CHAPTER 26: Let go or Never

1.8K 57 1
                                    

"Ano pang ginagawa mo rito? Umalis ka na dahil matutulog na ako." Pagtataboy ko kay Tuesday.

"Diba sabi ko mananatili ako sa tabi ngayong araw? Epekto ba ng brain trauma mo ang pagiging makakalimutin? Kanina ko lang 'yon sinabi sa'yo ah."

Sh*t! Baka hindi ako makapagpigil sa kanya kapag nanatili pa s'ya rito. Kapag hindi s'ya umalis ay baka hindi lang sa pag-angkin sa labi n'ya ang magawa ko ngayong araw na 'to. Kailangan kong maging matigas at mapanakit sa kanya pero kapag tinititigan ko ang inosente n'yang mukha ay doon naman ako napapaatras.

Hindi naman ako gan'to dati! This woman had changed me. Not in the bad way but in a good way.

Dati akala ko kailangan kong maging walanghiya sa lahat ng bagay para masunod ang mga gusto ko pero nang dumating sila ng anak ko ay nabago ang paniniwala kong 'yon. Nagagawa kong paikutin sa kamay ko ang mga tauhan ko na hawak ko sa leeg pero kahit magawa nila ng maayos lahat ng mga pinaguutos ko ay hindi pa rin ako kontento at masaya.

Hindi sa lahat ng oras ay puro pride at pera ang pinapairal, kailangan mo ring matutong magmahal para maging masaya at makontento sa buhay.

Sa maikling panahon ay may natutunan ako na hindi naituro ng sarili kong mga magulang— ang magmahal. My treasures made me love and accept small efforts that I should be thankful for.

This is why I'm letting them go. Sa sobrang pagmamahal ko sa kanila ay nagawa kong isakripisyo ang kasiyahan naming tatlo. Matitiis kong malayo sa kanila basta't alam kong ligtas silang dalawa.

"Malamig sa couch kaya tatabi ako sa'y—"

"No! Hindi ka tatabi sa akin! Pwede ba Tuesday umalis ka na! Kapag hindi ka umalis ngayon sa harapan ko ay ako mismo ang babaril sa'yo." pagbabanta ko habang matalim ang tingin sa kanya.

"F-Fal—"

"Isa! Don't make me count woman."

"I hate you. Paano mo kami nagawang kalimutan ng anak mo? Alam mo bang gabi-gabi ka hinahanap sa akin ni Sammy? Alam mo ba kung gaano kasakit na nagsinungaling sa anak mo na maayos lang ang lagay mo kahit ang totoo ay nandito sa hospital at hindi kami naalala na dal'wa? P-Paano na ngayon kapag umalis kami? Alam mo ba ang nararamdaman ni Sammy kapag lumaki s'yang walang ama sa tabi n'ya?" Hagulgol ni Tuesday.

"Sorry kung sa tingin mo ay ginagamit kung excuse ang anak natin para hindi mo kami ipagtabuyan. Hindi lang naman kasi si Sammy ang nasasaktan kundi ako rin. M-Mahal na mahal kasi kita Falcon eh!"

Hinayaan ko s'yang hampasin ang dibdib ko. I know she's upset and mad at me.

"Imbis na ipagtabuyan kami...a-ako, sana man lang ay sinubukan mo munang alalahanin kaming dalawa ng anak mo..."

I remember you! Lahat ng mga nangyari simula ng makilala kita ay naaalala ko, Tuesday. - sigaw ng boses sa likod ng isip ko.

"B-Bakit ayaw mong subukan alalahanin kami?"

"W-Wala sa plano ko ang magkaroon ng pamilya." Walang emosyong kong sagot sa kanya.

"Pero binuntis mo ako?"

"It was a mist—"

Isang malakas na sampal ang tumama sa pisngi ko. Kitang-kita ko ang galit sa mga mata ni Tuesday habang nakatitig s'ya sa akin.

"Huwag...huwag mong sabihin na nagawa sa isang pagkakamali si Sammy. Alam mo bang sobrang pasasalamat ko na dumating s'ya sa buhay ko...na n-nagbunga ang pagtatalik natin dahil kung wala ang baby ko ay siguradong hindi ko alam ang direksyon ng buhay ko ngayon."

"Hindi mo 'yon maintindihan dahil nagagawa mo ang lahat ng gusto mo sa perang meron ka pero para sa akin, si Sammy lang ang kayamanan ko. Ang anak nating dalawa ang pride at yaman ko."

Mafia Lord's Sweet Mistake | COA #2Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon