CHAPTER 9: Grandfather

2.4K 67 1
                                    

"Anong problema?" tanong ko kay Austin na kakapasok lang sa mansyon. Bakas sa mukha nito ang pag-aalala. Pawisan ang mukha nito na para bang nagbabad muna sa ilalim ng araw sa labas bago pumasok.

"N-Nandito si Elijah! Sh*t! Wala pa naman si bossing!"

"Sino ba si Elijah?" puno nang pagtatakang tanong ko sa kanya.

"Falcon's father. Sa tingin ko ay nakarating na ang balita sa kanya patungkol kay Sammy." Napasabunot ng buhok si Austin na parang hindi alam ang gagawin.

"N-Nakakatakot ba na tao ang papa ni Falcon? Dapat na rin ba akong kabahan?" sunod-sunod kong tanong kay Austin.

"Hmm. Kung gaano kasungit si Falcon times 2 naman ang papa n'ya."

Dapat nga akong kabahan.

Mabilis kong inipon ang mga nagkalat na laruan ni Sammy sa sala pero hindi ko pa nalalagay lahat sa basket nang bigla na lang bumukas ang malaking double door. Iniluwa nun ang isang matandang lalaki na may matikas na pangangatawan kasama si Fabian at isa pang lalaki na naka-eyeglasses.

Napalunok ako ng laway nang bumaba ang tingin sa akin ng matanda na may berde ring mga mata. Umalingawngaw sa paligid ang tunog ng sapatos nito habang papalapit sa akin. Ramdam ko ang pamamawis ng mga papad ko dahil sa matinding kaba. Nakakatakot ang awra ng matandang 'to.

"Ikaw ba ang babaing nabuntisan ng anak ko?" Malalim ang boses at seryosong tanong sa akin ng ama ni Falcon na si Elijah.

Kaagad akong tumayo sa harap nito at pinagpag ang suot kong t-shirt.

"O-Opo." Nauutal na sagot ko. Kung alam ko lang na may importanting bisita kaming darating ay nag-ayos sana ako ng sarili. Nakakahiya ang hagard look ko. "A-Ako po si Tuesday." dagdag ko bago yumuko.

Hindi ako komportable sa tinging ipinupukol sa akin ng matandang kaharap ko. Para bang hinuhusgahan na nito ang buo kong pagkatao.

"Tss." usal n'ya. "S'ya na ba ang apo ko?" baling n'ya kay Sammy na abala pa rin sa paglalaro sa doll house n'ya.

"S-S'ya po si Sammy." saad ko. "Sammy, baby, halika." tawag ko sa anak ko na kaagad namang tumayo hawak ang barbie doll n'ya at lumapit sa akin.

Iniluhod ni Elijah ang isa n'yang tuhod para makita nang malapitan ang anak ko. "Oh, she looked like Falcon when he was just her age." Manghang pahayag ng matanda. "Sammy, I'm your lolo. Lo-lo."

"Ahm. Lolo?" usal ni Sammy. Parang kuminang ang mga mata ni Elijah ng gayahin s'ya nang anak ko. Inakay n'ya papalapit sa kanya si Sammy at binuhat ito.

"Ummm. Mama," tawag sa akin ni Sammy na nakasimangot na.

"I-It's okay baby. 'Wag nang umiyak." Kumurba ng pa letter C maliit na labi ng anak ko. Halatang pinipigipan n'yang umiyak.

"It's okay little one. I'm not going to hurt you. I'm your lolo. Lo-lo. Gordon, akin na ang laruan ng apo ko."

Naupo si Elijah sa sofa at kinuha ang iniabot ng lalaking naka-eyeglasses. Mula sa paper bag ay inilabas nito ang isang biik na stufftoy. Lumiwanag naman ang mukha ni Sammy at kaagad na yinakap ang bigay ng matanda.

"Nakakatuwang bata." pahagay ni Elijah. "How old is she?" baling n'ya sa akin.

"3 years old po."

"When is her birthday?"

"July 13, 20**."

"Malapit na. I want to throw a birthday party for her. She's my first grandchild, so I want to spoil her."

Hangga't maaari ay ayokong lumaking spoiled ang anak ko pero pagbibigyan ko na lang muna ang gusto ng ama ni Falcon dahil alam kong excited s'ya sa first apo n'ya.

"Tuesday kamusta na?" tanong sa akin ni Fabian. "Pasensya ka na sa inasal nang kapatid ko noong huling pagkikita natin. Ganun kasi talaga 'yon sa akin."

"Okay lang."

"Hija, plano ka bang pakasalan ng anak ko?" tanong sa akin ni Elijah.

"Naku hindi po. Wala kaming napag-usapan na ganun."

"Ganun ba? Kung ganun ay bakit nandito ka pa?"

Bigla akong natigilan dahil sa tanong sa akin ni Elijah. Dapat bang umalis na ako rito at iwan sa puder nila ang anak ko? Iyon ba ang gusto n'yang iparating sa akin?

"Kung wala naman pala kayong relasyon ng anak ko ay dapat hindi ka n'ya ibinabahay dito. Teka, dahil ba sa apo ko kaya ayaw mong umalis rito? Magkano ang gusto mo? Mababayaran kita ngayon, sabihin mo lang."

Napakuyom ako ng kamao at mabigat na napalunok ng laway dahil sa inis na nararamdaman ko. "Hindi ko po ipinagbebenta ang anak ko. Kung aalis man ako rito ay dadalhin ko si Sammy."

"Hahahaha. Hindi mangyayari 'yon. S'ya ang tagapagman ni Falcon kaya naman dito lang sa poder nang anak ko ang bata." Maawtoridad na pahayag nito. Sinalubong ko ang mga tingin n'ya kahit deep inside ay para akong yelo na natutunaw na sa takot.

Mali bang nakilala ng anak ko ang tunay n'yang ama? Dahil ngayon ay parang pinagsisisihan kong nagkita pa ulit kami ni Falcon. Maayos naman ang buhay namin ni Sammy bago pa man sila dumating kung hindi lang talaga sa panggugulo sa amin ni Cheng.

"Tuesday," tawag sa akin ni Austin. Naramdaman ko ang pagpatong ng kamay n'ya sa balikat ko para pakalmahin ako.

"Dad, stop. Mag-usap kayo kapag nandito na si Falcon." suway ni Fabian sa ama n'ya.

"Gusto ko munang makasama kahit ngayong araw lang ang apo ko. If you don't mind miss, iwanan mo muna kami ni Sammy." Elijah commanded. Ang sakit lang dahil parang hindi n'ya ako itinuturing na ina ng apo n'ya kung makapagsalita s'ya sa akin.

Hindi ko pinagsisisihan ang pagdadala ko ng siyam na buwan kay Sammy pero sana man lang ay maisipan nilang ako ang naghirap sa panganganak at pagbuhay sa anak ko. Hindi 'yon para lang akong katulong na nag-aalaga ng bata at utang na loob ko pa sa kanila ang trabaho ko bilang ina.

"Tuesday, ako nang bahala rito. Babantayan ko si Sammy." saad ni Austin na nasa likuran ko kaya naman dahan-dahan akong tumango sa kanya.

"Let's go outside." pagaaya sa akin ni Fabian kaya naman sumunod na ako sa kanya palabas ng bahay. "Don't worry about you daughter, iingatan s'ya ni papa." paninigurado n'ya pa sa akin.

"Kamusta kayo ni Falcon? Hindi ka ba n'ya talaga inayang magpakasal?"

"Wala s'yang obligasyon sa akin. Sapat nang makita kong hindi n'ya papabayaan si Sammy at hindi n'ya ilalayo sa akin ang anak ko." pahayag ko habang nakapako lang sa daan ang tingin ko.

"Don't worry. Hindi man halata pero may itinatagong kabutihan ang kapatid kong 'yon."

Sana nga. Pero ang mas ikinakatakot ko ngayon ay ang ama ni Falcon. Paano kung sulsulan n'ya ang anak n'yang kunin sa akin si Sammy?

"Fabian, ano ba talaga ang business ni inaasikaso ni Falcon?"

"Maraming hinahawakang negosyo ang kapatid ko. Hindi lang dito kundi sa ibang bansa rin pero ang talagang focus n'ya ay ang BlackFang."

"Anong klasing negosyo ang BlackFang?"

Tumingin sa akin si Fabian at binigyan ako ng tipid na ngiti. "You should ask Falcon. S'ya ang nasa posisyon na sabihin sa'yo ang tungkol 'don." aniya nito.

"Sigurado ka bang wala talaga kayong relasyong ng kapatid ko?" usisa ni Fabian.

"Wala, kaya makakahinga na kayo nang maluwag." Mapait kong sagot sa kanya. Halata naman kasing ayaw nila ang katulad ko para kay Falcon.

"Hahaha. Parang double meaning 'yon ah. Pero nakakapagtaka kasing suot mo ang paborito n'yang t-shirt."

Paborito n'ya 'to? Baka magalit sa akin si Falcon kapag nakita n'yang suot ko ito.

"K-Kinuha ko lang 'to sa closet n'ya dahil wala na akong masuot na damit. Ibabalik ko naman kaagad kapag nalabhan ko na. 'Wag mo na lang sanang baggitin sa kanya."

"Wow. May secret na tayo. Hahaha. Don't worry, magaling akong magtago ng sekreto."

Sa dami ng mga pinagkwentuhan namin ni Fabian ay namalayan na lang namin na nakarating na kami sa malawak na pool area ng mansyon. Nakakahanga dahil para itong infinity pool na imbis na nasa itaas ng building ay nakalatag mismo ito sa cliff. Kitang-kita kasi sa ibaba ang mapuno at malawak na gubat.

"Amazing right?"

"Oo. Ngayon lang ako nakapunta rito. Ang ganda."

"Wag kasi puro loob lang ng bahay. You should also explore this place. Marami kang madidiskubring magagandang lugar rito lalo na sa northside ng mansyong 'to."

"Ano bang meron 'don?"

"Malalaman mo kung pupuntahan mo." sagot ni Fabian.

Naglakad ako sa tabi ng pool para pagmasdan ang mala-crystal na tubig nito. Halatang malalim ang tubig. 5ft lang ang kaya kong languyin dahil 'yon lang ang abot ng mga paa ko.

"Be careful. Baka madulas at mahulog ka." Umatras naman ako dahil tumatama na ang tubig sa paa ko.

***

"Babalik ulit ako para bisitahin ang apo ko, by that time, paguusapan namin ni Falcon ang patungkol sa inyo." seryosong pahayag ni Elijah bago n'ya ako talikuran.

"Ayos ka lang ba?" tanong ni Austin sa akin kaya tumango lang ako bago magtungo sa kusina. Kumuha ako ng malamig na tubog at nilaklak iyon.

Kailangan ko rin kausapin ng masinsinan si Falcon. Hindi pupweding sila lang mag-ama ang magdedesisyon sa buhay naming mag-ina. Kung kailangan kong itakas sa kanila ang anak ko ay gagawin ko. Walang makapaglalayo sa aming dalawa. Dadaan muna sila sa bangkay ko bago nila makuha sa akin si Sammy.

Mafia Lord's Sweet Mistake | COA #2Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon