at tinadtad ng halik sa mukha saka kiniliti.
"Mama kiliti ako. Hahahahaha."
"Tara na. Punta tayo sa disneyland."
"Okay!" She beamed in joy.***
Hindi maipaliwanag ang saya sa mukha ni Sammy nang salubungin s'ya ng panda mascot pagdating namin sa park. Kung sinuswerte ka nga naman. Parang birthday party na rin 'to ng anak ko dahil sa theme ng park ngayon. Nagkalat ang mga panda stuffs sa paligid na ikinatuwa ni Sammy.
"Baby, anong gusto mong unang gawin natin?" tanong ko kay Sammy nang maibaba s'ya ng mascot na kanina n'ya pa pinanggigigilan.
"Gusto ko bili mo ako nun mama." turo n'ya sa panda balloon. "Tapos sakay tayo madaming rides."
"Roger that!" sagot ko habang nakasaludo sa kanya. Humagikgik si Sammy at yumakap sa hita ko.
Ang bilis talaga ng panahon. 4 years old na ang baby ko at mamamalayan ko na lang na dalaga na s'ya. Papa God, huwag naman po masyadong mabilis. Gusto ko pang ihele ang anak ko gabi-gabi at buhatin s'ya sa tuwing umiiyak o nag-iinarte s'ya.
Iba't ibang rides ang sinubukan namin ni Sammy. Walang kapaguran ang anak ko sa pagturo ng mga gusto n'yang subukan kaya naman pinagbigyan ko s'ya kahit ako ay hapong-hapo na sa sobrang kapaguran.
"Mama oh! May big panda." She giggled while pointing the airhot ballon. Malaking ulo iyon ng panda kaya naman walang tigil sa pagpalakpak at pagtalon si Sammy. Bumitaw s'ya sa pagkakaawak ko at kumaripas ng takbo. Akala n'ya siguro ay mahahabol n'ya sa ere ang airhot balloon.
"Sammy!" tawag ko sa kanya pero tuloy lang s'ya sa pagtakbo at nagsumiksik pa sa mga nagkukumpulang mga tao. "Sammy!" sigaw ko ulit ng hindi ko na makita ng anak ko.
Napamura ako sa likod ng isip ko kasabay ng kabang unti-unting sumasakop sa sistema ko.
"Sammy!" Marahas kong pinunsan ang ilang butil ng luha na tumulo sa pisngi ko. Hindi ko mapapatawad ang sarili ko kapag may nangyaring masama sa anak ko. Jusko! Birthday pa naman n'ya ngayon paano kon–."
Bago ko pa maituloy ang pag-iisip ko ng mga kung ano-ano ay nahagip ng mga mata ko si Sammy na nakaupo sa isang bench habang kumakain ng hawak n'yang ice cream.
"Sammy!" sigaw ko kaya napaangat s'ya ng tingin sa akin. Nawala ang ngiti n'ya sa labi dahil sa galit na nakabakas sa mukha ko.
"M-Mama."
"Bakit hindi mo ako hinintay?! Paano na lang kung may nangyaring masama sa'yo ha?! Sammy naman! Muntik na akong magkaroon ng sakit sa puso dahil sa ginawa mo! Tinakot mo ako!"
Isang malakas na palahaw ang pinakawalan ni Sammy dahil sa ginawa ko. Biglang nanlambot ang puso ko nang makita ang pag-iyak n'ya. Tumalon s'ya pababa sa bench at akmang yayakapin ko na sana s'ya nang lampasan n'ya ako.
"Papa. Bad mama. Huhuhu. Bad." Iyak ni Sammy."Mama didn't mean to shout at you. It's okay baby."
Dahan-dahan akong napalingon nang marinig ang boses na 'yon ng lalaki. Para na namang tinatambol ang puso ko nang makita ang gwapong mukha ni Falcon sa harap ko. Gusto kong lumapit sa kanya at yakapin s'ya pero hindi pwede dahil hindi na kagaya ng dati ang nararamdaman n'ya sa akin.
Nakakatawang isipin na nagpauto pa ako sa kasabihan na nabasa ko na, 'The minds forgets but the heart always remember.' Ginawa ko ang lahat para maalala ako ng puso n'ya pero sa huli ay wala ring kwenta ang lahat. Maybe becuase he doesn't love me, he just need or want something from me.
"A-Anong ginagawa mo rito?" kabadong tanong ko pero hindi n'ya ako pinansin. Inaalo n'ya ang umiiyak n'yang anak at para bang hangin lang ako sa tabi nila. Hindi ko mapigilang masaktan. Hindi lang si Falcon ay may ayaw sa akin kundi pati na rin ang anak ko ngayon.
"Sammy," malambing kong tawag sa anak ko pero tinalikuran n'ya ako at yumakap sa leeg ng ama n'ya.
"Hayaan mo muna s'ya. Hindi mo naman kasi kailangang sigawan ang bata." malamig na pahayag ni Falcon habang marahang hinahaplos ang likuran ni Sammy. Pakiramdam ko tuloy ay pinagtutulungan nila akong mag-ama. Mabilis akong umiwas ng tingin sa kanya at kinalma ang sarili ko."N-Natakot lang naman ako sa ginawa n'ya. Iuwi mo na lang sa bahay si Sammy kapag tapos na kayong mamasyal. Babalik na muna ako sa bahay." paalam ko. Lumapit ako kay Sammy at hinalikan ang ulo n'ya.
"Aalis ka?" kunot-noong tanong ni Falcon.
"Oo para naman magkapag-bonding kayo ni Sammy. Miss na miss ka na n'ya kaya sulitin mo ang araw na 'to dahil ito ang unang beses na kasama ka n'ya sa birthday n'ya." pahayag ko. Miss na miss na rin kita pero alam kong si Sammy lang naman ang importante sa'yo.
Kaagad ko silang tinalikuran at naglakad papalayo sa kanila. Tuluyan nang bumagsak ang mga luhang kanina ko pa pinipigilan. Masaya ako para sa anak ko pero nagluluksa ako para sa puso kong bugbog sarado na naman.
I need to accept the fact that Falcon doesn't care about me. Okay na 'yon kesa naman pabayaan n'ya ang anak n'ya. I should be happy for my baby. Tama! Para kay Sammy ay magiging masaya ako.
BINABASA MO ANG
Mafia Lord's Sweet Mistake | COA #2
Lãng mạn/F I N/ CITY OF ANGELS #2 Tuesday ✖️ Falcon 🥀 There's no other way but to sell her own body. 10 Million in exchange of her virginity. Hindi ang Mafia Lord ng BlackFang ang talagang kliyente ni Tuesday ng gabing iyon pero dahil sa panganib na kinaha...