Nakatitig lang ako sa mukha ng anak ko habang mahimbing ang tulog nito sa tabi ko. Alas-dose na nanghating gabi pero heto at gising na gising pa rin ako. Hindi ako makatulog dahil sa mga salitang binitiwan sa akin ni Elijah. Para itong punyal na bumaon sa dibdib ko at kahit anong subok kong bunutin ito ay wala pa rin silbi. Mas lalo lang itong sumasaksak sa pagkatao ko. In short, sobrang affected ako. Nasasaktan ako.
Gusto kong tawagan si kuya Tommy o si Ate Evie para naman may makausap ako. Gusto kong marinig sa kanila na makakaya ko ang pagsubok na 'to.
Bumangon ako at hinalikan ang noo ng baby ko. Isinuot ko ang roba bago lumabas ng mansyon para makalanghap ng sariwang hangin. Hindi naman nakakatakot sa labas dahil maraming ilaw at guwardiya na nagroronda sa paligid.
Nagpasya akong puntahan ang pool dahil aliw na aliw talaga ako ng dalhin ako roon ni Fabian kanina. Baka ay makapag-isip ako nang malinaw 'don. Baka sa lugar na 'yon ay maayos ko ang mga alalahanin ko sa buhay.
Mas lalo akong napamangha nang makita ang pagkislap ng tubig dahil sa mga ilaw na tumatama sa pool. Ang ganda nitong pagmasdan. Kahit malamig ang simoy ng hangin ay hindi ako nakapagpigil na ilublob ang mga paa ko sa tubig na kasing lamig din ng gabi.
Napabuga na lang ako ng hangin. Gusto kong bumalik sa dati naming buhay pero nag-aalala akong sundan ako ni Cheng at idamay n'ya ang anak ko. Kapag nanatili naman kami rito ay malaki ang posibilidad na maging anak sa labas si Sammy kapag nakapag-asawa si Falcon. Ayokong maging bastardo ang anak ko. Siguradong babayaran ako ni Elijah para hindi masira ang reputasyon ng anak n'ya.
Ganun naman kasi ang mga mayayaman. Nagagawa nila ang gusto nila nang walang takot dahil may pera silang magpapatahimik sa aming mahihirap at walang kapangyarihan.
Napalingon ako sa likuran ko nang may marinig akong yabag at mabigat na paghinga ng kung sino. Inilibot ko sa paligid ang tingin ko pero wala naman akong nakitang kahina-hinalang tao. Ibinalik ko ang tingin ko sa tubig pero nagulat na lang ako ng may kamay na dumikit sa likuran ko at malakas akong itinulak sa tubig.
Napasigaw ako sa takot dahil hindi maabot ng mga paa ko ang sahig ng pool. Nakita ko na lang na naglalakad na ang bulto ng tao papalayo sa kinaroroonan ko.
"S-Sammy," usal ko bago ko maramdaman ang paglubog ng katawan ko sa tubig. Paulit-ulit na isinigaw ng utak ko ang pangalan ng anak ko. Masyado pa s'yang bata para mawalan ng ina. Nanlalabo ang mga mata ko habang nakatanaw sa buwan na saksi sa paghihingalo ng katawan ko.
Bago ko pa man tuluyang naipikit ang mga mata ko ay may isang kamay na ang humila sa braso ko. Namalayan ko na lang ang sarili kong naghihina habang buhat ng kung sino bago kainin ng dilim ang sistema ko.
***
"Tuesday. Damn! Wake up." narinig kong tawag sa akin ng lalaki kaya naman dahan-dahan kong binuksan ang mga mata ko at nakita ang lalaking hindi ko inaasahang sasagip sa akin.
"F-Falcon," sambit ko sa pangalan n'ya.
Muli n'yang binuhat ang katawan ko mula sa malamig na tiles at dinala ako sa pinakamalapit na kwarto ko.
"Dry yourself. Kukuha lang ako ng pamalit mo." pahayag n'ya bago n'ya ako iwanan sa loob ng banyo.
Nanghihinang napasalampak ako sa tiles habang nangnginginig sa lamig at takot ang katawan ko. Akala ko ay katapusan ko na. Akala ko hindi ko na ulit makikita ang anak ko.
Napaangat ako ng tingin nang maramdaman ko ang pagbuhos ng mainit na shower sa katawan ko. Lumuhod sa harap si Falcon na hindi ko man lang napansin na pumasok sa banyo.
"Falcon, si Sammy. Baka saktan n'ya ang anak ko."
"A-Anong ibig mong sabihin?" Naguguluhang tanong n'ya sa akin.
BINABASA MO ANG
Mafia Lord's Sweet Mistake | COA #2
Romance/F I N/ CITY OF ANGELS #2 Tuesday ✖️ Falcon 🥀 There's no other way but to sell her own body. 10 Million in exchange of her virginity. Hindi ang Mafia Lord ng BlackFang ang talagang kliyente ni Tuesday ng gabing iyon pero dahil sa panganib na kinaha...