CHAPTER 23: Witnessing Hell

1.8K 52 0
                                    

FALCON

What is that smell? Unti-unting nagising ang kamalayan ko nang malanghap ang makakasulasok na amoy sa paligid. Nang buksan ko ang mga mata ko ay doon ko nakita ang mga nangyayari sa kapaligiran ko.

Nasa impyerno na ba ako? - pagak akong napatawa dahil sa tanong ko. Nasa isang malawak na kwarto ako...kami. Hindi pala ako mag-isa. Madami kami ngayon na sa estimate ko ay nasa 30 to 50 katao.

"Aaaaaaaaa!" sigaw ng mga lalaking nakagapos sa hiwa-hiwalay na poste. Kitang-kita ko kung paano lamunin ng apoy ang mga ito mula sa kinatatayuan nila. They are shouting, begging and in enormous pain while burning to death.

Ang iba ay patay na habang ang iba naman ay patuloy pa ring nasusunog sa harapan ko. Ngayon ay alam ko na kung ano ang nangyayari sa impyerno. I'm witnessing the torments of hell myself.

Nang magawa kong maigalaw ang ulo ko ay doon ko nakitang katulad din pala ako ng mga kalalakihang nakagapos ngayon sa poste. Ang pinagkaiba lang ay nasa isang stage ako habang nakaharap ako sa kanila. I must be very special then. F*ck! My head hurts.

"B-B-Boss," tawag ng isang lalaki sa kaliwang gilid ko. Nang makita ko ang tattoo n'ya sa kaliwang dibdib ay doon ko nalaman na tauhan ko s'ya. All of them..they are all my men.

"B-B-Boss, a-a-ayoko pang m-mamatay parang awa mo na i-iligtas mo kami." Hagulgol ng isa.

"B-Boss!"

Puno nang pagmamakaawang tawag sa akin ng mga tauhan ko. The last 4 rows are now burning to the ground and we still have 5 remaining rows...to burn. Gustuhin ko man na iligtas silang lahat ay wala rin akong lakas para gawin 'yon sa sarili ko. Both of my hands are chained and I can't even move my legs to stand up.

Himala nga dahil buhay pa rin ako hanggang ngayon. Ganun naman talaga kapag masasamang damu, matagal mamatay. I should thank my dad for raising me like this.

"Aba! Buhay ka pa rin pala. Hahaha! Susunugin na sana kita dahil akala ko ay hindi ka na magigising pa. So, how's your sleep Lord Fang?" Mapang-uyam na tanong ni Cheng sa akin. Ibinagsak ko ang tingin ko sa sahig dahil sa patuloy na panghihina nang katawan ko.

My body is injured and exhausted. My head hurts. Haist! T*ngina lang. I don't think kakayanin pa nang katawan ko na magtagal pa ng ilang araw rito sa impyerno.

"You've been out for straight 3 days. Bakit hinanghina ka pa rin? Akala ko pa naman ay makakapaglaro tayong dalawa." Dismayadong pahayag ng siraulo. "Nakita mo na ba ang surprise ko sa'yo? Kung oo, tingnan mo ulit."

Inakbayan ako ni Cheng at hinawakan ang ulo ko. Napadaing ako dahil sa mahigpit n'yang paghawak sa buhok kaya ramdam ko ang pagkirot ng sugat ko sa ulo.

"They are your underlings. Gusto ko sana na mag-ina mo ang nakikita kong nasusunog ngayon dito pero dahil wala sila ay mga tauhan mo na lang muna. Anong nararamdaman mo Lord Falcon? Nakakaramdam ka ba ng pagkaawa sa kanila?"

Hindi ako sumagot. Nanatiling nakapako ang nanlalabo kong mga mata sa mga natitira kong tauhan habang sinisilaban sila ng mga tauhan ni Cheng. Kasabay ng mga pagsigaw nila habang nasusunog sa harap ko ay ang pagdagdag ng matinding sakit ng katawan at ulo ko.

"Look at them Falcon. Gan'yan ang sasapitin ng pamilya mo at mga taong malalapit sa'yo. Kung gusto mo na makita pa sila ay kailangan mong manatiling buhay."

"F-F*ck y—"

"Jeez. Let me talk first. So here's the plan, I'm going to get them for you. Hindi ba ang bait ko? Bago kayo sabay-sabay na mamatay ay magkakaroon muna kaya ng family reunion."

'P*tangina mo! Kapag namatay ako ha-hunting-in kitang tarantado ko. I'll rip your body piece by piece. Slowly but painfully.' - Kung hindi lang talaga ako hinanghina ngayon ay baka isinigaw ko na 'yon sa kanya.

Mafia Lord's Sweet Mistake | COA #2Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon