Ms. Chubby 35 (Confess)

443 27 0
                                    

LECKZY'S POV

"Anong sunod na gagawin natin kila Sabrina?" Tanong ni Hazel. We looked at her.

Andito kami ngayon sa bahay nila Ivan. Napag-isipan lang namin ngayon mag-sleepover sa bahay nila.

"Uhmm, magpa-plano pa lang tayo! Ang kailangan muna nating pag-handaan ay ang gagawin natin kay Clark!" I said. They all gasped.

"Sure ka ba dyan sa plano mo, Leckzy? Mahalaga ang game na yun kay Clark. Last na laru na nya yon at kung hindi pa nila iyon mapapanalo ngayon ay...." Tumigil si Ivan sa pag-sasalita.

"Ay ano?" Tanong ko.

"Hindi nya matutupad ang pangako nya sa Mommy nya." Ivan said. I gasped loudly.

"Lagi nya namang hindi tinutupad ang mga pangako nya!" I said.

"Leckzy---." Pinutol ko agad ang sasabihin ni Ivan.

"Gagawin natin ang plano sa ayaw at sa gusto mo, Ivan!" I said. Napabuntong hininga sya at hindi na nagsalita.

"A-ahhh! E-Ehem! Anong papanuorin natin na movie mamaya?" Hazel said.

"Kayo na lang ang bahala!" Chelsey said. Tumayo ako kaya napatingin silang lahat sa akin.

"Let's go, Hazel. Bili tayo ng pagkain sa grocery store." Tumingin ako kila Chelsey, Ivan, at Izzy.

"May ipapabili ba kayo?" I asked them.

"Libre mo ba?" Ivan said. I smirked at him.

"Yes, libre ko!" I said. He smirked too. Hay, alam ko na ang ipapabili nito!

*-*-*-*-*-*-*-*

"Grabe naman ang sikmura ni Ivan! Seryoso ba sya na mauubos nya lahat ng ito?" Hazel said.

Papunta na kami ulit sa bahay nila Ivan. At halos isang oras kami dahil hinintay pa namin ang mga pinabili ni Ivan. Tumingin ako sa backseat na punong puno ng mga pagkain.

"Player si Ivan. Matatakaw talaga kapag mga player!" I said. Hazel chuckled.

Pagkarating namin sa bahay nila Ivan ay naabutan namin na naghihintay sila sa labas ng gate. Lumabas ako ng kotse at binuksan ang backseat. Nagtulungan kaming magbubat ng mga pagkain.

"Binili mo talaga lahat ng sinabi ko ha!" Pang-aasar ni Ivan. I rolled my eyes at him. Tumawa sya bago ako nilampasan at inakbayan si Chelsey.

Nanuod lang kami ng mga 2 movies bago namin napagkasunduan na matulog. Bali ang pwesto namin ay si Ivan, Chelsey, Hazel, Ako, at si Izzy.

Naramdaman ko na tulog na sila pero ako hindi parin ako kayang dalawin ng antok. Pumapasok kasi sa isip ko yung mga tanong na, 'gagawin ko ba talaga kay Clark yung plano?', 'lalo bang magagalit sa akin si Clark kapag nangyari yun o baka mas lalo nya akong kamuhian, pero kwits na kami kung ganun?'

Hindi ko talaga alam kung gagawin ko ba o hindi. Sa mga nagdaang araw, lagi na syang busy sa pagpa-practice. Halata mo sa kanila na determinado silang manalo.

Pero diba, plano kong iparamdam din sa kanya ang sakit na ginawa nya sa akin. Diba, deserve nya naman ang gagawin ko sa kanya? Pero bakit nakakaramdam ako ng guilt? Hindi ko na alam ang gagawin ko. Gagawin ko ba talaga ang plano o hindi?

*-*-*-*-*-*-*-*-*

'Go team! Go team!
Who do we mean?
We'll say it loud,
Because we're proud.
F-S-H-A!
FLINTRIDGE SACRED HEART ACADEMY!
F-S-H-A!
FLINTRIDGE SACRED HEART ACADEMY!
F-S-H-A GO! F-S-H-A GO!
We're steppin' up, so step aside!
We're the best; we're here to win'

ᴍꜱ. ᴄʜᴜʙʙʏ (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon