CHAPTER 1: Sold to Him

3.8K 103 6
                                    

TUESDAY

Nanginginig ang mga kamay ko habang mahigpit ang hawak sa tali ng robang suot ko. Hindi ko maipaliwanag ang matinding kaba na nararamdaman ko sa mga oras na 'to. Parang gusto ko na lang tumakbo palabas at 'wag nang gawin ang plano ko pero hindi pwede dahil buhay ni kuya Tommy ang nakasalalay rito.

Pagpasok ko sa kwartong pinagdalhan sa akin ng matandang babae ay nakita ko ang isang lalaki na prenteng nakaupo sa dulo ng malaking kama habang hinihithit ang tabaco sa kamay nito. Kung tama ang tantsya ko ay nasa 45 to 50 years old na ito at lahing intsik...japanese? Not sure.

Napalunok ako nang bumaling s'ya sa akin at tingnan ako mula ulo hanggang paa. Marami s'yang tattoo sa leeg at braso na mas lalong nagpadagdag ng takot ko. Para bang ang ulo n'ya lang ang malinis dahil sa kintab nito sa sobrang pagkakalbo.

Makakalabas pa naman ako rito ng buhay diba? Naiiyak na talaga ako.

"Come here sweety." utos sa akin ng lalaki habang tinatapik ang hita n'ya.

"B-Bayaran n'yo ako ng 10 million cash diba?" tanong ko. Gusto kong masigurado na kapag nakuha n'ya ang gusto n'ya sa akin ay makukuha ko rin ang bayad ko.

"Oo naman. Nakikita mo ba ang briefcase na 'yon?" Sinundan ko nang tingin ang itinuro n'ya. "Nandoon ang pera mo. Kapag naaliw mo ako gamit ang katawan mo ay baka dagdagan ko pa 'yan." pahayag nito.

He moistened his lips and smirked at me. Kinilabutan ako sa ngisi n'ya. Kahit pula ang ilaw ng kwartong kinalalagyan namin ay nakita ko nang malinaw ang dila n'yang may tattoo rin.

"Let's start now. I don't like wasting my time and my money sweety." Maawtoridad na pahayag nito.

Dahan-dahan akong lumapit sa kanya at nagulat ako nang malakas n'ya akong hilahin papaupo sa hita niya. Nag-panic ako kaya naman napahiyaw at napaiyak ako dahil sa ginawa n'ya.

"I don't like crybaby. Don't disappoint me." Madiing pahayag ng lalaki habang hinahaplos ang hita ko at dinidilaan ang tenga ko. Pakiramdam ko ay hindi basta-bastang s*x ang gusto ng lalaking 'to sa akin. "You'll scream and moan my name for sure sweety." dugtong n'ya na mas lalong nagbigay kilabot sa akin.

"A-A-Ayoko na p-po. G-Gusto ko na pong umuwi." Hagulgol ko pero imbis na pakinggan ang pakiusap ko ay marahas n'yang pinunit ang suot kong roba.

May panloob akong red lingerie pero hindi 'yon sapat para matakpan ang kahubaran ko. Nakita ko ang matinding pagnanasa sa mga mata ng lalaki nang makita ang katawan ko.

"Ahh. I'm hungry now "

Mabilis kong iniwas ang mukha ko nang subukan n'yang halikan ang labi ko pero hinuli n'ya ang baba ko at pilit akong hinalikan sa mukha.

Sigaw ako nang sigaw habang itinutulak ang mukha n'ya palayo sa akin. Nandidiri ako. Hindi lang sa kanya kundi na rin sa maaaring mangyari sa akin kapag hindi ako umalis sa kwartong ito.

"B*tch!" asik nang lalaki saka n'ya ako itinulak sa sahig. Ramdam ko ang pananakit ng braso ko dahil sa pagbagsak ko. "Pumili ka, hihiga ka sa kama ko o papatayin kita d'yan mismo sa kinahihigaan mo!"

Nanghihinang napaupo ako at napaatras palayo sa lalaki na parang tore sa harap ko. Walang bakas ng pagkaawa sa mukha nito at doon palang ay sigurado na akong makakapatay nga ito ng tao.

"S-Sa'yo na po ang milyon n'yo. A-Ayoko na po talaga." pagmamakaawa ko.

"Wrong answer!"

Muli akong napasigaw sa takot nang hilahin n'ya ang binti pero sinipa ko ang kamay n'ya hanggang sa mabitawan n'ya ako. Akmang tatakbo na sana ako papunta sa pinto nang hawakan n'ya ang buhok ko at hilahin iyon. Parang mapupunit ang anit ko sa higpit nang pagkakahawak n'ya sa akin.

Mafia Lord's Sweet Mistake | COA #2Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon