CHAPTER 7: Trauma

2.5K 67 0
                                    

TUESDAY

"Hi," bati sa akin ni Charlize nang pumasok s'ya sa kwarto. Kakatapos lang namin maligo ni Sammy. Halos kalahating oras din nagbabad ang bata dahil enjoy na enjoy s'ya sa paglalaro sa bathtub. Swimming pool n'ya raw kasi 'yon.

"Hi po." Nahihiyang balik na bati ko. Kahit ilang linggo na kami rito sa mansyon ay nahihiya pa rin akong kausapin ang mga kaibigan ni Falcon kahit mukha naman silang mababait.

"Don't 'po' me. Pinapatanda mo ako masyado." pabirong pahayag nito. "Here, I brought you some clothes. Paulit-ulit na lang kasi ang mga damit mo. Hindi ka man lang binibilhan ni Falcon. Tsk. Walangya talaga ang lalaking 'yon."

"Salamat. Hindi ka na sana nag-abala pa. Aalis na rin naman kami sa linggo."

"Sa linggo na kaagad? Alam na ba ni Falcon?"

Umiling ako bilang sagot sa kanya. Sa araw na rin na 'yon ko planong sabihin kay Falcon para wala na s'yang magawa. That's two days from now.

Sa ilang linggo naming pagtira sa poder n'ya ay ramdam ko ang malamig nitong pakikitungo sa akin pati na rin kay Sammy. He obviously not happy to discover his secret child.

Hindi ako tanga para hindi malaman na s'ya ang lalaking nakasiping ko 4 years ago. Hindi lang kulay ng mata n'ya ang pruweba ko kundi pati na rin ang pamilyar n'yang amoy. His masculine scent brought back my memories.

Nasabi ko lang naman na hindi ako sigurado na s'ya ang ama ni Sammy dahil ramdam kong ayaw n'yang akuin ang resposibilidad nito sa anak ko. Ayoko naman sirain ang kung anong meron s'ya at pilitin s'yang panagutan ang bata kaya naman kami na lang ang aalis ni Sammy.

"What are you thinking now Tue?" tanong ni Charlize kaya naman nalipat ang tingin ko sa kanya.

"M-Magbibihis lang ako, pwede bang pakibantayan muna si Sammy?"

"Sure. Try wearing the dress I gave you."

Hinalungkat n'ya ang paper bag na dala n'ya at ibinigay sa akin ang off-shoulder summer dress. Nagaalangan ako kung isusuot 'yon dahil hindi naman talaga ako pala dress na babae. Mahihiya naman akong tumanggi kaya kinuha ko na lang 'yon saka pumasok ng banyo.

Paglabas ko ay wala na sa kama si Sammy at Charlize kaya naman bumaba ako at hinanap silang dal'wa. Wala rin sila sa sala at kusina kaya naman nagpasya akong lumabas ng bahay.

Napaawang ang bibig ko nang makita ko kung gaano kalawak ang sakop ng buong mansyon ni Falcon. Mansion is understated word in describing this place, this is a goddamn royal palace for christsake!

Wala pa atang 1/4 ang parte ng bahay na kinaroroonan namin ni Sammy. Akala ko pa naman ay iyon na ang kabuoan ng buong bahay n'ya. Nagkamali ako.

Kulang ang isang araw para malibot ko ang lugar na 'to.

Saan naman kaya dinala ni Charlize ang anak ko?

Habang naglalakad-lakad ay napansin ko ang mga nagkalat na naka-men in black na napapalingon sa akin. Hindi ko tuloy mapigilang mahiya dahil pakiramdam ko ay ang pangit ko sa suot kong dress. Hindi ang dress ang pangit kundi ako mismo. Yumuko na lang ako.

"K-Kuya, nakita n'yo po ba si Charlize?" tanong ko sa isang hardenero.

"Hindi po ma'am." sagot ni manong sa akin. Tirik na tirik ang araw pero nagagawa n'ya pa ring magtrabaho. Hindi kaya ma-stroke s'ya n'yan.

"Kuya mamaya na lang po kayo
magtrabaho kapag hindi na maiinit."

"Naku hija, 'wag kang mag-alala sanay na akong magbabad sa araw."

"Mag-isa lang po ba kayo? Sa laki ng garden na 'to ay baka atakihin kayo sa puso."

"Neng, 'wag mo kong mamaliitin. 'Yong garden maze nga ni bossing nagawa ko ng tatlong araw lang, eto pa kaya." Pagmamayang ni manong. "Sige na, sumilong ka na at baka mangitim ka rito."

Nag-aalalang sumilong ako sa lilim habang pinagmamasdam magtrabaho si kuyang hardinero. Tumakbo ako papasok sa bahay at nagtungo sa kusina para kumuha ng tubig para kay kuya. Dal'wang 1.5 liter na gallon ng tubig ang kinuha ko sa ref. Gusto ko sanang dagdagan kaya lang ay baka magalit sa akin si Falcon.

"Naku neng, nag-abala ka pa. Nakakahiya naman sa'yo."

"Ayos lang po kuya. Napansin ko po kasing wala kayong tubig dito. Dapat po lagi kayong hydrated lalo na sa gan'to kainit na panahon."

"Salamat ulit."

Naalala ko kasi bigla si kuya Tommy na walang tigil na kumakayod para sa amin ni Sammy. Kapag magkapera ako ay bibigyan ko s'ya ng pangnegosyo para dito na lang s'ya kasama namin.

Pinagpatuloy ko ulit ang paghahanap kina Charlize pero wala pa ata sa sampung metro ang nalalakad ko ay tagaktak na ang pawis ko, idagdag pa na nangangalay na ang mga binti ko. Halatang hindi athletic.

Napaayos ako nang tayo nang marinig ko ang busina nang kotse sa likuran ko. Tumigil ang isang mamahaling sasakyan sa tabi ko. Nang bumaba ang bintana ay doon ko nakita ang isang lalaking kahawig ni Falcon. Berde rin ang kulay ng mga mata nito pero hindi maipagkakailang mas maganda ang pagkatingkad ng kulay ng kay Falcon.

Wait, s'ya rin ang lalaking kausap ni Falcon noong nakaraang araw.

"You looked tired miss. By the way, I'm Fabian, Falcon's older brother. We met 3 days ago, I mean- we saw each other when I last visited here."

"Tuesday naman po ang pangalan ko."

No wonder magkamukha sila. Kapatid n'ya pala si Falcon.

"Nice to meet you Tuesday. I have a meeting with my brother. Sumabay ka na sa akin para hindi ka mapagod sa paglalakad."

"Wag na po. Ayos lang po ako."

"I insist. A beautiful lady like you shouldn't be walking under the blazing sun. Baka masira ang balat mo, napakaganda mo pa naman sa suot mo." Fabian winked at me that made me feel uncomfortable. Bakit pakiramdam ko ay nilalandi n'ya ako?

Ayokong isipin n'yang ang arte ko kaya naman sumakay na ako sa kotse n'ya. Wala pang limang minuto at nakarating na kami sa parte ng mansyon- I mean palasyo kung saan sila magkikitang dalawa ni Falcon.

Pagbaba ko sa kotse ay bigla akong kinabahan nang makita ang mga armadong lalaki na nakabantay sa malaking pinto. Kitang-kita ko ang mahahabang baril na nakasabit sa dibdib nila.

"Tuesday, may problema ba?" tanong ni Fabian.

"D-Dito na lang po ako. Ayokong sumama sa loob." Umatras ako pero naramdaman ko ang kamay ni Fabian sa likuran ko na nagpatigil sa akin sa paghakbang papalayo.

"Don't be scared. Nasa loob si Falcon."

"A-Ayoko po talaga."

Hangga't maaari ay ayokong nakakakita ng baril dahil naalala ko ang gabing ma-kidnap ang anak ko at maikulong sa mansyon ni Cheng. Nakakatakot ang mga nangyari sa akin ng gabing 'yon kaya nadala na ako nang sobra.

Seeing guns triggered my trauma.

"T-Tuesday. Hey, don't cry sweetheart. F-Fine. Hindi na kita isasama sa loob. You can stay here outside." pagaalo sa akin ni Fabian pero kaagad ding naagaw ang atensyon naming pareho nang lumabas sa pinto si Falcon.

Sumisinghot na napatigil ako sa pag-iyak nang makita ko kung gaano kasama ang tingin nito sa amin...kay Fabian.

"What did you do?" tanong ni Falcon saka n'ya ako marahas na hinila palayo sa kapatid n'ya.

"Nothing lil bro. Pinapatahan ko lang si Tuesday."

"Bakit s'ya umiiyak? Did you do something?"

"F-Falcon, wala s'yang ginawang masama. I-I just overreacted." depensa ko. Sa sama ng tingin n'ya kay Fabian ay parang mananapak na s'ya. "P-Pwede bang bitawan mo muna ako. Nasasaktan ako." dagdag ko dahil sa higpit nang pagkakahawak n'ya sa pulso ko.

Imbis na pakinggan ang hinaing ko ay napasunod ako sa kanya nang hilahin n'ya ako papasok sa loob. Mas lalong nadagdagan ang takot ko dahil sa dami ng mga lalaking armado.

"F-Falcon, ayoko r-rito." saad ko habang pilit na binabawi ang pulso ko sa kanya.

"Instead of taking care of Sammy, you choose to accompany that a**hole!" asik n'ya habang patuloy pa rin sa paghila sa akin.

Is this an underground tunnel?

Binitawan n'ya lang ako nang pumasok kami sa isang kwarto na tanging mahabang mesa at malaking white board lang ang laman.

"Gusto ko nang lumabas dito. P-Please. P-Pupuntahan ko si Sammy." Humihikbing pakiusap ko.

This place, this room is suffocating. Ayoko ang amoy ng pulbura at kulay dilaw na ilaw na s'yang nagpapaalala sa akin sa kwartong pinagdalhan sa akin ni Cheng nang muntik n'ya na akong gahasain.

Unti-unting nanghina ang mga binti ko at lumabo ang paningin ko dahil sa matinding pagkahilo. Naramdaman ko na lang ang matigas na brasong umalalay sa bewang ko bago pa man ako tuluyang bumagsak sa semento.

"Tuesday, hey." Naramdaman ko ang mahinang pagtapik ni Falcon sa pisngi ko pero tuluyan na akong nawalan ng malay..

The next thing I knew, I was comfortably lying in bed. Mula sa bintana ay nakita kong papalubog na ang araw kaya mabilis akong napabalikwas at tumakbo palabas ng kwarto.

Si Sammy. baka hinahanap na ako nang anak ko.

Bago pa man ako tuluyang makababa ng hagdan ay narinig ko ang hagikhik ni Sammy sa katabing kwarto. Kumatok muna ako bago buksan ang pinto. Nakita ko si Sammy na abala sa paglalaro sa puzzle mat na nakalatag sa sahig habang nasa mesa n'ya naman si Falcon na may hawak na folder.

Sa kabila nang pagiging busy n'ya sa trabaho ay nagawa n'ya pa ring bantayan ang anak n'ya. Lihim akong napangiti sa nakikita ko.

"Mama! Mama!" tuwang-tuwang tawag sa akin ni Sammy.

"Hi baby. Gutom ka na ba? Gusto mo ba ng gatas?"

"I already fed her." sagot ni Falcon.

"S-Salamat."

Tumayo s'ya at lumapit sa akin. Nagulat ako nang hawakan n'ya ang noo ko habang seryoso ang tingin sa mga mata ko.

"May sinat ka pa rin." pahayag nito. Kinuha n'ya si Sammy na nakayakap sa hita ko at binuhat ang bata. Nagtatakang kinapa ko rin ang noo ko at doon ko lang nalaman na mainit nga ako.

"Let's eat dinner. Wala ka pang kain simula kanina."

Napatango na lang ako saka sumunod sa kanya palabas ng opisina n'ya. Bakit may kaunting kilig akong nararamdaman sa mga simpling kilos at salita n'yang binibitawan?

Mafia Lord's Sweet Mistake | COA #2Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon