Warning: this is a lame update sorry..
"Pag nakatadhana..magkikita't..magkikita pa rin kayo kahit anung mangyari.."
VIC
"V..Vic.." sambit nito na halatang kinakabahan..
Agad naman akong nagtaka..
Paano?
Paano niya ako nakilala?
Bakit niya ako kilala..eh hindi ko naman siya kilala..
Well kung tatanungin niyo ko..
Babae siya tapos hindi naman katangkaran dahil mas matangkad ako..mapupungay yung mga mata at sasabihin kong hindi mo maiiwasang tumingin lalo na sa mata niya..
"Teka bakit mo ako kilala?"takang tanong ko dito nung tinulungan ko na siyang tumayo.. Halata sa mata nito ang pagkagulat..
"Teka hindi mo ako kilala? Grabe kinalimutan mo na talaga ako!" nakapout na sabi nito..
Napakamot naman ako sa batok ko.. Saka inalala kung saan ko siya nakita.. Pero napailing lang ako..wala talaga eh..
"Sorry.. Hindi talaga kita kilala eh.." sagot ko
Binatukan naman niya ako..Grabe lang ah!Kakakita ko lang sa kanya kung makabatok!
"Hoy Vic ako to si.."
"Hon.." tawag sakin ni Den kaya lumingon ako..
"Sorry natagalan.." hinging paumanhin ko sa kanya..
"Hindi ayos lang hon..Pero tara na alis na tayo..Nagugutom na ako eh.." reklamo niya
"Sige wait lang.." sagot ko saka hinarap ulit yung babae..
"Sorry Miss..hindi talaga kita kilala eh..Saka sorry rin hindi ko sinasadyang mabunggo ka.." hinging paumanhin ko sa kanya..
Tumango naman siya saka ngumiti..
"Hindi ayos lang..Maaalala mo rin ako..Sige mauna na ako.." paalam niya..
"Hon tara na.." nakapout na sabi ni Den
"Hon kilala mo ba yun?" Tanung ko dito..
"Hmm...player siya ng adamson nung college days natin.." sagot nito
"Anung pangalan?" Tanong ko
"Nakalimutan ko na rin dahil sa tagal eh.. teka bakit ka ba tanong ng tanong about sa kanya! Type mo!!" Singhal nito tumawa na lang ako .. kaya kinurot ko yung pisngi niya ang cute kasi..
"Aray!Ha!" reklamo niya
"I love you.." bulong ko dito saka nagnakaw ng halik..
"Mukha mo!" nakangiting sagot niya saka pumasok na sa kotse.. . . . .
.
.
.
.
"Hon..Ang boring.." reklamo ko dito habang nagdadrive.."Anung gusto mong gawin ko?Kumanta?" nakataas kilay na tanong nito
"Hay naku!Wag na masisira yung salamin ng kotse ko!" nakangisi kong asar dito.. Agad naman niya akong pinagbabatukan..
"Aray!oww..What ..Aray!" reklamo ko..
"Pag tayo naaksidente ah!" singhal ko dito dahilan para matigil siya.. Agad naman itong nagcrossed-arm saka nagpout... hinayaan ko na lang siya para kunyari nagtatampo ako..
Minsan talaga bipolar siya parang bata..Minsan naman sobrang sungit.. Pero kahit ganun ..I can stop myself loving her..
Pero feeling ko may kulang..and hindi ko alam kung anu yun..
BINABASA MO ANG
INSTANT-US ✓
FanfictionShiela Pineda just a typical girl you were looking for but what if in just a one click, everything in her life will change including meeting her-- Ara Galang ( a Famous volleyball star) that she was accidentally tagged at the social media as her lov...