chapter 3

5.8K 89 1
                                    

Oh.. Warning bawal sa BATA..edad 18 pababa.. Sht bawal din ako..nakuha ko lang to somewhere..xD

Okay A long and boring chapter.. Fck tapusin na lang natin to.. -_______-

FELICIA

"Nasaan na tayo Deann?" kunot noong tanong ko sa kanya..

He just shrugged his shoulder..

"Malalaman mo rin wife.." nakangisi niyang sabi.. Tinignan ko lang siya ng masama

"nasaan na nga kasi!" singhal ko.. Inakbayan niya lang ako..

"Kalma ka lang okay.. Hintayin na muna natin yung dalawa.." paliwanag niya.. Inirapan ko na lang siya saka nilapitan yung kambal dahil umiiyak na naman si Felianna samantalang si Flame tuwang tuwa naman sa mga nakikita niya.. Ewan ko kung saan kami pupunta pero sabi ng mokong na ito magbabakasyon daw kami.. Ayos lang naman kasi Halos Mag-iisang taon na rin tong dalawa na to.. Pero ang nakapagtataka.. Ayaw sabihin ng mokong kung saan kami pupunta kaya heto kami sa Airport hinihintay sina Justin at Patricia..

"Uhmm.. Nanay Maria ako na po ang maghahawak kay Lian.." sambit ko ng akmang bubuhatin niya ito..

"Ay naku Iha..Ako na kaya ko na ito.." sagot niya..

"Pero Nay. Ako na po .. Si Flame na lang po mas madaling alagaan yan kaysa dito.." paliwanag ko.. Agad namang umiyak si Lian as if namang naiintindihan niya yung sinasabi ko.. Ngumiti naman si Nanay sa akin.. Well sa halos 5 months na pag-aalaga namin kumuha na rin kami ng magbabantay sa dalawang ito dahil nga ang tatay nila..Isip bata at kailangan akong isama sa office eh medyo naging busy na rin kami kaya naghanap na rin kami ng pwedeng tumulong..Hindi kasi pwedeng yung dalawa na lang lagi dahil nagiging busy na din sila.. Buti na lang naalala ko si Nanay Maria na nag-alaga sa akin nung bata pa ako.. Kaya siya na ang kinuha ko..

"Sssh..Tumahan ka na..Joke lang ni Mommy yun.." bulong ko saka hinalikan siya sa noo at hinele.. Maya maya ay nakatulog narin ito.. Si flame.. Binigyan ko lang ng laruan kasi behave naman siya..

"alam mo Iha.." sambit ni nanay.. Napatingin naman ako

"Hindi ko talaga akalain na magkakatuluyan kayo ng batang yan.." dagdag niya saka itinuro si Deann na busying busy sa pagtawag..napangiti naman ako..

"Kahit ako po Nay.." sagot ko..

"Naalala ko pa noon kung paano niyo itinago yung relasyon niyo sa magulang mo.. Tapos nung nabuking kayo..kitang kita ko kung gaano siya katapang na ipaglaban ka sa magulang mo.." pagkwe-kwento nito.. Napatango naman ako..

-------

"I love you too Deann.." bulong ko..Pagkatapos niya akong ihatid sa bahay..

hinawakan naman niya yung kamay ko saka marahan itong hinalikan..

"Ipaglalaban kita Fel.. " sagot niya napatango naman ako saka niya ako hinalikan sa noo ko..

Magpapaalam na sana ako ng biglang..

"Felicia!" agad kaming napalingon..nanlaki yung mata ko ng makita sina Mommy at Daddy na nakatayo sa pintuan.. Kitang kita sa mukha nila ang galit lalo na kay Daddy na halos ikapula na niya..

Napalunok na lang ako kasabay ng mahigpit na paghawak sa kamay niya..

"Si..sir.." nauutal niyang sabi

"Felicia..Pumasok ka sa loob.." madiin na utos ni Daddy.. Umiling naman ako.. Hindi pwede may gagawin sila kay Deann..

"Isa Felicia.." sambit niya.. Hinihila naman ako ni Mommy palayo sa kanya..

"Deann.." Sigaw ko saka pilit na kumakapit sa kamay niya..

"Fel..sige na.." sambit niya umiling naman ako ..

INSTANT-US ✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon