"Who?"
"Richard." narinig kong sagot ni Prime. "Si kuya Richard." pag-uulit nito.
"I can't believe he betrayed me."
"Anong gagawin natin sa kanya?" tanong ni Prime.
"Torture him till he confess the name of the mastermind. Kung ayaw n'ya talaga, just kill him."
Napaatras ako dahil sa narinig ko. Para bang ang dali na lang sa kanyang sabihin at ipagawa ang bagay na 'yon. Kaagad kung pinuntahan si Sammy na naglalaro sa sala at binuhat ito.
"Saan po tayo punta mama?" tanong ni Sammy sa akin.
"Maglalakad-lakad lang anak." sagot ko saka ko s'ya ibinaba. Tumakbo s'ya papunta sa malawak na garden kaya naman sumunod ako sa kanya.
Si Falcon, naguguluhan ako, bakit kailangan n'yang pumatay?
Magagawa n'ya rin ba akong ipapatay kapag itinakbo ko palayo sa kanya si Sammy? Kaya ba hindi s'ya natatakot sa nga banta ko na kayang kong ilayo sa kanya ang anak dahil may kapangyarihan s'yang pigilan at ipapatay ako?
Ayoko ng ganitong uri ng buhay para sa anak ko.
Sino ka ba talaga Falcon? Anong uri ba ng organisasyon ang BlackFang?
"Ma'am, ang lalim ng iniisip natin ah." Napalingon ako sa lalaking nagsalita sa likuran ko. Si manong. Hindi ko pa pala naitatanong sa kanya ang pangalan n'ya."Ang ganda lang po kasi ng garden. Kayo po ba ang nagtanim ng mga bulaklak dito?" tanong ko.
Ang daming iba't ibang uri ng bulaklak sa garden at makukulay na mga paru-paru. Nakakatuwa at napakaaliwalas nitong tingnan. Halatang alagang-alaga ito.
"Oo hija. 40 years na akong nagtatrabaho rito sa mansyon at simula nun ay ako na ang nagtanim dito para mabigyang kulay ang mansyon ni bossing. Si Sir Elijah pa ang nakatira noon dito bago mapasakamay ni Boss Falcon ang mansyon."
"Kung ganun po ay si Sir Elijah talaga ang orihinal mong amo?"
"Oo s'ya nga."
"Simula ng mamatay ang asawa ni Sir Elijah na si Madam Betina ay umalis na s'ya rito sa mansyon. Ipinamana n'ya ito kay Boss Falcon at sobrang pasasalamat ko dahil hindi ako tinanggal ni young master dito."
"Ano po ba ang una n'yong trabaho rito?"
"Chef ako ng pamilya nila."
"Wow. Kung ganun ay masarap po pala kayong magluto."
"Aba'y oo neng. Heto, may niluto akong kakanin. Meryenda ko sana mamaya pero gusto kong ipatikim sa'yo para maniwala ka sa kakayahan ko."
Binuksan ni Kuya ang dala n'yang maliit na tupperware. Kumuha ako ng bilog na kakanin, sa tingin palang ay parang masarap na. Isusubo ko na sana ito nang may humawak sa pulso ko. Si Falcon. Kinuha n'ya mula sa kamay ko ang kakanin at itinapon ito sa malayo.
"Ba't mo ginawa 'yon!" inis kong sigaw sa kanya.
"Kuya Richard, samahan n'yo po muna ako." aya ni Prime sa matandang kaharap ko.
Richard? S'ya ang lalaking pinag-uusapan kanina ni Falcon at Prime na ipapa-torture nila at papatayin.
"H-Hindi," bulong ko. Unti-unting nanlabo ang mga mata ko dahil sa mga luhang nag-unahang dumaloy sa pisngi ko. Hahabulin ko na sana sila Prime ng may mahigpit na kamay ang humigit sa braso ko. "Ano ba! Bitawan mo ako!" asik ko kay Falcon.
Hindi ko alam kung saan ko nakuha ang lakas ng loob para sigawan s'ya pero hindi ko 'yon pinagsisisihan.
"D-Demonyo ka."
"Papa, huuuu." Bago pa man mahawak ni Falcon si Sammy ay mabilis kong inilayo sa kanya ang anak ko."H-Huwag ka munang lalapit sa amin ng anak ko." saad ko bago s'ya talikuran.
Hindi ko masikmurang titigan ngayon si Falcon. Kung ano man ang dahilan n'ya ay hindi pa rin katanggap-tanggap na ipa-torture o ipapatay n'ya ang matanda. Alam kong hindi ko pa ganun kakilala si kuya Richard pero ramdam kong mabuti s'yang tao.
"Sshhh. Tahan na." pag-aalo ko kay Sammy na umiiyak na sa bisig ko. "Hindi galit si mama baby."
Ini-lock ko ang pinto ng kwarto namin para hindi makapasok si Falcon. Nanatili lang kami sa loob ni Sammy. Kahit gusto ng anak ko na lumabas ay hindi ko s'ya hinayaan. Gusto ko lang na ilayo s'ya sa bayolente n'yang ama. Hindi man n'ya kami sinasaktan ngayon ay kaya naman nitong magpakademonyo sa iba.***
Nagpahatid na lang ako kay Austin ng pagkain sa kwarto. Hangggang sa sumapit ang gabi ay hindi talaga kami lumabas ng anak ko.
"Bakit ayaw n'yong kumain sa baba?" takang tanong ni Austin. "Nag-away ba kayo ni bossing?" sunod n'yang tanong."Ayoko lang sa ugaling nadidiskobre ko sa kanya."
"Ano bang nalaman mong ugali n'ya na ikina-turn off mo?"
Hindi ako umimik. Sinubuan ko lang ang anak ko habang abala ito sa panonoond ng tv."Mabait si bossing. Mas mabuting kilalanin mo muna s'ya bago ka lumayo sa kanya at husgahan s'ya. Iyon lang ang masasabi ko."
"Ano ba talaga ang meron sa BlackFang?" pagiiba ko ng tanong. Iyon muna ang gusto kong malaman at maintindihan.
"Si bossing na ang sasagot n'yan sa'yo. Ayokong pangunahan s'yang ipaliwanag sa'yo ang meron sa grupo namin." pahayag ni Austin bago s'ya magpaalam na uuwi na rin.HINDI ko alam kung matalinong desisyon ang paglabas ng bahay ng hatinggabi at puntahan ang lugar na nabanggit noon sa akin ni Fabian. Gusto kong malaman kung anong meron sa northside ng masyon. Alam kong napahamak na ako sa paglabas ko ng gan'tong oras pero na ku-curious talaga ako.
Baka sakaling may makuha akong sagot patungkol sa BlackFang sa lugar na 'yon.
"Ito na siguro 'yon." bulong ko sa sarili ko habang nakatago sa isang sulok.
Nagkalat na ang mga bantay sa paligid ng northside. Hiwalay na building iyon sa mansyon ni Falcon at sa unang tingin palang ay mahahalata mo nang may kakaiba silang ginagawa sa loob. Itim ang pintura ng gusali kaya para itong naka-camouflage sa dilim.
Paano ba ako makakapuslit sa loob kung gan'to naman kahigpit ang mga bantay rito?
Ang eerie ng buong paligid. Siguro ay dahil napapalibutan ang lugar ng mga kakahuyan. Natatakot ako pero ginusto ko naman 'to kaya hindi dapat ako nag-iinarte.
"Ahhmp!" Impit na sigaw ko nang may kamay na nagtakip sa bibig ko. Buong lakas ko namang pinilit na alisin ang kamay n'ya sa bibig ko pero hindi pa rin s'ya natinag na kaladkarin ako paatras bago n'ya ako itulak sa pader.
"What are you doing here Tuesday! Hindi ba dapat natutulog ka na ngayon!" galit na galit na sigaw ni Falcon sa akin. "Kung hindi kita nakita ay baka pinaputukan ka na ng mga tauhan ko dahil para kang espiya sa pinagtataguan mo kanina! This is not a safe place for you!" dagdag n'ya.
Kahit madilim sa parte namin ay kitang-kita ko pa rin ang galit na galit n'yang mukha at ang paglabas ng ugat n'ya sa leeg sa sobrang pagkainis sa akin.
"Paano mo nalaman ang lugar na 'to? Did someone told you about this place?"
"A-Anong meron sa building na 'yon F-Falcon. Gusto kong malaman ang tinatago mo sa lugar na 'yon."
"Wala kang pakialam kung ano man ang itinatago ko 'ron! You're an outsider, hindi ka miyembro ng BlackFang para pumasok 'don! Bumalik ka na!" pagtataboy n'ya sa akin. Hindi ko mapigilang masaktan. Hindi ko dapat 'to nararamdaman pero bakit ang sakit sa parte ko ang ginagawa n'ya.
"Naguguluhan na ako. Ano ba talaga ang meron sa BlackFang? Pwede bang sagutin n'yo na ang tanong ko!" pagmamatigas ko na mas lalong nagpatalim ng tingin ni Falcon sa akin."Hindi mo magugustuhan ang maririnig mo kaya mas mabuting 'wag ka nang magtanong."
"Paano ba maging miyembro ng grupo mo? Sign me up! Kung 'yon lang ang tanging paraan para nalaman ko kung ano ang itinatago mo ay sasali na lang ako sa inyo."
He looked at me with disbelief. Para bang may sinabi akong hindi katanggap-tanggap sa pandinig n'ya.
"Gusto mo ba talagang malaman?" tanong n'ya.
"O-Oo." madiing saad ko.
Hinuli n'ya ang pulso ko at hinila ako papunta sa black building. Kumabog ng malakas ang puso ko sa matinding kaba dahil sa tinging ipinukol sa akin ng mga bantay. Pagpasok sa loob ay kaunting ilaw lang ang nagbibigay sa amin ng liwanag. Nagtitipid ba sila sa kuryente?
Habang palayo kami nang palayo sa malaking pinto na pinasukan namin ay palakas din nang palakas ang sigaw ng isang lalaki. Humihiyaw ito dahil sa matinding sakit.
"Tsk. They didn't close the door again." Narinig kong bulong ni Falcon. Pumasok kami sa isang pinto at laking gulat ko nang makita si Austin, Hiro at Charlize sa loob"Hindi n'yo na naman inayos ang pagkakasara ng pinto sa underground!" asik ni Falcon. Nagmadali naman si Hiro sa pagpindot sa keyboard n'ya bago mag-thumbs up kay Falcon.
"Bakit mo s'ya dinala rito Falcon?" tanong ni Charlize. "She shouldn't be here."
"Nagpumilit s'ya."
Nabaling ang tingin ko sa malaking monitor. Madami pang mga monitor sa loob ng kwarto pero sa isang imahe lang napako ang tingin ko. Napatakip ako ng bibig ng makita ko sa monitor ang duguang katawan ni kuya Richard habang nakagapos ang dalawang kamay nito pader.
"A-Anong ginawa n-n'yo sa kanya?" garalgal ang boses kong tanong sa kanila.
"We admit that we're not saint Tuesday. We're a monster. Isipin mo na ang gusto mong isipin sa amin pero traydor sa grupo ang lalaking 'yan. Dalawang beses n'yang pinagtangkaan ang buhay mo kaya nand'yan s'ya ngayon."
"What do you mean?" tanong ko kay Charlize.
"S'ya ang lalaking tumulak sa'yo sa pool." sagot ni Hiro.
"P-Pero hindi naman tama na gan'to ang gawin n'yo. T-Tsaka isang beses n'ya lang nama—."
"He tried to poison you. Remember the rice cake he gave you earlier? May lason 'yon at isang kagat mo lang nun ay siguradong 6ft. below the ground bagsak mo." pagputol sa akin ni Charlize.
Hindi ako makapaniwala sa mga naririnig ko. Hindi lang pala isang beses pinagtangkaan ni kuya Richard ang buhay ko kundi dal'wa. Pero bakit? Bakit n'ya nagawa ang bagay na 'yon?
BINABASA MO ANG
Mafia Lord's Sweet Mistake | COA #2
Romansa/F I N/ CITY OF ANGELS #2 Tuesday ✖️ Falcon 🥀 There's no other way but to sell her own body. 10 Million in exchange of her virginity. Hindi ang Mafia Lord ng BlackFang ang talagang kliyente ni Tuesday ng gabing iyon pero dahil sa panganib na kinaha...