39

33 2 0
                                    

I'll Live With You #3: DAHMO part 39

Pinpigilan ni Sana ang pagtili dahil sa pagkwento ni Momo. Nang sinabi ni Sana na "I'm just one call away", hindi nito sinunod.

Momo: Are you really serious? Ito ang pinunta mo dito?

Sana: Bakit? Anong masama? Hindi mo kasi ako tinawagan, dalawang lingo na lumipas.

Momo: Chismosa ka din e

Sana: Well, hindi ito chismis. Totoong nangyari!

Momo: Hay ewan ko sayo

Sana: So, naulit pa ba?

Momo: Wow! You've changed! Sana, ikaw ba yan?

Inalog ni Momo ang balikat ni Sana para siguraduhing hindi sinasapian ng chismosang espirito ang kaibigan.

Sana: Ako 'to!

Inalis ni Sana ang kamay ng kaibigan sa balikat niya, pagkatapos ay tinitigan siya nito na parang inaabangan ang isasagot sa tanong niya.

Momo: I can't believe kinukwento ko 'to sayo. I mean, you've changed! Hindi ka ganito dati.

Sana: Dati yon. Nagbabago ang mundo, tao pa kaya.

Momo: Bahala ka dyan

Sana: Ihhhhhh! Sabihin mo na kasi

Momo: Hay ayoko

Sana: Siguro naulit pa ne? kaya hindi ka makasagot

Sinamaan niya ng tingin ang kaibigan na inaalog ang braso niya, nangungulit.

Momo: So, sa inyo ni Tzuyu wala pang nangyari?

Sana: Wala

Momo: Bilis sumagot ah? So, anong ginagawa niyo sa condo? Nag jack 'en poy?

Sana: Duh, nakatira lang ako dun pansamantala

Momo: Ang tagal naman yata ng kalahating taon

Sana: Ganyan talaga, hanggang di pa ako permanent sa trabaho, hindi ako aalis dun

Momo: So, nagpipigil lang si Tzuyu ganoon?

Sana: Yes. Magaling siya diba?

Momo: Nako, baka yung sexual frustration niya ay mapunta sa iba. Pero hindi ko naman sinusuggest na may mangyari.

Napaisip si Sana. Bigla tuloy siya naawa kay Tzuyu. Ni hindi na siya nito mahawakan sa kamay.

Sana: Respeto lang kailangan niya. If he really respects me, he will control himself.

Momo: Well, I'm proud of him.

Napangiti si Sana at tila proud din sa kanyang boyfriend. Naalala niya ang tanong kay Momo kaya kinurot niya ito sa tagiliran.

Sana: Iniba mo ang usapan! So, naulit pa?

Momo: Hay, ang kulit.

Sana: Sagutin mo nalang kasi. Pavirgin ka pa

Momo: Wow, birhen salamat ha

Sana: HAHAHAHA welcome po

Momo: Oo na

Nanlaki ang mata ni Sana at pinalo palo ang braso ni Momo dahil sa kilig.

Sana: Kaya pala ang ganda ganda mo lalo! Nadidiligan ka pala wooh!

Momo looked at her in disbelief. Si Sana pa ba itong kausap niya?  Mawawalan na siya ng pasensya rito.

Momo: Magmumog ka nga ng holy water, ang dumi na ng bibig mo

I'll Live With You #3: DahMoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon