CHAPTER 8: Legal Papa

2.5K 79 0
                                    

"Charlize told me that your planning to leave this coming sunday." pahayag ni Falcon. Kalong n'ya ngayon si Sammy habang kumakain kami sa hapagkainan. Nakakapagtakang wala ngayon ang mga kaibigan n'ya na lagi naman dito kumakain tuwing gabi.

"Oo." tipid kong sagot.

"You're not leaving." pahayag nito na tuluyang nagpaangat ng tingin ko sa kanya.

"B-Bakit?"

"Cheng is still on the loose. Kung nagawa ka n'yang hanapin matapos ang apat na taon ay gagawin n'ya ulit 'yon. Hindi s'ya titigil hangga't hindi n'ya nakukuha ang hustisyang gusto n'ya para sa sarili n'ya. Ayokong madamay ang anak ko sa peligrong nakabuntot sa'yo."

Ouch!

"Hindi mo anak si Sammy. Paano ka naman nakakasiguradong anak mo nga s'ya?"

"Magpapa-DNA test ako kung 'yan ang gusto mo pero kahit wala 'yon ay malaki ang tiwala kong anak ko si Sammy. Maaaring nakalimutan mo ako pero hindi ang mga alaala ko sa'yo."

His words shut me up. Biglang uminit ang magkabilang pisngi ko dahil sa kahihiyan.

Ano pa nga ba ang magagawa ko? Mayaman ang lalaking 'to at kapag nagmatigas ako ay baka ilayo n'ya sa akin ang anak ko. Si Sammy lang naman ang inaalala n'ya at labas na ako 'ron.

Muli kong ibinalik sa pagkain ang atensyon ko. Natatakot ako. Paano kung kunin n'ya mga sa akin si Sammy?

"Falcon, 'wag na 'wag mong ilalayo sa akin si Sammy dahil kung hindi...m-magkakamatayan tayo." Humigpit ang kapit ko sa kutsarang hawak ko kasabay ng panginginig ng kamay ko.

"Hindi tayo magkakaproblema kung susundin mo ang mga sasabihin ko. Sammy is my heiress and I don't want her in danger. I can protect her here. Kung ayaw mo rito ay papayagan kitang umalis pero hindi ang anak ko." aniya nito.

Nanikip sa galit at takot ang dibdib ko dahil sa narinig ko mula kay Falcon. Dumaloy ang mayamang luha sa mata ko na hindi ko na napigilan pa.

Kaagad akong tumayo mula sa kinauupuan ko at lumapit sa kanya para kunin si Sammy.

"Mama, don't cry. Huhuhu. Bakit ikaw iyak?" tanong ng anak ko na nagbabadya na ring umiyak.

Tinalikuran ko si Falcon at naglakad na paakyat sa kwarto namin ni Sammy.

"I'm smiling na, hindi na umiiyak si mama." Nakangiting saad ko habang pilit na inaalis sa dibdib ko ang mga alalahaning nakabara rito.

"Ganda mama. Ganda." Nanggigigil na hinawakan ni Sammy ang pisngi ko at pinagdikit ang noo naming dalawa.

My daughter never fail to make me smile. She's my little sunshine. Gagawin ko ang lahat para ma-protektahan s'ya. Walang sino man ang makakapaghiwalay sa amin. Hindi ako pumapatay pero para sa anak ko ay hindi ako mag-aalinlangan gawin ang bagay na 'yon.

NAPANGIWI ako nang makitang puro dress pala ang ibinigay sa akin ni Charlize. Hindi appropriate ang style ng mga dress para gawin itong pambahay.

Dapat pala ay hindi ko tinapon kahapon ang t-shirt kong punit-punit.

Wala akong ibang choice kundi isuot ang plaid spaghetti strap dress. Nakita kong may ganoong dress din na binili si Falcon para kay Sammy kaya naman twinny kami ngayon ng anak ko. Cute.

"Halaa! Ang cute n'yo naman!" pahayag ni Austin ng makita kami nitong pababa sa hagdan. Bigla tuloy akong nahiya nang malipat sa amin ang tingin ng magkakaibigan pati na rin ng mga naka-men in black.

"Hah! I gave her that dress!" Pagmamalaki ni Charlize. "You two are so pretty."

"Salamat." saad ko nang makalapit sa kanila.

Nang maibaba ko si Sammy ay kaagad s'yang tumakbo papasok sa kusina. Susundan ko na sana s'ya nang lumabas doon ang ama n'ya. Mas lalo s'yang gumwapo dahil sa suot n'yang suit. Mukhang may lakad s'ya.

Binuhat n'ya si Sammy bago bumaling ng tingin sa akin.

"Come a sec. with me." pahayag ni Falcon. Kahit ayoko s'yang kausapin s'ya ay sumunod na lang ako sa kanya paakyat.

"Falcon, baka malate tayo." Narinig kong sigaw ni Hiro pero hindi s'ya pinansin ni Falcon.

Pumasok kami sa opisina n'ya at may isa pang pinto sa loob na nagkokonekta pala sa malaki n'yang kwarto. Hindi ko mapigilang mapamangha dahil sa laki nito. Parang 1/4 lang ng kwarto n'ya ang apartment na inuupahan namin noon ni kuya Tommy.

May binuksan ulit s'yang pinto at nakita kong walk-in closet iyon. Grabe, ang yaman-yaman n'ya nga.

"Anong ginagawa natin dito?" tanong ko kay Falcon. Bumaba ang tingin nito sa akin mula ulo hanggang paa. Ramdam ko ang pag-init ng pisngi ko dahil sa berde n'yang mata na nagi-eksamina sa katawan ko.

"Don't wear that kind of clothes here. 98% ng mga taong nandito sa mansyon ay puros lalaki kaya mag-iingat ka sa isinusuot mo."

"Bigay lang 'to sa akin Charlize."

"That's why you're here. You can use my clothes while I'm gone. Pagbalik ko na lang kita ibibili ng damit. Sa ngayon ay mga damit ko muna ang isuot mo."

"Babalik na lang ako sa apartment bukas para kunin ang mga naiwan naming gamit doon ni Sammy. Hindi ko kailangan ng bagong damit."

"It's not safe. Hindi kayo pupweding lumabas sa mansyon hangga't hindi ako umuuwi."

"Ako lang naman ang lalabas. Iiwan ko kay Charlize si Sammy bukas para mapanatag ang loob mo." giit ko.

"Ayokong maagang maulila sa ina ang anak ko. What did I told you last night Tuesday? Hindi ko kukunin ang anak ko sa'yo kung susundin mo ang mga gusto ko."

Ayan na naman s'ya! Pinagbabantaan n'ya na naman ako.

"Mawawala lang ako ng isang linggo. Naiiwan rito si Austin para bantayan kayo. Take care of Sammy." Hinalikan n'ya ang pisngi ni Sammy bago ibigay sa akin ang anak ko at iwan kami sa kwarto n'ya.

Isang linggo? Bakit ang tagal naman?

Napabuntonghininga na lang ako. Mas mabuti nang sundin ko na lang s'ya. Kumuha ako nang tatlong plain t-shirt n'ya at hindi pa gamit na boxer shorts. Iyon na lang muna ang gagamitin ko.

***

Days passed. Tatlong araw na simula nang umalis si Falcon kasama sina Hiro, Charlize at Prime. Sa tatlong araw pa lang na 'yon ay si Austin na ang tinatawag na papa ni Sammy. Tuwang-tuwa naman si Austin at feel na feel n'ya talaga ang pagiging ama kuno ni Sammy.

"Papa! Papa!" tawag ni Sammy kay Austin.

"Yes baby? You want to fly huh?".

"Yesh po. Gusto ko fly." Pumapalakpak si Sammy saka n'ya iniunat sa ere ang kamay n'ya para magpabuhat kay Austin. Kaagad naman s'yang kinuha nito at iniangat sa ere.

Walang tigil sa paghagikhik at tili si Sammy. Naku, siguradong mamaya n'yan ay maaga s'yang makatulog sa sobrang kapaguran.

Napansin ko ang pag-vibrate ng phone ni Austin na nakapatong sa center table kaya naman kaagad ko 'yong sinilip. Nakita kong si Falcon ang tumatawag kaya naman ako na mismo ang sumagot sa kanya. Ayoko nang putulin ang excitement ng anak ko kaya ako na munang kakausap kay Falcon.

"Tuesday? Where's Austin?" tanong ni Falcon sa kabilang linya. Kahit hindi ko nakikita ang mukha n'ya ay sigurado magkasalubong na naman ang mga kilay n'ya.

"Kalaro si Sammy. Kakausapin mo ba s'ya, teka la-"

"No need. Kakamustahin ko lang kayo."

Kayo? Baka naman si Sammy lang.

"Ayos lang si Sammy. Hindi ko pinapabayaan ang anak ko." sagot ko sa kanya.

"Anak natin." pagtatama n'ya na nagpaabnormal na naman ng tibok ng puso ko.

"Papa! Hahahaha!"


"Sammy is calling me papa?" tanong ni Falcon sa kabilang linya. He sounded so happy.

"Ah h-hindi. Si Austin ang tinatawag n'ya papa. She playing with hi-."

"F*ck! Bakit si Austin?! Ako ang papa n'ya!" Falcon yelled.
Hindi ko alam kung maiinis ako sa pagsigaw n'ya sa akin o matatawa dahil halatang nagseselos s'ya kay Austin.

"Si Austin kasi ang lagi n'yang kasama kay-."

"Tell Sammy that I'm her real father, dahil kung hindi, ipapatapon ko sa ibang bansa si Austin para hindi na sila magkita pa."

"H-Huminahon ka nga."

Bakit ba napakamainitin ng ulo ng lalaking 'to?

"I can't calm down. Not until she call me her dad, papa or daddy."

Nagseselos nga. Hindi ko akalain na ang katulad n'yang lalaki na mas matigas pa sa bato ay nagseselos rin pala.

"Oo na. Sasabihin ko na kay Sammy. Kung gusto mo talagang marinig sa anak mo na tawagin ka n'yang papa ay umuwi ka na kaagad." pahayag ko bago putulin ang tawag.

I sounded like a wife who misses her husband. Napailing na lang ako. Ano ba naman 'tong iniisip ko. Hindi porket s'ya ang ama ng anak ko ay kaming dalawa rin ang magkakatuluyan.

Wala ako sa kalingkingan ng estado n'ya sa buhay. Isa lang akong ulila na hindi man lang nakatapagtapos ng kolehiyo. Ibinenta ang katawan para sa pera at ngayon nga ay kumakapit na lang sa anak para mabuhay. Sinong lalaki pa ang magkaka-interes sa akin?

"Tumawag nga pala si Falcon sa phone mo. Kinamusta n'ya si Sammy." pahayag ko nang lumapit sa akin si Austin buhat-buhat ang anak ko.

"Sige. Tawagan ko na lang din. Nahihiya lang 'yon itanong sa'yo kung kamusta ka rin. Hahaha." Pang-aasar ni Austin. "Inaantok na ata si Sammy."

Kinuha ko ang anak ko sa kanya at nagpaalam nang aakyat kami sa kwarto.

"Wag kang mag-alala Tuesday, kakamustahin ka sa akin ni Falcon dahil torpe 'yon pagdating sa'yo." pahabol ni Austin.

Sa kanilang limang magkakaibigan ay si Austin ang malakas mang-asar. Ibabaon ko talaga ang sarili ko sa lupa kapag inasar n'ya ako sa harap ni Falcon. Hindi pa naman nakikisama ang pamumula ng mukha ko kapag napapahiya ako.

Paghiga ni Sammy sa kama ay nakatulog kaagad s'ya. Pinalitan ko ang damit n'ya na basang-basa na pawis. Ngayong malinaw na sa akin ang mukha ng ama n'ya ay nakikita ko na sa mukha ni Sammy si Falcon.

Hindi na kailangang magsayang ng pera pangpa-DNA dahil kitang-kita na ang pagkakahawig nilang dalawa.

Mafia Lord's Sweet Mistake | COA #2Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon