CHAPTER 11: Mad Boss

2.3K 72 0
                                    

"Uhm." usal ko nang buksan ko ang mga mata ko. Nilalamig ako sa sobrang lakas ng aircon pero dahil sa bisig ni Falcon ay naibsan ang panlalamig ko. Nang ingat ko ang tingin ko sa lalaking katabi ko ay nakita kong tulog pala ito. Nakatigil na ang sasakyan sa isang parking space.

Teka, nasaan si Sammy? Bago pa man ako makapag-panic ay nakita ko si Kuya manong na kalaro ang anak ko sa labas. May mga bodyguard din na nakabantay sa kanila kaya naman nakahinga ako nang maluwag.

Nang ibalik ko ang tingin ko kay Falcon ay na halata ko ang kapaguran sa mukha nito. Hindi man s'ya humihilik ng malakas at wala man s'yang visible eyebags ay ramdam ko 'yon dahil sa bigat ng paghinga n'ya at pagkunot ng noo n'ya habang natutulog.

Nang bumagsak ang ulo n'ya sa balikat ko ay hinayaan ko na lang s'ya. Ewan ko ba pero para ayoko munang lumayo sa kanya.

Pinanood ko lang ang anak ko sa labas. Napaka-friendly talaga ni Sammy. Nakakatakot na pati masasamang tao ay samahan n'ya dahil sa pagiging inosente n'ya.

Naramdaman ko ang paggaan ng balikat ko kaya naman napalingon ulit ako kay Falcon. Seeing him with his drowsy eyes made him so cute. Gusto kong hawakan ang pisngi n'ya at kurutin s'ya. Jusko! Tuesday! Ano ba naman 'yang iniisip mo.

"Dapat nagpahinga ka na lang sa mansyon mo." pahayag ko. He looked really tired.

"Nangako ako sa'yong pagbalik ko ay bibilhan kita ng mga damit mo. Tsaka kailangan din ng mga extra na damit ni Sammy."

"Hindi ba 1 week ka dapat sa trabaho mo, bakit nga pala napaaga ang uwi mo? tanong ko.

"Sabi mo umuwi ako." kunot-noo n'yang saad.

"Huh? Wala naman akong sinabing ganun." puno ng pagtatakang tanong ko.

"Nakalimutan mo na kaagad?" Mas lalong naglinya ang noo n'ya dahil sa sama ng tingin n'ya sa akin kaya naman pilit kong inalala ang sinabi ko.

"Oo na. Sasabihin ko na kay Sammy. Kung gusto mo talagang marinig sa anak mo na tawagin ka n'yang papa ay umuwi ka na kaagad." - Naaalala ko na.

"Paano nga pala ang mga naiwan mong trabaho?" tanong ko. Nakonsensya tuloy ako. Hindi ko naman s'ya minamadaling umuwi 'e.

"I can do my works in my office." sagot n'ya. "Tsaka mas gusto kong nasa bahay ako para mabantayan kayo. Ayokong lumaki si Sammy na iba ang kinikilalang ama. Baka makapatay ako."

Dapat ko na bang ilayo si Sammy kay Austin? Para kasing hindi nagbibiro si Falcon sa huli n'yang sinabi.

"About the attacker last night. Nakuha ng CCTV ang ginawa n'ya sa'yo at pinapahanap ko na s'ya ngayon sa mga tauhan ko. Hindi ko alam kung paano nakapasok ang ganoong tao sa mansyon ko pero hindi ko na ulit 'yon hahayaan mangyari sa'yo...sa inyo ng anak ko."

Kinagat ko ang loob ng pisngi ko para pigilan ang sarili kong ngumiti. Para bang kinikiliti ang puso ko. Normal pa ba 'to o malala na ako?

***

"Para sa akin ito?" Gulat na saad ko ng iabot sa akin ni Falcon ang paper bag na naglalaman ng mahahaling cellphone na binili n'ya.

"Yes."

"N-Nakakahiya. Diba ang mahal nito?"

"Just accept it. Sa susunod na umalis ulit ako ay sa'yo na ako tatawag at hindi na sa mga tauhan ko."

"S-Salamat. Wala akong perang mapangbabayad sa'yo pero gagawin ko ang makakaya ko kung may ipaguutos ka sa akin. Kung gusto mo ay ako na lang ang maglilinis ng kwarto at opisina mo o di naman ka-."

"I'll keep that in mind. Pero wala akong planong gawin kang katulong ko. You're the mother of my child and taking care of Sammy and yourself is enough."

Mafia Lord's Sweet Mistake | COA #2Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon