CHAPTER 24: Crowned x Fang

1.6K 54 1
                                    

"P-Paanong.." Hindi maipinta ang inis sa mukha ni Cheng dahil sa kanyang nasasaksihan. Muli na naman silang sinalakay ng BlackFang sa pangatlong pagkakataon pero ang hindi n'ya maintindihan ay kung paano nalaman ng kalaban na nasa pilipinas sila. Sinigurado n'yang mabuti na nasa State ang mata ng BlackFang. Wala na ang Torpedo at impormante nito kaya naguguluhan s'yang natunugan parin ng kanyang kalaban ang mga galaw n'ya.

"Those bastard!" galit na galit na asik ni Cheng. "Naunahan na naman nila tayo!"

"Relax boss, kung sa una at pangalawa ay puro kapalpakan ang ginawa nilang pagsugod sa atin, siguradong ganun din ang mangyayari ngayon." kampanteng pahayag ni Arlon na s'yang kanang kamay ni Cheng.

"Tanga ka ba?! Bukas pa ang dating ng mga taga Sinners at Raven para sa pagsugod natin sa teritoryo ni Falcon! Hindi sapat ang tao natin para pabagsakin silang lahat lalo pa't nasa lupa nila tayo!" Nanggagalaiting sigaw ni Cheng sa tauhan.

"Nasa atin si Falcon kaya hindi sila magtatagumpay boss."

"Don't underestimate them. Mas pursigido sila ngayong mapatumba tayo dahil bihag natin ang lider nila. Even if we kill the beast now, they will never stop hunting us down." pahayag ni Cheng habang pinapanood mula sa malaking monitor ang nangyayaring sagupaan ng mga tauhan n'ya at ng BlackFang.

"Kill the Falcon. Kung babagsak man ako ngayon ay sisiguraduhin kong hihilahin ko ang lalaking 'yon papuntang impyerno." utos ng lalaki sa tauhan.

"Yes boss." sagot ni Arlon bago lumabas ng kwarto. Kasunod n'ya ang dalawa pa sa mga kasamahan habang patungo sa kinaroroonan ni Falcon. Hindi mapugto ang ngisi nito sa labi dahil s'ya mismo ang inutusan ni Cheng na patayin ang lider ng BlackFang. Malaking probilehiyo para sa kanya ang misyong iniatang nang boss dahil pagkatapos nito ay may maipagmamalaki na naman s'ya sa sarili at sa ibang tao.

Mas lalong lumawak ang ngisi sa labi ni Arlon ng makita ang kanyang target. "Pakawalan n'yo s'ya." utos n'ya sa dalawang kasamahan. "Itayo n'yo at gisingin."

Walang ideya si Falcon sa mga nangyayari. Masyado nang mahina ang katawan n'ya pati na rin ang pagtibok ng puso n'ya dahil sa mga natamo ng sugat at bugbog. Gusto n'yang lumaban pero katawan n'ya na mismo ang sumusuko sa kanya. Ang magagawa n'ya na lang sa ngayon ay ang hintayin ang sarili n'yang kamatayan.

"Lantang-lanta na ang bastardong 'to Arlon." pahayag ng lalaking may hawak kay Falcon.

"Haist. Ang boring naman nito." Iniangat ni Arlon ang hawak n'yang baril at itinutok iyo sa ulo ni Falcon. Kakalabitin n'ya na sana ang gatilyo nang biglang bumukas ng sobrang lakas ang pinto ng kwartong kinalalagyan nila.

"Eyyy yow!"

Kumunot ang noo ng tatlo ng batiin sila ng lalaking hindi pamilyar sa kanila ang pagmumukha. Kalaban.

"Si Falcon ba 'yan?" tanong nito sa kanila.

"At sino ka naman?!"

"Hahaha. Ano 'to, get to know each other?"

"G*go!"

"Aiken. My name is Aiken. Ayan, para bago ka mamatay alam mo kung sino ang naglagay sa'yo sa hukay mo." Mabilis na pinaputukan ni Aiken ang dalawang kasama ni Arlon ng mag-angat ito ng mga baril. Gustuhin n'ya man na isabay sa hukay si Falcon ay hindi pwede dahil ito naman talaga ang ipinunta nila rito.

From being BlackFang's nemesis to allies. Tingnan mo nga naman. Kung dati ay halos patayin at ubusin na nila ang isa't isa, ngayon ay nandito ang mga taga-Crowned Guild para iligtas ang dating kaaway.

"Aiken, what are y–" Hindi na natapos pa ni Charm ang itatanong nang makita n'ya ang kalabang kaharap ng kasamahan. Mabilis s'yang nagtago sa isang sulok at nakipagpalitan na rin ng putok sa kalaban.

Mafia Lord's Sweet Mistake | COA #2Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon