CHAPTER 4: BlackFang Lord

2.5K 89 1
                                    

FALCON

"Bossing! W-We found Cheng!" Hiro exclaimed while panting. I gave him a death glare for entering my office without permission. "S-Sorry boss." Lumabas ulit ito at kumatok sa pinto ng opisina ko bago muling pumasok.

"Where is he?" I asked. Idiniin ko sa ceramic ashtray ang sigarilyo ko bago ibaling ang tingin kay Hiro. Mayamaya pa ay pumasok na rin si Prime, Austin at Charlize.

"After 4 years of hunting! Sa wakas." ani Austin.

"It's not our fault. Nang babae kasi muna ang isa d'yan bago unahin ang misyon." Mataray na pahayag ni Charlize na halatang ako ang pinatatamaan.

"Say it to my face Charlize." I said with my baritone voice. Kinuha ko ang nakapatong na punyal sa mesa para ako na mismo ang pumutol sa dila ng lapastangan kong tauhan. Lalapit na sana sa akin ang babae nang akbayan s'ya ni Austin at takpan ng bibig nito.

"Boss, don't mine her— Ackk! Tomboy!" asik ni Austin nang sikuhin s'ya sa tagiliran ni Charlize. Damn this dimwits!

"Can we talk about Cheng. We need to be serious about this motherf*cker." pagsingit ni Prime. S'ya lang ata ang matino sa lahat ng mga tauhan ko. "Boss, namataan nang isang intel natin si Cheng sa isang mall kahapon. Meron itong kasamang babae na ipinag-shopping pa nito." dagdag ni Prime.

"Aba matindi!" komento ni Charlize. "Nagawa n'ya pang makipagdate. For sure, chinachop-chop n'ya na ngayon ang katawan ng babaing 'yon para ilagay sa mga collection n'ya.

Cheng Barbosa is a brutal serial killer and leader of a syndicate. Aside from s*x trafficking, they also sell bodyparts of his young victims. Most likely, young woman and children are his targets. He killed 3 of my associates 4 years ago.

We're not here to stop his evildoing or take revenge for my men, what we want is his head. Bukod sa malaki ang nakapatong na halaga sa ulo ni Cheng ay gusto rin namin magamit ang reward na 'yon para makuha ang tiwala ng ministries sa state for our expansion, not just for my business but for my power as a mafia lord.

BlackFang own legal business like insurance, manufacturing, shipping, tech , and other kind of companies. Para mas mapabilis ang expansion ay doon na pumapasok ang mga illegal activities ng organization. Kung kailangan namin pumatay para sa ikabubuti ng BlackFang ay gagawin namin. After all, BlackFang is not just an organization, it's our family.

"Cheng bought hacienda 3 years ago using the name of Barbara Malwani. Sa loob ng tatlong taon doon lang pala s'ya nagtatago at gumagawa ng mga kawalanghiyaan n'ya." pahayag ni Hiro.

"Weird. Bakit hindi s'ya umalis ng bansa kung alam naman n'yang wanted din s'ya rito?" tanong ni Austin.

"Siguro dahil mas marami ang uto-uto rito kesa sa ibang bansa." sagot ni Charlize.

"Wrong. His looking for someone." pahayag ni Prime.

"How can you be so sure?" tanong ni Hiro.

"Hunch." tipid na sagot ni Prime.

"Oww. I know why you know, ganun din ang gagawin mo kung mawala si Elly sa paningin mo. You'll searh for her but never leave the same area where you met her." Nakangising pahayag ni Hiro kaya naman kaagad s'yang nakatanggap ng matalim na tingin mula kay Prime.

"Tomorrow night we'll extract Cheng in his own territory." pahayag ko. "Either dead or alive." I added.

"Copy boss."

Nagsimula nang maglakad ang apat palabas ng opisina ko pero tumigil si Charlize at muling humarap sa akin.

"Ikaw Falcon, gusto mo rin bang hanapin ang babaing ikinama mo na mas inuna mo pa sa misyon natin 4 years ago?" tanong ni Charlize. May mapangasar na ngiti sa labi n'ya kaya naman mabilis kong ibinato sa kanya ang punyal na kaagad n'yang nasalo. "Sus. Hindi mo ako madadaan sa mga pananakot mo. Alam kong madami ka nang naikamang babae pero isa lang ang naging espesyal sa mga 'yon and it was the girl you met in the Red hotel."

Special? Huh. Alam n'ya ba ang sinasabi n'ya? Walang sino mang babae ang makakakuha ng sa interes ko. Kahit reyna o prinsesa pa 'yan ng monarchy ay hanggang kama lang sila para sa akin.

"Get out Charlize."

"Tsk." Inirapan n'ya muna ako bago tuluyang umalis ng opisina ko.

What happened 4 years ago was just a one-night stand. Hindi iyon big deal sa akin dahil hindi lang naman s'ya ang babaing naikama kong birhen.

"KATULAD nga ng inaasahan. Madaming tauhan si Cheng na nakakalat sa teritoryo n'ya." pahayag ni Prime na s'yang kasama ko ngayon sa loob ng kotse habang hawak ang binocular n'ya.

"I'm in position boss." pahagay ni Hiro mula sa communication device. S'ya ang lead sniper kasama ang iba ko pang tauhan.

"I'm also in position." saad naman ni Austin na unang papasok sa teritoryo ni Cheng kasama si Charlize at ang iba pa.

Hindi kami pupweding pumalpak ulit. Kapag dumulas ulit sa mga kamay namin si Cheng ay siguradong hindi lang s'ya ang makakalaban namin sa susunod. Maraming kaalyado ang demonyong 'yon, hindi naman sa natatakot akong harapin ang iba n'ya pang mga kakampi pero malaki ang posibilidad na mapahamak ang buong organinsasyon kapag nangyari 'yon. Delikado ang mga koneksyon mayroon si Cheng kaya dapat kong makuha ang ulo n'ya ngayong gabing 'to.

"At exactly 2200, we'll advance."

"Copy boss." — Hiro.

"Oh yeah. Bakbakan na naman." — Austin.

"Haist. Sira na naman beauty sleep ko." — Charlize.

"This will be a long night." Prime said and lit his cigarette.

Mula sa communication device na nasa tenga ko ay rinig ko ang paggalaw ng mga tauhan ko. They're on the move.

"No eyes in the target boss." — Hiro.

"Stop chewing your bubblegum Hiro! Nakakairita sa tenga!" reklamo ni Austine.

"Hey. Going in." — Charlize.

"Ground floor, clear." — Austine. "Papunta ako sa basement. Ikaw nang bahala sa pangalawa at pangatlong palabag Charlize."

"I know."

While listening to them, I heard someone...may umiiyak na bata?

"Charlize, naririnig mo ba 'yon?"

"Oo. Mukhang may bata ri— sh*t!" sigaw ni Charlize. Sunod-sunod na putok nang baril ang umalingawngaw sa kinaroroonan ni Charlize.

"Oh my! Ang dami nila rito paakyat sa 3rd floor! I need f*cking backup!" sigaw ni Charlize habang wala pa ring tigil sa pagpapatutok ng baril n'ya.

"Pupuntahan kit—."

"No, stay in your position Austin! Prime and I will be heading to Charlize." I commanded. Bumaling ako kay Prime na nag-aayos na nang baril n'ya habang kagat ang sigarilyo n'ya.

"Boss, you can use the exit stair at the westside of the mansion papuntang 3rd floor. Wala nang nakabantay sa parteng 'yon." pahayag ni Hiro.

"I'll be heading straight to the 3rd floor. Puntahan mo si Charlize at tulungan s'ya." utos ko kay Prime kaya tumango naman ito.

Lahat ng mga lumalapit sa aking tauhan ni Cheng ay bumabagsak sa harap ko dahil sa sniping skill ni Hiro. Walang kahirap-hirap kong naakyat ang pangatlong palapag ng bahay. Pagtungtong ko palang 'don ay ang malakas na iyak na ng bata ang narinig ko.

Using my M9A3 gun I silence Cheng's men by blowing their heads off. The child's scream is desperate so I immediately followed her voice. Nakita ko itong mag-isa sa loob nang madilim na kwarto at wala pa ring tigil sa pagngawa. She must be really scared. May nagtulak sa akin na buhatin s'ya kaya naman 'yon ang ginawa ko. Nagulat ako dahil katulad ng mga ko ang kulay ng mga mata ng batang babaing buhat-buhat ko.

Kaninong anak 'to? Imposible namang anak 'to ni Cheng dahil infertile ang g*gong 'yon according na rin sa report na nakuha ng tauhan ko.

"Huwaaaaa! Asan mama koooo! Huwaaaa!" Hinaplos ko ang likuran nito nang yumakap s'ya leeg ko.

F*ck! Hindi kasama sa misyong ko ang magpatahan ng bata. But I can't leave her here. At the first place, it's too dangerous for her to be here.

Nasaan na ba ang ina nang batang 'to!

Mabilis kong itinutok ang hawak kong baril sa taong nagbukas ng pinto. Isang duguang babae na may hawak na baril ang bumulaga sa harap ko. Her eyes in rage but at the same time, she's in pain...wait, this girl.

"Ibalik mo sa akin ang anak ko!" sigaw n'ya. Nanginginig ang kamay nito habang hawak ang baril.

"Mama! Mama!" Ngawa ng bata habang pilit na inaabot nang maliliit n'yang braso ang duguang babae.

"I'm not going to hurt her. Ibaba mo ang baril mo." utos ko sa babae pero umiling s'ya.

"H-Hindi ko hahayaang kunin n'yo ulit sa akin ang anak! Sa akin na ang anak ko!"

Ang tigas ng ulo!

"Calm down miss. I told you I'm not going to hurt her." Ibinaba ko ang pagkakatutok kong baril sa kanya. Hindi ko akalaing sa lugar na pa kami magkikita.

Isa rin ba s'ya sa mga babae ni Cheng?

"Boss, we have a problem. May sampung minuto na lang tayo para lisanin ang lugar na 'to. This place is going to explode. Puno nang bomba ang basement ni Cheng." pahayag ni Austin.

"Parang awa mo na. I-Ibigay mo sa akin ang baby ko." Hagulgol nito.

"What's her name?" tanong ko habang inaalo ang bata sa bisig ko.

"S-Sammy."

Sammy? Beautiful name.

Nagsimula akong maglakad papalapit sa babae. From what I can see, she must be one of Cheng's captive. Mabilis kong inagaw ang baril na hawak n'ya na wala naman palang lamang bala.

"You've been shot." kunot-noong saad ko nang makita ang patuloy na pagdurugo ng balikat n'ya. Hindi n'ya pinansin ang sinabi ko at kaagad na kinuha mula sa akin ang anak n'ya.

She cried while kissing her daughter's face. Para bang wala s'yang pakialam sa mga sugat n'ya.

"Nandito na si mama. Thank God your safe. I love you baby ko."

May kung anong humaplos sa dibdib ko nang makita ko ang dalawa na yakap ang isa't isa at umiiyak. Nang magtama ang paningin namin ng babae ay bumilog ang mga mata n'ya na parang gulat-gulat nang makita ako...or should I say, when she saw my eyes.

Naaalala n'ya ako?

Mafia Lord's Sweet Mistake | COA #2Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon